news

Jennica Garcia has to muster courage to physically hurt her mom in their new soap

by Ruel J. Mendoza posted on January 22, 2010  STATS: 7326 Views | 9 Comments

 

"Okey lang na si Mama ang manampal at sigaw-sigawan ako. Kaya kong tanggapin 'yon, pero yung ako ang mananakit kay Mama, parang hindi ako makakatulog nang mahimbing knowing na nasaktan ko siya," says young actress Jennica Garcia.

Photo By: Noel Orsal

Napanood ng mag-inang Jean at Jennica Garcia ang DVD copy ng 1985 movie Ina, Kasusuklaman Ba Kita?—pinagbidahan ni Lorna Tolentino at ng yumaong si Ms. Rita Gomez—na pinagbasehan ng kanilang afternoon series sa GMA-7 bago sila magsimulang mag-taping. Sabi ni Jennica, sobra siyang na-challenge sa role na ginampanan ni Lorna bilang si Rizzi.

"Noong pinanood namin 'yon ni Mama, parang natakot ako kasi parang hindi ko kayang mapagsabihan o masaktan ko si Mama. Kahit sabihin mong acting lang ang lahat, parang hindi ko pa rin kayang gawin 'yon. Pero kinausap naman ako ni Mama at sinabi niya na okey lang na gawin ko 'yon dahil trabaho naman ang lahat. Hindi niya 'yon pepersonalin because she knows na we are doing a job, kasi professional kami.

"Nakiusap nga muna ako na kung puwede, huwag masyadong matindi ang gagawin kong pananakit kay Mama. Okey lang na si Mama ang manampal at sigaw-sigawan ako. Kaya kong tanggapin 'yon, pero yung ako ang mananakit kay Mama, parang hindi ako makakatulog nang mahimbing knowing na nasaktan ko siya," saad ni Jennica sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Ina, Kasusuklaman Ba Kita? last Tuesday, January 19.

Kuwento pa ni Jennica sa PEP, sa unang taping day nila for the said series ay mabibigat na eksena agad ang kinunan sa kanila ni Direk Gil Tejada. First time daw magkaroon ng gano'ng klaseng mga eksena sina Jean at Jennica kahit na nagkasama na sila sa dalawang GMA-7 primetime series—Impostora at Gagambino.

"First time na may mga ganito kaming madadramang eksena ni Mama. Kasi sa Impostora, ilang beses lang kami nagkasama sa eksena. Hindi naman kasi kami mag-ina doon sa story. Sa Gagambino naman, ako yung mataray kay Mama kasi nadiskubre ko na siya pala ang nanay ko na iniwan ako.

"Kaya nakakapanibago ngayon kasi halos lahat ng eksena, magkasama kami. Nasampal na ako at nasigaw-sigawan na ako sa mga eksena. Pero si Mama naman, after each take, nagsu-sorry siya sa akin at niyayakap niya ako. Gano'n din naman ang gagawin ko kay Mama kapag nilabanan ko na siya sa kuwento," saad ni Jennica.

NEW LEADING MAN. Si Paulo Avelino ang leading man ni Jennica sa Ina, Kasusuklaman Ba Kita?. Una silang nagkatrabaho sa isang episode ng Dear Friend at nang hanapan ng bagong ka-partner si Jennica, si Paulo raw ang bumagay sa kanya.

Hindi kaya mag-react ang fans nila ni Mart Escudero dahil nasanay na ang mga ito na makitang si Jennica ang katambal ng StarStruck winner sa mga TV show at pelikula?

"Hindi naman po siguro kasi may kanya-kanya na kaming shows ni Mart," sagot ni Jennica. "'Tsaka hindi naman po ako ang nagdesisyon niyan kundi ang management. Okey naman po sa akin kung si Mart ang itambal ulit sa akin. Sino naman po ako para tumanggi?

"Pero gusto raw nila na may bagong ma-partner sa akin at tamang-tama lang daw si Paulo. Nakatrabaho ko na before si Paulo at madalas din kaming magkakasama kasi we have common friends in the business."

Isa sa common friend nila ay ang nali-link kay Paulo at nababalitang girlfriend nito na si LJ Reyes. Nabalita nga noon na nagtangkang manligaw si Paulo noon kay Jennica, pero hindi lang ito tinuloy ng young actor.

"May gano'n ba talaga? Naku, kaibigan ko si LJ at hindi puwede! Bad 'yan!" tawa ni Jennica.

Dagdag niya, "Yung nabalitang panliligaw daw ni Paulo, hindi naman totoo 'yon. Kasi nga barkada ko si Chariz Solomon. Tuwing lalabas kasi kami, tatawagan niya si Paulo at yung ibang friends namin. Kaya doon lang naman 'yon nagsimula.

"Kung nanligaw man si Paulo, hindi ko naman idi-deny 'yon, e. Noong manligaw nga si Mart, openly na kinuwento ko naman, di ba? Pero kami ni Paulo, wala 'yon kasi hindi niya puwedeng gawin 'yon! Basta hindi puwede! Mambuking ba ako?" patuloy sa pagtawa si Jennica.

NON-SHOWBIZ SUITORS. Inamin naman ni Jennica na may suitors siya ngayon, pero puro mga hindi taga-showbiz. She goes out on dinner dates daw, pero hanggang doon lang dahil naka-focus siya sa kanyang career ngayon.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

9 Comments

  • princess_18yahoocom

    02/27/2010 | 03:42 PM
    ang kapal naman ng face mo markisrael...eh ano naman kung walang comment buti nga comment lang ang konti eh yung show sa kabilang istasyon hindi lang comments sa show yung nilalangaw pati mismo yung show nilalangaw na rin well hindi naman nakakapagtaka kasi wala namang kwenta ang palabas sa dos noh....gud luck na lang sa inyo kasi tataob na ulit kayo sa mga bagong show ng GMA...magdasal na kayo...bwahhhhhahahah....love you ate jennica...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • markisrael21

    01/24/2010 | 07:06 AM
    ok siya umarte...kaya lang madalas may pagka-OA siya at feeling wise na person...i think nadadala lang siya ng mom niya...

    medyo nilalangaw ang topic niya...kaya nagcomment na lang ako...hehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • careermuna

    01/23/2010 | 11:55 PM
    tama naman si jean ,.na mag ingat sya sa showbiz at dahil bata pa sya,.saka na love life,.gumaya sya kina SARA at BEA ALONSO na sa edad na 25 sila tatanggap ng relasyon..better sa panahon now,..sobrang ingat ka,,at di ba nga nabuntis si jean sa edad na 19,..so,behave!!.trabaho,.at career na lang muna,,at saka...pag aaral pa,..sa lovelife nasisira isang tao o star e,as in,.saka,..bata pa,,kilalanin muna sarili at si god bago pumasok sa relasyon,maging matured muna at malaks ang control sa life para di madapa,.pero di ko sya ganun ka like,.mas ok sina..JACKIE RICE,..STEF PRESCOTT,NINA JOSE,.NADINE SAMONTE,..MAGGIE WILSON,..EHRA MADRIGAL,.FRANCINE PRIETO,.DIANA ZUBIRI,.,KAYE ABAD,..etc..dapat lang na maging role model ka at may silbi sa bayan para mahalin ka ng tao,,.gudluck.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • princess_18yahoocom

    01/23/2010 | 02:06 PM
    alam mo ba ate jen sa lunes talaga balak kong umabsent para mapanood ko yung ina kasusuklaman ba kita tapos sabi ko sa friends ko mag pray na magkasakit ako para may dahilan kung bakit ako aabsent..super excited na talaga ako sa ikbk......buti na lang malapit na ang bakasyon masusubaybayan ko na ito....congratulations.......
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lily_isabelle

    01/22/2010 | 03:47 PM
    cutie pie talaga..bagay lalo sa kanya pag maiiksing damit hindi sya payat tingnan. Goodluck!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • careermuna

    01/22/2010 | 03:46 PM
    natural lang yan..kase nga nadapa na sina jean at jigo garcia noon,..so,..ayaw nilang mabuntis ka ng ganun ganun lang din..bata kapa ..super!!!date lang ba tlaga yan!!!ingat ka,....madaming ,matinik na guys,.ikaw din,....madaming wise na guys,..ingat ka,....kala nila pag nakipag date ka na,..oo na,..o may chance sya,,..ganun na nga yun diba,...amininnnnnnnnn,...career ayt work lang muna tlaga,...saka na yan,..mga 25 na lang ka commit ,...baka jan ka msira e,..ok naman pala relasyon nya kina jigo at jean,,..wow!!maganda yan!!...sana mag lead role din sina...STEF PRESCOT,,PAULIN LUNA..BIANCA KING,...MAGGIE WILSON..EGRAA MADRIGAL,.MICHELLE MADRIGAL,..JACKIE RICE..LOVEI POE,.NINA JOSE....b proffesional guys,.,walang ligawan jan..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • swastika

    01/22/2010 | 02:06 PM
    Galing mo, Karen! Miss na kita!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • madam01

    01/22/2010 | 12:43 PM
    mabait na anak...kahit hiwalay ang parents nya she's close to both
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pipay_keisha

    01/22/2010 | 12:26 PM
    cute!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About