Rayver Cruz explains why secret relationship with Sarah Geronimo is impossible

Rommel Placente
Thursday, January 21, 2010 @ 01:01AM  |  82 views

 

Rayver Cruz is going to be part of the ABS-CBN afternoon soap Magkano Ang Iyong Dangal, which will start airing on Monday, January 25, after Wowowee.

Photo By: Noel Orsal













Isa si Rayver Cruz sa leading men ng 22-year-old actress na si Bangs Garcia sa bagong afternoon series ng ABS-CBN, ang Magkano Ang Iyong Dangal?.

Finally, nabigyan na rin ng chance si Rayver na maging isa sa male lead sa isang serye, kaya naman masaya siya ngayon.

"Siyempre, happy ako. Maganda ang pasok ng 2010 sa akin," ang bati ni Rayver sa PEP (Philippine Entertainment Portal) during the presscon of Magkano..., na naganap noong January 19 sa ELJ Building ng ABS-CBN.

Masasabing mature na ang role ni Rayver sa serye. "Pero hindi naman siya yung daring na daring," paglilinaw ng young actor.

Nang usisain kung may kissing scene ba sila ni Bangs dito, aniya habang nakangiti, "Panoorin ninyo na lang yung mga eksenang gagawin namin."

Si Roxanne Guinoo ang original choice sa Magkano ang Iyong Dangal?  pero pinalitan siya ni Bangs. Alam ba ni Rayver kung bakit?

"Hindi ko alam kung ano ang dahilan, e. Nagulat na lang ako na hindi na pala siya. Ang pagkakaalam ko, nakapag-taping na siya para sa show namin. Siguro may nangyari or something... Pero wala talaga akong idea," ang pahayag ng 20-year-old actor.

JOHN-SHAINA SPLIT. Parehong kaibigan at kasamahan ni Rayver sa ASAP sina John Prats at Shaina Magdayao, na isa sa mga naging screen partner niya.

Aware si Rayver sa balitang hiwalay na ang dalawa, pero hindi raw niya alam kung totoo ito. At kung totoo man daw ito, nanghihinayang siya sa nangyari sa relasyon nina John at Shaina.

"Sayang naman kasi yung relationship nila, kung totoo mang break na sila, kasi matagal din sila. Marami na rin silang pinagsamahan together," saad ng actor-dancer.

Kung totoong nakipag-break na si Shaina, may balak ba siya na muli itong ligawan? Matatandaan na niligawan din dati ni Rayver si Shaina kaya lang, si John ang sinuwerteng sinagot ng nakababatang kapatid ni Vina Morales.

"Wala na siguro. Masaya na ako na magkaibigan na lang kami," sagot ni Rayver.

Pero kung sakali bang naging sila ni Shaina, aabot din kaya agad sa hiwalayan ang relasyon nila?

"Hindi ko alam, e. Hindi rin naman kasi natin masasabi kung anong mangyayari sa bawat isa sa atin, di ba?"

SARAH GERONIMO'S SECRET BF? Ang Pop Princess na si Sarah Geronimo ang nali-link ngayon kay Rayver.

1  2  Next »

Related Articles

44 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name