news

Dr. Pie Calayan shows she's "one hundred-and-one percent" okay in U.S. Pinoy show

by Rommel L. Gonzales posted on January 23, 2010  STATS: 19717 Views | 19 Comments

 

Dr. Pie Calayan (left), wife of beauty entrepreneur Dr. Manny Calayan (right), recently appeared on The Filipino Channel's Adobo Nation to show she's fully recovered from adrenal fatigue syndrome.

 

Photo By: Noel Orsal

Nakausap ng PEP (Philipppine Entertainment Portal) si Lalen Calayan noong January 19 sa Starbucks sa ABS-CBN, at magandang balita ang inihatid ng general marketing manager ng Calayan Surgicentre tungkol kay Dr. Pie Calayan.

"One hundred and one percent na she has fully recovered," sabi ni Lalen tungkol sa asawa ni Dr. Manny Calayan, na nagkasakit noon ng adrenal fatigue syndrome, isang hormonal imbalance dulot ng pagod at dieting.

"Magaling na siya noong December pa lang, pero ngayon, talagang one hundred-and-one percent na siyang magaling," inulit pa ni Lalen na pamangkin ng duktora.

INTRIGUES. Medyo matagal ngang nawala sa public eye si Dra. Pie kaya naintriga ito na may matinding karamdaman at hindi na maganda ang itsura, bukod pa sa tsikang hiwalay na sila ng asawang si Dr. Manny.

"Kung hiwalay sila, why would my uncle be gone for a long time at sundan siya sa Amerika, di ba?" ang sagot ni Lalen, na tumatayong spokesperson ng mga Calayan habang sila ay nasa States.

Kahit pa noong naririto si Dra. Pie, hindi raw ito nagpapakita sa tao.

"No, not because ayaw lumabas, there's no reason para magtago or ayaw lumabas. Practically, paano siya lalabas kung she's undergoing therapy, kung she's undergoing treatment, di ba?" sagot ni Lalen.

PUBLIC APPEARANCE. Pero ngayon, wala na raw rason para pagdudahan pa kung ano ba talaga ang kundisyon ni Dra. Pie dahil humarap na ito sa kamera para sa taping ng Adobo Nation, isang show sa The Filipino Channel.

Ang Adobo Nation ay isang weekly magazine talk program na pinag-uusapan ang mga bagay-bagay na relevant sa mga Filipino-Americans na nakatira sa US.

May segment about beauty and wellness ang mga Calayan sa naturang show at kinukunan ito mismo sa clinic nila sa Beverly hills.

Bukod sa pagharap sa camera ay humaharap na rin daw si Dra. Pie sa mga pasyente doon, kaya marami na ang makapagsasabi na one hundred-and-one percent ay okay na nga si duktora.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

19 Comments

  • 19  zealy

    01/25/2010 | 03:46 PM
    The besttalagang mag-asawang toh! Congrats po and goodluck and more branches worldwide...Nicole kidman?jusko sana endorser nila dunpupunta talaga ako kahit nasa dubai ako wow
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  heluroo

    01/25/2010 | 03:42 PM
    Nice answer ni dra pie kahapon sa shobiz central huh! Kay kayongmga inggit pls lang matakot sa karma! Hanep suot ni docmanny,LV jacket wah ako ma say!Sabagay nasa bev hills kasi sha at May K naman,sossy!!! God bless dra pie and more success nad more people to make over!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  rhae

    01/25/2010 | 03:36 PM
    Ha???nagkasakit pala si dra pie???e kaka consult kolang at ngpatreat ako sa kanya last friday lang esooooobrang ganda nya!OMG!Super flawless!Kasabay ko pa nga si nicole kidman!!! I was really star stuck!! Andun pa si doc Manny,my gosh para akongnananaginip at totoong bongga beverly hills clinic nila!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  tearhere

    01/25/2010 | 01:05 PM
    Buti nman ok na xa,may mga anak xa kya dapat lng gumaling xa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  maria718

    01/25/2010 | 12:33 PM
    nagpacheck ako last month sa Beverly hills si Dra. Pie mismo ang tumingin sa akin....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  zealy

    01/24/2010 | 07:04 PM
    ay naku mga inggit dan pwede ba wag gawan ng issue and tahimik na magasawang masaya.malinaw na sinabi ni dokotora pia na nagkasakit sha at napanuod ko sa central sagot nya..oh ano kayo ngayon supalpal.plagay ko belo camp etong mga intrgerang naninira na wala naman basihan haha.KEEP UP THE GOOD WORK AND CONGRATD TO THE CALAYANS!!! BONGGANG WORLD CLASS AT MAY BRANCH NA SA USA OF A!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  isseymiyaki

    01/24/2010 | 05:35 PM
    kasi hindi na nakontento sa mga kagandahang mayron sila, pinapakialaman ang bigay ng Diyos, kaya ang nangyayari imbes na lalong gumanda PUMAPANGIT na sila.....take the case of Gretchen Barreto. sayang!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  tuberong_tagalog

    01/24/2010 | 11:55 AM
    bakit kasi ayaw pang aminin ang totoo? pati debut ng anak di niya pinuntahan dahil lang sa adrenaline ek ek na yun?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  lucky_7

    01/24/2010 | 10:06 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  markisrael21

    01/24/2010 | 07:15 AM
    as time goes by...Dra. Pie and Dra. Belo are starting to look alike...

    BISUGO FTW!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pepers

    01/24/2010 | 02:59 AM
    i think she got obsessed with her look
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • penshoppe

    01/24/2010 | 12:54 AM
    yeah she used to be a pretty face. pinakealaman lang nang pinakealaman. favorite mom pa sya sa mga tv commercials noon before she was known as the wife of manny lacayan and a doctora in a beauty center. kaso syempre as we age, medyo bumabagal ang metabolismo at nagge-gain tayo ng weight so medyo she gained weight din na namanifest sa face.

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • moviefandin

    01/24/2010 | 12:07 AM
    bakit ganun naman ang thinking ng mga tao, hindi lang nagpapakita ang taong may sakit, talagang may intriga pa rin? syempre may sakit ang tao,dapat ba nyang i-broadcast pa?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • syetedos

    01/23/2010 | 10:47 PM
    gano katagal ba siya nawala? baka naman nagpa-retouch kaya pag balik, lahat nagsasabi ang ganda ganda niya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jamson68

    01/23/2010 | 09:42 PM
    nawala gana ko sa dalawang ito when they left GMA Unang Hirit. At may lakas pa ng loob na mag guest sa rival show which title scapes my memory
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • wilfredonggago

    01/23/2010 | 08:01 PM
    Maganda si Doctora kaso ang pangit ng pagkaka-gawa ng ilong niya. Obvious na obvious the silicone implant between the eyes! medyo lumampas yung position.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • zealy

    01/23/2010 | 05:36 PM
    i really admire this couple napaka low profile,matulungin,tahimik,walang scandal,moral,ethical....hay lahat nang dapat sa mga doktor na magandang character nasa kanila na,,,congrats pow,more power and branches worldwide....Bye to the other camp hehee
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • heluroo

    01/23/2010 | 05:31 PM
    walang kupas talaga ang ganda ng doktorang itech!!! congrats sa calayan bongga world class na sila
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • spicytalks

    01/23/2010 | 04:56 PM
    Parang tumanda siya diyan sa pic na yan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About