Isa ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pinagbigyan ni Kris Aquino na ma-interview siya pagkatapos niyang magsalita sa The Buzz kahapon, January 17, kung saan inamin niyang humingi siya ng "emotional space" sa asawang si James Yap dahil "pagod" na siya. (CLICK HERE to read related story.)
Ayaw na sanang magsalita ni Kris, pero later on ay pumayag na rin siya. Pero nagpauna na siya na sandali lang ang interview dahil magsisimba na siya.
NOT A POLITICAL ISSUE. May usapan pala sina Kris at James na hindi magsasalita si Kris pagkatapos niyang sumugod sa bahay ni Mayen Austria. Pero napilitan daw siyang magsalita dahil idinadamay na si Noynoy sa isyu.
"Nagsalita na lang ako dahil tinitira nila si Noy," aniya. "Ano ba ang kinalaman ni Noy? And then, for all those evil people na sinasabi na parang kinalimutan ko na ang nakaraan ko, ang first statement ko sa The Buzz, 'Noong July 10, 2005, pinakasalan ako ni James. Magmula noong araw na yun nabigyan ako ng karapatan ng batas at ni James na ipagtanggol ang marriage ko.' Ganun lang kasimple yun. He married me with full knowledge and consent. So I think they should all shut up because he married me and that gives me all the right in the world."
Kinausap ba ng sisters niya si James?
"No. Sila ni Noy [Noynoy Aquino, Kris's only brother] at ng brother-in-law kong si Manolo [Abellada, Pinky's husband] ang nag-usap. Birthday kasi ng brother-in-law ko and we had lunch sa bahay nila. Hindi naman ako nag-eavesdrop ng pinag-usapan nila," saad niya.
Nag-dedmahan ba sila ni James sa lunch na yun?
"Hindi naman. Nag-shoot pala sila ni Baby James ng commercial for Sun Life Financial."
Hindi naniniwala si Kris na maaapektuhan o magba-backout ang endorsement ng kanyang mag-ama dahil sa bagong kontrobersiya sa kanila ni James. Hindi naman daw nag-estafa o nag-embezzle ng pera ang PBA player.
Ano ang reaction ng mga kapatid niya?
"Sina Pinky at Viel, ang sabi, 'It's so her.' Si Noy, he calls me Kristina, at sabi niya, 'Forget about the campaign and focus on the children.' Nag-sorry ako sa kanya dahil nadadamay siya. May ginamit siyang word, 'abrogate,' na hindi ko alam ang meaning and I had to look it up sa dictionary. Ang feeling ko, nasa Senado ako!" natatawang kuwento ni Kris.
Ano ang unang sabi ni Noynoy nang mabalitaan ang nangyari?
"Ang first word niya, 'Ano ulit? Ano ang nangyari?' He also did his own investigation. May tinawagan siyang bishop na friend ng bishop na bisita ng mga Austria. He wants to be sure na wala akong ginawang gulo. Sabi ni Noy, 'In fairness to you, malakas kang sumigaw at maririnig sa loob ng bahay kung sumigaw ka. Pero walang narinig ang mga nasa loob ng bahay.' Ang worry ni Noy, kung nambato ako."
"I HAVE TO SEE HER." Nagsisi ba siyang nakipagbalikan siya kay James after ng away nila noong December 25? (CLICK HERE to read related story.)
"No naman," sagot ni Kris. "Ano ba, I promised my sisters na hindi na ako magsasalita dahil sabi nila, kung magsasalita pa ako, 'whatever it is you want to fix, never maayos.' Sabi ng sisters ko, 'Be quiet.'"
Naisip ba niya ang repercussions ng ginawa niyang pagsugod sa bahay ng mga Austria?
"Siyempre hindi. Hindi ko rin kinonsulta ang mga kapatid ko," pag-amin niya.
Nagsisi ba siya sa kanyang ginawa?
"I wanna answer honestly, but I can't. If I answer it honestly, babatuhin ko ang girl."
Nakita raw si Kris ng anak ng scriptwriter na si Roy Iglesias sa harap ng bahay ng mga Austria na kausap ang mother ni Mayen. Akala raw nito ay nagha-house-to-house campaign lang si Kris. Itinawag pa nga ng asawa ni Roy na si Zeny kay Boy Abunda, kaibigan at The Buzz co-host ni Kris, na nakita niya ang TV host-actress.
"I have to see her [Mayen]," sabi ni Kris. "Ang feeling ko, kung ang tingin ng nakakita sa akin nangangampanya ako, hindi ako nagwawala, nicey-nicey ka, di ba?"
MOVING TO PINKY'S HOUSE. Sabi ni Kris, hindi pa sila hiwalay ni James. Pero mula raw noong Saturday, January 16, sa kuwarto ni Josh siya natutulog.
"Nagkainitan kami ni James dahil sinabihan niya akong walang gulo kung hindi ako sumugod. I told him kung nanggulo man ako, ang isang ito'y may rights. Pero hindi ako doon galit, galit ako na idinadamay nila ang kapatid ko na lagi lang akong sini-save. Ang panalo lang na sinabi ni James ay nang sabihan yung girl [Mayen Austria] na, 'Kung ayaw na sa 'yo, huwag mong ipagpilitan ang sarili mo.' Kung hindi dahil sa sinabi niyang yun..."
Kinumpirma rin ni Kris na lilipat muna siya pansamantala sa bahay ng ate niyang si Pinky Abellada, kasama ang mga anak niyang sina Josh at Baby James. Ginawa niya raw ito para sa kaligtasan ng mga anak niya, na naiiwan sa bahay pag may trabaho siya.
Paliwanag ni Kris, "Dapat as early as January 15, ite-turn over na namin ang house namin sa Valle Verde sa new owners, pero hindi pa tapos ang condo namin sa Makati. Tapos, I'll be in Cebu sa January 22 for Pilipinas Got Talent, at sa January 24 ang balik ko. Walang kasama ang mga bata.
"Naisip ko, lumipat na lang kami kina Pinky. My kids are left alone at madaling-araw na ako nakakauwi. Pinky said, isasama na lang niya si Baby James sa mga lakad niya tutal nasa school naman si Joshy. Mag-dinner na lang daw with them, tapos kung time to sleep, dun na lang pauuwiin."
Naikuwento ni Kris na nag-aaral sa Portugal ang daughter ni Pinky, kaya magagamit nila ng kanyang mga anak ang bedroom nito. May guest room din daw sa bahay nina Pinky. Pero ang problema, sira raw ang water heater ng bedroom. Hindi raw nakakapaligo si Kris nang walang hot water.
Naka-ready na rin daw ang mga gamit ni Kris at nina Baby James at Josh. Marahil ay itinuloy na nila ang paglipat kina Pinky after niyang magsimba.
Nang matapos ang interview kay Kris, nakatanggap ito ng text message na ikinatuwa ng TV host-actress dahil na-solve ang problema sa water heater. Na-share ni Kris ang text message ng kanyang ate at sabi nito: "Just saw tape. Very good and I've bn getting nothing but positive txts. Thank u God, thank u mom. Sana ends na. Heater in guest rm fixed na so if want 2 transfer 2nyt (Sunday) pls tell one of yayas 2 call Paula na & ready din food. Hope pantals have subsided."
Ang tinutukoy na tape ni Pinky ay ang Sunday episode ng The Buzz dahil hindi nila ito napanood nang live dahil nasa simbahan sila. Ipinakita rin ni Kris sa press ang mga pantal at rashes niya na binanggit ng kanyang ate sa text.
"In total defense of Clau [Claudine Barretto], naintindihan ko na siya," sabi ni Kris. "Dati pinagtatawanan niyo siya na nagka-rashes dahil sa work. But when you're really, really tired na and you're under stress, it really happens.
"Wednesday, tinubuan na ang buong katawan ko. First time na nagka-rashes ako nang ganito... Dati pala nagka-rashes ako noong malapit nang mag-go ang mom ko. Hindi ako maka-take ng anti-histamine dahil dapat tuluy-tuloy, kaya lang aantukin ako. O, di na-accuse pa akong tulog nang tulog sa set!"
TIME AND SPACE. Nabanggit din ni Kris na bago mag-air ang The Buzz, tinext siya ni James at sinabing huwag na niyang banggitin na may space sila ngayon. Obviously, hindi ito sinunod ni Kris.
"Para raw huwag nang lumaki ang isyu, huwag ko nang banggitin. Ang feeling ko, kung pagtatakpan ko ang nangyari, baka mag-boomerang sa amin. Pero hindi kami hiwalay. Ayoko lang isipin nilang ginagamit ko ang isyu para sa politics," paliwanag niya.
Nagpakatotoo si Kris dahil nang tanungin ng press kung nasaan si James that time. Aniya, "I don't know."
Siya raw kasi ang tipo ng asawa na hindi nagtatanong kung saan pupunta ang asawa at hindi siya makulit na tanong nang tanong
Ano ang dapat gawin ni James para siya'y suyuin? Kailangan pa nga ba siyang suyuin?
"Dapat lang niya akong suyuin," sagot ni Kris. "Hindi na siya dapat magbigay ng material dahil kayang-kaya ko ang material things. Dapat mag-effort na lang siya."
Mahal pa ba niya si James?
"Oo naman," aniya.