Aminado si Jennica Garcia na dream come true para sa kanya na makatrabaho ang ina niyang si Jean Garcia sa isang dramatic project. Gumaganap nga sila bilang mag-ina na sina Alvina at Rizzi sa bagong panghapong soap ng GMA-7 na Sine Novela Presents Ina, Kasusuklaman Ba Kita? na mapapanood na simula sa Lunes, January 25.
Nagkatrabaho na sila dati sa Impostora at Gagambino pero ito raw talagang bagong soap nila ang hinihintay niyang project dahil mag-ina nga ang roles nila rito.
"Oo, ang saya nga, e. Ito yung pinakagusto kong mangyari, e. Kumbaga, nag-uumpisa pa lang ako sa showbiz, sabi ko, 'Gusto kong magkatrabaho kami ni Mama [Jean]. Hindi lang basta magkatrabaho, kumbaga, gusto ko siya yung mama ko at ako ang anak niya,'" bulalas ni Jennica nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Ina, Kasusuklaman Ba Kita? na ginanap kahapon, January 19, sa The Roxy sa Tomas Morato, Quezon City.
Originally sa movie version ng naturang serye ay sina Rita Gomez at Lorna Tolentino ang gumanap sa mga roles nila. Hindi ba kinakabahan si Jennica na sa kanya napunta ang role ni Lorna noon?
"Siyempre natatakot at saka pressured. Kasi baka mapanood ni Ms. Lorna. 'Tapos sana po kahit papaano... hindi ko naman po gustong higitan, e. Ang gusto ko lang pag natapos yung soap sasabihin ng GMA na tama ang pinili natin na ang gumanap na Rita Gomez at Lorna Tolentino ay sina Jean at Jennica. Iyon lang, ang laking achievement na yun sa akin."
Natuwa raw si Jennica nang malaman niya na binili ng GMA-7 ang naturang obra ni Gilda Olvidado para sa kanilang mag-ina.
"Sobrang natuwa ako, naging inspired pa ako na yun nga sinabi ni Ms. Lilybeth [Rasonable, GMA's vice president for drama] na ganun. Nagpapasalamat talaga ako sa GMA."
JEAN IS NOT A STAGE MOTHER. Hindi ba naging stage mother si Jean sa kanya during their taping?
"Alam mo, si Mama, ano 'yan, e... sasabihin niyan, 'yung buhok mo, yung buhok mo'. Siya yung nag-aayos. Hindi naman yung stage mother talaga."
Dahil isa sa magagaling na mga artista sa local showbiz ang mama niya, pinapakialaman ba nito ang kanyang pag-arte?
"Pagdating sa acting hindi niya ako pinapakialaman. Tinitignan ko lang siya 'tapos sasabihin ko sa kanya, 'Ma, nahihirapan po ako.' 'Tapos gaganun lang siya, 'Kaya mo 'yan.' 'Tapos, sige, game na nga, yung ganun."
Mas tumibay ba ang samahan nilang mag-ina ngayong pareho na silang artista?
"Kami namang dalawa ni Mama, mahal na namin ang isa't isa dati pa. Mas tumibay lang talaga lalo na nung nag-artista na ako. Mas naintindihan ko ng sobra ang mama ko kasi hindi pala biro. Kasi pag papanoorin mo sa TV parang ang sarap-sarap ng buhay ng mga artista. Pero nung naging artista na ako, napakahirap pala ang pag-aartista. Pagod ka na sa trabaho, 'tapos may mga intriga pa. Pero dahil nakasuporta lagi si Mama, kinakaya ko rin lahat ng challenge sa showbiz."
TAMPO, NOT SUKLAM. Dahil Ina, Kasusuklaman Ba Kita? ang title ng soap nila, may time ba sa pagsasama nilang mag-ina na kinasuklaman niya si Jean?
"Wala, wala," mabilis na sagot ni Jennica






i miss adik sayo rin.
i havent seen jenica in drama. magaling din ba sya.
sa comedy, swak talaga sya.
in fairness, adik sa yo was so nice, very original tapos nde korne ang pagpapatawa..:
yeah, sana may bagong romantic comedy na naman sa siete..:
hehehe
speaking of adik sayo..sana may sequel o kya kahit gumawa ulit ng ganito ang gma with the same team.
tpos yung mga sagot nia parang kausap nia lng kaibigan very true to her words
aja Jennica gudluck sa IKBK !!! =