Freddie Aguilar rails against NBI for bloody shootout during nephew's arrest

Jojo Gabinete
Sunday, January 24, 2010 @ 04:16PM  |  32712 views

 

The folk music legend wants to make one thing clear: If his nephew Jason Ivler is indeed guilty of killing another driver over a traffic incident last November, let him feel the full weight of the law. But the authorities should have found a better way to his arrest him at his home in a Quezon City subdivision without anyone getting hurt.

 

Photo By: File photo (Freddie)













As of presstime, hindi pa dinadalaw ni Freddie Aguilar sa Quirino Memorial Medical Center ang kanyang pamangkin na si Jason Ivler, ang suspect sa pagpatay kay  Renato Victor Ebarle Jr., dahil sa isang road rage incident na nangyari noong nakaraang taon.

Namatay si Ebarle Jr., anak ng isang Malacañang official, nang diumanong paputukan siya ni Jason ng baril dahil sa isang traffic altercation na naganap noong November 18, 2009. Ayon sa ilang mga ulat, naganap ang insidente sa Santolan Road, Quezon City. Ayon naman sa iba, sa Boni Serrano daw nangyari ito.

Dalawang buwang naging subject ng manhunt si Jason hanggang mahuli siya sa loob ng kanyang tahanan sa Blue Ridge A Subdivision sa Quezon City nitong nakaraang January 18. Pero bago siya naaresto ay nagkaroon muna ng isang shootout kunsaan dalawang elemento ng NBI ay nasugatan at malubha ring natamaan si Jason.

QUESTIONS ABOUT ARREST. Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa sikat na folk singer, sinabi ni Freddie na iniiwasan niyang puntahan sa ospital si Jason para hindi na lumaki ang isyu.

Mahaba at may tensyon ang interview ng PEP kay Freddie dahil sa sama ng loob nito sa tingin niyang di magandang pagtrato sa kanyang pamilya ng agents ng National Bureau of Investigation (NBI). 

"Sa unang araw pa lang na nagkaproblema ang pamangkin ko, hinarap ko na 'yon. Kung wala talagang kasalanan ang pamangkin ko, mas maganda na ipagtanggol ko sa korte kesa sa inabot niya ngayon, nasugatan siya. Maaring napatay siya doon at uulitin ko, sa demokrasya ba, lahat ng suspect ba, kailangan patayin?

"Suspect sa carnapping, patay! Suspect sa bank robbery, patay! Suspect sa panghoholdap, patay! Kailangan ba nating patayin lahat ng suspect? Ano ba ang suspect? Pinagbibintangan. Kapag ang pinagbibintangan ba, pinatay na ninyo at namatay at pagkatapos mapatunayan na, ay, hindi pala siya ang gumawa, maibabalik pa ba natin ang buhay niya, kapag namatay na?

"Wala akong ipinagtatanggol. Galit ako sa mga kriminal. Kung ang kriminal, napatunayan natin na kriminal, dapat merong parusa pero kung ang kriminal ay hindi pa natin napapatunayan na kriminal, sa proseso ng demokrasya, dapat bigyan natin siya ng araw sa hukuman. Ang sabi sa Ingles, innocent until proven guilty!"

Itinanggi ni Freddie na alam nito ang pinagtaguan ni Jason noong pinaghahanap ito ng batas, at para patunayan na hindi siya kunsintidor, ikinuwento niya ang isang insidente na kinasangkutan ng kanyang kapatid, ilang taon na ang nakalilipas.

WON'T TOLERATE WRONGDOING. "Meron akong kapatid na gumawa ng hindi maganda sa ating mga kababayan. Ako mismo ang nagpunta sa NBI. Kasama ko yung biktima ng kapatid ko at sinamahan ko ang biktima na 'yon sa NBI na sinabi ko sa NBI, 'Tol, 'eto ang biktima ng kapatid ko at ang tindi po ng kanyang mga ebidensya. Puwede ba natin siyang tulungan?

"Pero, bago ako pumunta sa NBI, kinausap ko yung kapatid ko na hindi ko babanggitin ang pangalan. Ang sabi ko, 'Tol, may nagawa ka palang atraso. Ayusin mo ito kasi kapag hindi mo inayos ito, sasamahan ko ito sa NBI.

"Ayaw niyang ayusin, hindi niya inayos ang problema. So, sinamahan ko yung biktima na 'yon  na sa hanggang ngayon, hindi ko alam ang kanyang pangalan. Hindi ko natatandaan pero sinamahan ko siya. Taga-Pampanga siya. Kung nakikinig siya o kahit hindi siya nakikinig, ungkatin na lang natin ang records sa NBI.

"Sa kalungkutan, sabi nila, 'Hindi namin puwedeng ipakulong ang kapatid mo kasi kulang sa ebidensya.'

NO ADVICE FOR  SISTER MARLENE AND JASON. Ayon kay Freddie, wala raw siyang puwedeng ipayo sa kapatid niyang si Marlene Aguilar-Pollard, ang ina ni Jason.

"Wala akong plano. Kapatid ko man siya, hindi ko siya puwedeng saklawan. Natatandaan ninyo, ang tatay ko, ayaw niya ako na maging musikero. Pero naging musikero ako...

1  2  3  4  Next »

Related Articles

157 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name