PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

StarStruck V Final 4 girls fight to the finish for Ultimate Survivor title

Who will make it to the Final 2?
by Nora Calderon
Published Jan 21, 2010
StarStruck V Final 4 girls: (from left) Rox Montealegre, Nina Kodaka, Diva Montelaba, and Sarah Lahbati.

Five weeks na lamang ang nalalabi at malalaman na kung sino ang Ultimate Male & Female Survivors ng StarStruck V sa isang grand finale sa February 21.

Buo pa rin ang Final 8 matapos ang non-elimination last Sunday, January 17, nang i-save ng StarStruck Council (director Floy Quintos, actress Iza Calzado, and talent manager Lolit Solis) na ma-eliminate ang isa man sa nasa bottom two na sina Sarah Lahbati at Rocco Nacino. Ginamit ng Council members ang Factor 2, kung saan puwede nilang pigilan ang elimination kung magkakasundo silang tatlo. Iisa ang reason ng StarStruck Council: nanghihinayang sila na mawala ang isa man kina Sarah at Rocco.

Kahapon, January 20, sa Executive Lounge ng GMA Network Center, ay muling iniharap sa entertainment press ang natitirang walong contenders: sina Sarah, Diva Montelaba, Rox Montealegre, at Nina Kodaka, at sina Rocco, Enzo Pineda, Steven Silva, at Ian Batherson.

Unang nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang apat na female finalists.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ROX MONTEALEGRE. Sa simula pa lang ng StarStruck V ay nasangkot na agad sa intriga si Rox dahil sa alitan nila ng na-eliminate nang si Princess Snell. Malalim na nga ba ang gap nila at hindi na ito maaayos pa?

"Nagugulat nga po ako sa mga lumalabas na intrigang 'yon," sabi ni Rox nang tanungin namin tungkol dito. "Nag-try naman po akong kausapin si Princess after niyang ma-eliminate, pero parang ayaw po niyang makipag-usap. Alam ko po na puwede kaming magkatrabaho after ng StarStruck at sana ay magkaayos na rin kami."

Paano kung matanggal siya at hindi makasali sa Final 4?

"Malulungkot po, pero hindi po ako madi-depress," sagot ni Rox. "Iniisip ko na lang na i-enjoy ko ang mga ginagawa ko. Ayaw ko pong mag-expect. Hindi ko pini-pressure ang sarili ko. Thankful po ako na nakapasok ako dito at yung makaabot ako hanggang dito, isa po itong magandang experience sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi man po ako manalo, itutuloy ko pa rin na mag-showbiz. Para po sa akin, para itong school. May photo shoot at isang legend pa ang kumuha ng pictures namin, si Mr. Jun de Leon. Naranasan po naming ma-interview ng mga press. Pero ang pinakagusto ko po, nakapag-workshop ako sa acting. Kung dream ko po noon na maging TV host, siguro po bukod sa acting, puwede rin akong mag-host."

Paano ang studies niya? She's graduating na sana this March ng Management sa Ateneo University, pero nag-decide siyang mag leave of absence (LOA) para sumali sa StarStruck.

"Ang totoo po, happy and thankful ako sa professors and classmates ko sa Ateneo. In fact, puwede raw po nila akong bigyan ng take-home test pero may isa pong subject na dapat mag-stay ako sa isang lugar, like sa Payatas, para magawa ko ang requirements sa akin. Pero hindi po puwede dahil araw-araw akong nandito [sa StarStruck]."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sino ang top three bets niya na manalo among male and female contenders?

Sa boys, pinili niya sina Ian, Steven, at Enzo; at sina Sarah, Nina, at siya sa hanay ng mga babae.


NINA KODAKA. Bukod sa pagiging Fil-Japanese, kapansin-pansin si Nina Kodaka sa kakulangan ng energy. Pero may paliwanag naman siya rito.

"Kapag nagsasalita lang po ako ng Tagalog. Hindi rin po kasi ako fluent sa Tagalog at English. Pero kapag Japanese po ang sinasalita ko, mabilis naman ako. Saka kapag nagugulat po ako, napapabilis ang pagsasalita ko!" natatawang wika niya.

Ayon sa Factor 1 ng StarStruck V, automatic nang mae-eliminate ang sinumang mapupunta sa bottom three ng tatlong beses. Si Nina, gaya ni Ian Batherson, ay dalawang beses nang nasa bottom three kaya isa na lang ay siguradong tanggal na siya.

Ano ang gagawin ni Nina kapag siya ang natanggal sa susunod na elimination?

"Hindi ko po hahayaang mangyari iyon," sabi niya. "Gagawin ko po ang best ko na gawin ang task na ibinigay sa amin this week."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero kung hindi siya manalo, itutuloy pa rin daw ni Nina ang pagpasok niya sa showbiz. Marami na rin daw kasi siyang natutunan sa pagsali niya sa StarStruck V.

Bago nag-audition si Nina sa StarStruck V, nagtatrabaho raw siya in a computer shop sa Japan at mahusay raw siyang gumawa ng mga designs ng bahay.

Tapos ba siya ng college?

"No, hindi po ako nakapag-college," sabi ni Nina. "Pero sa Japan, kahit hindi kayo college graduate, kung gusto po ninyong mag-aral, tuturuan nila kayo nang libre. Hindi naman po ako mahilig mag-shopping doon. Nagwi-window shopping lang ako kasi mahirap pong makaipon ng pera dahil mataas ang standard of living doon."

Aware ba siyang marami ang gustong manalo siya?

"Talaga po? Sana nga ay tulungan nila ako para hindi ako mawala sa contest," reaksiyon ni Nina.

DIVA MONTELABA. Pinabulaanan naman ng Cebuana na si Diva Montelaba ang intrigang may attitude problem siya, malaki na raw ang ipinagbago niya, at naging suplada na raw siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi po totoo 'yon," sabi niya. "Inaamin ko po na malaki na ang ipinagbago ko, pero for the better po. Kung noon po kasi, sinasabihan nila akong suplada dahil tahimik daw ako, hindi nakikisama sa kanila, ngayon po, mas madaldal na ako, nakikigrupo na ako sa kanila.

"Pero kung minsan, hindi po talaga nawawala ang mga little misunderstanding sa amin, lalo na kung pagod na kami talaga. Magkakasama po kami sa hotel nina Sarah at Nina. Sila na po ang makakapagsabi kung paano kami mag-bonding na tatlo. Nakakatawa nga po 'yang si Sarah, ang hirap gisingin," kuwento pa ni Diva.

Speaking of Sarah, aware ba si Diva na ito ang malakas niyang kalaban sa StarStruck V?

"Alam ko po, pero alam ko rin kung paano siya tatalunin," kampanteng sagot niya.

Dahil sa pagiging morena at matangkad ni Diva ay marami ang nagsasabi na puwedeng-puwede siyang sumali sa beauty contest. May balak ba siyang sumali if ever sa Binibining Pilipinas?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kung may chance po," sagot ni Diva. "Nag-join na rin po ako ng mga beauty contest sa amin. Naging Miss Mandaue na po ako at Miss University of San Jose Recoletos, na nasa second year na ako ng Tourism. Pero mas gusto kong mag-artista at matupad ang dream ng lola ko na madala ko siya sa States."

Kuwento ni Diva, lumaki siya sa kanyang lola sa mother side. Three years old pa lang daw siya nang maghiwalay ang mga magulang niya. May ibang pamilya na raw ang kanyang ina, samantalang isang beses pa lang daw niyang nakikita ang kanyang ama at wala na siyang balak makita pa itong muli.

"May dalawa akong kapatid sa father ko, at ang mother ko, may sarili na ring family sa Cebu, tatlo ang kapatid ko sa kanya. Pero very supportive po sa akin ang mother ko."

Ngayong sumali siya sa StarStruck V, nakikipag-communicate ba ang father niya sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Opo," maikling sagot ni Diva.

Paano kung hindi siya manalo?

"Ayaw ko pong isipin, ayaw ko pong matanggal sa search," sabi niya. "Positive thinking po lagi ako and I give the best sa mga performances ko. Pero kung hindi man po ako ang manalo, itutuloy ko po ang pag-aartista ko dahil ito talaga ang gusto ko. Alam ko po maraming may gusto sa position ko ngayon kaya pagbubutihin ko talaga."

Among the Final 4 boys, ang gustong manalo ni Diva ay either si Steven o si Rocco. Si Steven daw ay matagal na raw niyang kilala dahil magkasama na sila sa Top 100 pa lang at magkasama pa rin sila ngayong Final 8 na lang sila.

SARAH LAHBATI. Last Sunday, Jan. 17, ay namiligrong ma-eliminate si Sarah Lahbati nang mapunta siya sa bottom two, kasama si Rocco Nacino. Pero dahil ginamit nga ng StarStruck Council ang Factor 2 ay naligtas silang pareho sa elimination.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang naging feeling niya nang makasama siya for the first time sa bottom three?

"Noong umaga pa lang, iba na po ang feeling ko. Sabi ko ready na ako kung ano ang mangyayari, pero ang ma-eliminate, ayaw ko po. Nang tawagin po ang name ko, sabi ko, ready na ako, naka-smile pa ako. Pero napaiyak po ako nang tanungin nina Ms. Carla [Abellana] at Mr. Dennis [Trillo] ang Council kung babaguhin ba nila ang desisyon nilang huwag gamitin ang Factor 2. Kaya po napahagulhol ako at na-touch nang baguhin nila ang decision nila. I feel so blessed and thankful sa kanilang lahat.

"Pero kung natanggal po ako, marami pa rin akong dapat ipagpasalamat. Nang mag-join po ako ng audition sa GMA Network, sabi ko, makasama lang ako sa Final 14, okey na sa akin. Pero hindi po ba napakasuwerte ko kasi narito pa rin ako sa Final 8?" saad ni Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sino ang tumutulong sa kanya sa text votes?

"Ang mga relatives ko po sa Cavite at sa Bicol, dahil from Bicol ang mommy ko. Malakas din po ako sa Internet dahil bumuboto ang relatives and friends ko sa Switzerland online."

Inamin ni Sarah na kulang siya sa confidence nang bagong sali siya sa contest. Pero natutunan na raw niya ngayon na dapat ay kalimutan niya ang kaba at maging positive lagi sa mga iniisip niya at sa paggawa ng mga challenges na ibinibigay sa kanila. Kahit ang issue sa kanila ni Enzo Pineda ay nagkausap na raw sila at nagkapaliwanagan na.

Sino sa mga boys ang gusto niyang manalo?

"Puwede po kayang manalo silang apat?" natatawa niyang sabi. "Nakikita ko ang improvements nila sa lahat ng mga ginagawa nila."

Sa girls naman ay gusto ni Sarah sina Diva at Nina.

"Si Diva po sa talent niya at si Nina, ang dami niyang fans."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nandito ngayon sa Pilipinas ang mommy ni Sarah simula nang dumating ito noong Christmas eve upang sorpresahin siya. Nag-promise naman daw ang daddy niya na uuwi rito from Switzerland sa grand finals.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
StarStruck V Final 4 girls: (from left) Rox Montealegre, Nina Kodaka, Diva Montelaba, and Sarah Lahbati.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results