Mixed emotions ang naramdaman ni Sid Lucero nang malaman niya na napalitan si Roxanne Guinoo, ang original sanang kasama niya sa bagong panghapong soap ng ABS-CBN na Magkano ang Iyong Dangal?.
Ayon sa Business Unit Head ng soap na si Raymund Dizon, nakapag-taping na raw si Roxanne for one day para sa nabanggit na soap. Pero due to personal reasons, nag-decide ang young actress na hindi na niya itutuloy ang project. Kasama sa reasons na ito ay baka hindi niya raw kayanin ang love scenes na ipagagawa sa kanya ng direktor ng soap na si Chito Roño. Ang pumalit nga kay Roxanne ay si Bangs Garcia.
"Si Roxanne kasi nakatrabaho ko na siya before sa Ligaw na Bulaklak," sabi ni Sid. "Parang naisip ko na it would be a lot easier working with her kasi kumbaga, nakapag-build na kami ng certain bond. And then nung malaman ko na hindi siya matutuloy. Of course, nandun yung feeling na sayang. Pero at the same time, kailangan mo ring maintindihan na minsan nandun ka na gagawin mo na yung isang show, tapos hindi pala matutuloy. So, that's how I feel in this whole situation.
"Nung pinalitan siya ni Bangs, I guess siya talaga yung dapat... and it was meant to be for her really. So, mixed emotions, I feel bad at first, pero at the same time excited ako because may bago akong makakatrabaho. Tapos nung makilala ko pa siya [Bangs], napakadali niya palang katrabaho. Yung passion niya sa work nandun and I'm determined to make a connection with her."
Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sid sa presscon ng Magkano ang Iyong Dangal? last Tuesday, January 19, sa Training Hall ng ELJ Building sa ABS-CBN compound.
WELL-PRAISED ACTOR. After ng hit primetime series na Dahil May Isang Ikaw, kung saan gumanap ng mahalagang role si Sid bilang si Red, dito naman sa Magkano ang Iyong Dangal? ay panibagong hamon sa pag-arte ang haharapin niya sa role niya bilang si Nilo. Si Nilo ay kababata ni Carmela, played by Bangs, at handa siyang ibigay ang buhay para sa minamahal niyang babae.
Gaano ka-challenging ang role niya rito sa Magkano ang Iyong Dangal?.
"Unang-una, minsan lang po ako magkaroon ng role na yung theme ng story ay medyo romantic. Kumbaga, it revolves around the relationships of the characters. Ang pinaka-challenge sa akin dito is how to tackle my role out of the public's standards na pag good guy, ito lang ang puwede mong gawin. I feel I can do more, I can give more para sa mga manonood," saad niya.
How does it feel na at a young age ay well-praised na siya pagdating sa acting?
"I don't know. I try not to think about these things kasi ayokong lumaki ang ulo ko or anything like that. Kasi every time somebody says something nice... Okay, of all the first things that I took home with me from my first workshop ever was that negative criticisms will help you a lot more than the positive ones. So, whenever someone pats me on the back or praises me, thank you. I appreciate it, it's flattering. But what's more important to me is kapag kini-criticize ako. For me, it's supposed to help me more sa craft ko."
WORKING WITH RAYVER. Ka-love triangle nina Sid at Bangs sa Magkano ang Iyong Dangal? si Rayver Cruz, na aminadong humahanga sa galing sa pag-arte ni Sid. Madalas nga raw humingi ng tips sa acting si Rayver kay Sid.
Ano naman ang reaksiyon ni Sid dito? May mae-expect bang Lucero-Cruz rivalry sa soap na ito?
"Ako po, naniniwala talaga ako na malaking bagay sa pagiging artista ang give and take. An actor can only be as great as his co-actors and the actors he's working with. It should never be a rivalry. Kasi pag iniisip mo na ang sarili mo, you will not be concerned anymore sa mga katrabaho mo. It becomes for yourself, lalaylay e. Kumbaga, parang naging buwakaw ka sa eksena.
"If there's no give and take, the magic won't happen. So, it should never be a rivalry. That's why I'm really looking forward to working with Rayver kasi nga, I never worked with him before. And I can see his passion sa work niya."
DIREK CHITO ROÑO. Hindi rin maiwasang maitanong kay Sid kung kumusta naman ang una niyang pakikipagtrabaho kay Direk Chito Roño?
"My dad [Mark Gil] always said na one of the directors na I should experience working with is si Direk Chito nga. And then may listahan siya ng mga direktor na sabi niya hindi pa buo ang pagiging artista mo kapag hindi mo pa nakatrabaho ang mga ito. Siyempre natatakot ako [kay Direk Chito], di ba? Kasi marami akong naririnig na mga urban legends about him na istrikto siya, ganun.
"Pero coming sa set, a new actor facing a veteran director like him, nahirapan talaga ako nung first day. Parang kinailangan ko talagang ilabas lahat ng alam ko. And he told me, 'We should start fresh.' I should forget kung anuman pocket reactions meron ako. From my first day alone, I learned a lot from him. And I feel very, very blessed to have been given this opportunity to work with Direk Chito," lahad ni Sid.
So, feeling niya ba buo na siyang aktor ngayon?
"Hindi pa. It's a long, long process. There's still a lot of directors that I should work with," sagot niya.
Napag-alaman din ng PEP sa presscon ng Magkano ang Iyong Dangal? na na-impress pala si Direk Chito sa husay umarte ni Sid. Isang patunay nga nito ay ang pagsama kay Sid sa cast ng Emir, ang full-length musical film na ginagawa ni Direk Chito. Ginawan daw ng role si Sid sa naturang dream project ni Direk Chito kahit wala ito sa script. One of these days ay pupunta raw sa Morocco si Sid para mag-shoot ng ilang eksena niya.
SACRIFICE FOR LOVED ONES. Kung ipasasagot sa kanya ang title ng soap nila na Magkano ang Iyong Dangal?, ano ang isasagot niya rito bukod sa pagsasabing hindi nababayaran ang dangal?
"If I'm going to talk about myself... para sa akin, yung trade-off, wala talagang presyo ang dangal. Pero kung itatanong if I'm going to sacrifice myself for someone else, that's a different story. Whether it's a romantic relationship or maternal or paternal or relationship with my siblings or my brothers, if I would be asked if I'm going to sacrifice myself, yeah, I'll sacrifice anything for my loved ones."
Bukod kina Sid, Rayver at Bangs, kasama rin sa cast ng Magkano ang Iyong Dangal? sina Mickey Ferriols, Bing Pimentel, Emilio Garcia, Nikki Valdez, Beverly Salviejo, Debraliz Valasote, Paw Diaz, Bettina Carlos, at Martin del Rosario.
Directed by Chito Roño, ang Magkano ang Iyong Dangal? ay mapapanood ng Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN Hapontastic simula sa January 25.