Allan K hopes BandaOke will be able to duplicate or even surpass success of All Star K

Rose Garcia
Friday, January 22, 2010 @ 07:35AM  |  5094 views

 

"Sa palagay ko, tatagal din ito kasi ang Pinoy talaga, musical. Mahilig talaga tayo sa kantahan, lalo na yung mga videoke. Kasi, tingnan mo, huwag lang... halos lahat yata ng bahay ngayon may Magic Sing," says Allan K about the show BandaOke.

Photo By: Noel Orsal













After hosting the videoke singing contest All Star K for six years, parang nanganganay ang TV host-stand-up comedian na si Allan K sa pumalit ditong programa, ang BandaOke: Rock 'N Roll To Millions, na nakaka-one season na. Pero kahit mas mahirap daw ang taping ng BandaOke dahil live band sila, mas enjoy raw siya sa bagong show.

"Mas enjoy ako dahil live. Six years na rin akong nag-host ng All Star K, parang mechanical na masyado. Parang ano pa gagawin ko rito? Memorized mo na kahit tulog ka pa. Alam mo na kung saan ka haharap. Kung ano ang sasabihin. Siyempre ngayon, iba naman, yung bago naman," sabi ni Allan K sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Kumusta naman ang viewership ng BandaOke?

"Feeling ko, nandiyan pa rin... nadagdagan pa nga ng bata, e. Mas bata yung mga banda namin. Tapos yung repertoire, bagets-bagets na."

Kuwento pa ni Allan, okey ang samahan nila ng co-host niyang si Jaya at ng singers nilang sina Frencheska Farr, Jay Perillo, at Geoff  Taylor, na pawang mga produkto ng GMA-7 talent search na Are You The Next Big Star?.

"Palagi kaming nagba-bonding ng mga 'yan. Palagi kami sa bahay. Wala kaming magawa, so, swimming, ligo, kainan... Bastos ang kainan!" tawa niya nang maisip na baka iba ang isipin namin sa huling salitang sinabi niya.

PINOYS LOVE TO SING. Kung ang All Star K ay umabot ng six years, ilang taon naman sa palagay niya tatagal ang BandaOke, na napapanood sa dating timeslot ng All Star K every Sunday night?

"Sa palagay ko, tatagal din ito kasi ang Pinoy talaga, musical. Mahilig talaga tayo sa kantahan, lalo na yung mga videoke. Kasi, tingnan mo, huwag lang... halos lahat yata ng bahay ngayon may Magic Sing.

"Sa bahay ko nga, sinasabi ko, 'Ayaw ko na ng Magic Sing kasi 'yan na ang trabaho ko araw-araw. Tigilan niyo na ako.' Tapos noong Christmas, yung katulong ko naglabas, may Magic Sing! Oh well, gusto talaga ng Pinoy, kantahan.

"Ini-expect namin na magtatagal din siya. Sabihin na natin na BandaOke 'yan, mukha pa rin siyang All Star K na nag-evolve na nang nag-evolve. Kahit na anong opinion, videoke pa rin siya. Masarap siyang pahabain para ma-beat din ang record na the longest-running musical game show!" natatawa niyang sabi.

Silang dalawa naman ni Jaya, sobrang kabisado na raw nila ang isa't isa.

"Kahit bagong gising kami, alam na namin ang gagawin. Okey lang sa amin. Kapag malat ako, saluhin niya. Ganun din ako sa kanya. Pero sa sobrang tagal na yata ng pagsasama namin ni Jaya, minsan kahit may nasa board, pareho na lang kami ng sinasabi, nagkakatawanan na lang kami."

Binanggit din ni Allan na magkakaroon din ng show ang BandaOke sa Zirkoh, Tomas Morato on January 29. Sila-sila raw rito kasama sina Frencheska, Geoff, Jay, at ang BandaOke Band.

"Show talaga siya, pero may isang portion na magba-BandaOke kami. Magpapa-contest kami sa audience," sabi niya.

BAR FOR SALE. Hindi naman itinanggi ni Allan ang kumakalat na balita na ang isa pa niyang bar, ang Barrakz, ay ibinebenta na. Kasosyo ni Allan dito ang iba pang artista tulad nina Dennis Trillo, Katrina Halili, Diana Zubiri, Alfred Vargas, at iba pa

1  2  Next »

Related Articles

11 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name