For the first time, napapayag ng Showbiz Central na maupo sa "Don't Lie To Me" segment ang actress-TV host na si Gelli de Belen. Ayon kay Gelli, nakakanerbiyos daw pala ang maupo sa lie-detector test at para siyang kinukuhanan ng blood pressure.
Naging malaking challenge din kay Gelli ang naging record ng kanyang kapatid na si Janice de Belen, na naka-perfect score nang sumalang ito sa lie-detector test noon.
Ang unang tanong ng host na si John "Sweet" Lapus kay Gelli, bagamat 12 years na silang mag-asawa ni Ariel Rivera, totoo ba na hanggang ngayon ay pinagseselosan pa rin nilang dalawa ang mga naging ex nila sa showbiz?
"No" ang sagot ni Gelli at Truth naman ang naging resulta nito
Follow-up ni Sweet, sa pagkakaalam niya ay si Raymart Santiago lang ang naging ex ni Gelli na taga-showbiz. Kumusta sila ni Raymart pag nagkikita sila ngayon?
"Dyusko, 16 lang ako noon!" sambit ni Gelli. "Wala... Kapag nagkikita kami, 'Ano balita? Ano na mga nangyayari? Kumusta mga anak?' Ganun."
Obvious din daw na opposite sila ni Ariel sa maraming bagay. Si Ariel ay tahimik samantalang si Gelli ay prangka, komedyante, ang lakas ng dating... Hindi ba ander si Ariel kay Gelli?
"Akala ng lahat, ander ko siya!" natatawang sabi ni Gelli. "Pero bilang kilala mo kami, alam mo na ako ang ander. Akala niyo lang tatahi-tahimik si Ariel. Malakas lang ang boses ko. Pero kapag nagsalita na siya, tiklop na ako."
Natawa ulit si Gelli nang ibuko ni Sweet na si Ariel lang daw ang nakakapagpauwi kay Gelli nang maaga.
Sa ikalawang tanong, sa pagkakaalam niya, totoo ba na may bagong boyfriend si Janice?
"Wala sa pagkakaalam ko," ang sagot ni Gelli, pero ang lumabas sa lie-detector ay Lie.
"Nakakatawa naman, nag-lie!" bulalas ni Gelli nang lumabas ang resulta.
"Baka may nakikita kang dine-date [si Janice]?" tanong ni Sweet sa kanya.
"Wala... 'Eto nga, napanood ko kanina bago ako pumunta rito na may bago raw boyfriend si Janice. Nakita kong pinalabas. So, dali-dali ko siyang tinawagan. 'Janice, may boyfriend ka na ba?' Siyempre, bilang kadarating ko lang kasi at galing akong Canada. 'Wala!' 'Manliligaw?' 'Wala! Sino may sabi?' Ewan ko kung bakit naging lie," saad ni Gelli.
Sabi naman ni Sweet, baka kasi wala siyang tiwala dahil sa phone lang sila nagkausap, na inayunan naman ni Gelli ng "puwede."
Ang ikatlong tanong ay nanggaling mismo sa ate ni Gelli na si Janice: Nagkaroon ba ng time in the past na nasaktan niya si Gelli nang hindi niya alam?
Matagal bago sumagot si Gelli, pero later on ay sumagot din ito ng "yes" at Truth naman ang lumabas na resulta.
Ano ang insidenteng yun?
"Actually, matatawa lang siya. Parang nire-relive ko lang ang past," sabi ni Gelli.
Tungkol ba ito sa lalaki?
"Oo!" mabilis niyang sagot.
Sino?
"Si John [Estrada, Janice's ex-husband]!" natatawang pag-amin ni Gelli.
