news

Luis Alandy comes between Jean Garcia and daughter Jennica in Ina, Kasusuklaman Ba Kita?

by Glen P. Sibonga posted on January 25, 2010  STATS: 6472 Views | 8 Comments

Ina is Luis's first project in months after focusing all his energy on repairing his flooded home. The calamity has given him valuable lessons in environmental responsibility. "'Pag may nakikita akong taong nagtatapon ng basura kung saan-saan, pinupulot ko at itinatapon ko sa basurahan. Hindi porke't unti-unti na tayong nakabangon sa trahedya ng Ondoy at Pepeng, e titigil na tayo. Dapat talaga matutunan ng mga Pilipino yung proper waste segregation at waste management," the actor said.

 

Photo By: Noel Orsal

Pansamantala munang tumigil sa pagtanggap ng projects si Luis Alandy noong isang taon matapos masalanta ng bagyong Ondoy ang bahay niya sa Pasig. Inasikaso muna niya ang pag-aayos nito dahil hindi niya raw matututukan ito kung may mga projects siyang ginagawa.

"Wala naman akong ibang katulong mag-supervise sa pag-aayos. So, sabi ko tapusin ko muna yung bahay. E, nagkataon naman na sabi nila ang next shows ay next year [2010] pa. Kaya hindi ko muna natanggap yung mga offers that time.

"Kaso one month lang gawa na yung bahay. Medyo two months ako na nabakante. Pero okay lang at least nakapagpahinga nang konti," paliwanag ni Luis nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng bagong GMA-7 soap na Sine Novela Presents Ina, Kasusuklaman Ba Kita?"

SAVE THE PLANET. Ano ang natutunan niya sa kanyang Ondoy experience?

"Lahat naman ng tao naapektuhan noon. Kaya nga pag may nakikita akong taong nagtatapon ng basura kung saan-saan, like yung pinagbalatan ng candy, pinupulot ko at itinatapon ko sa basurahan. Kasi yan ang major cause ng blockage ng drainage, e, yung pagtatapon ng basura kung saan-saan.

"Tapos yung pagpuputol ng mga puno. So, yun ang isang dapat nating matutunan. Hindi porke't tapos na yun at unti-unti na tayong nakabangon sa nangyaring trahedya ng Ondoy at saka Pepeng, e titigil na tayo. Dapat talaga matutunan ng mga Pilipino yung proper waste segregation at saka waste management."

MOTHER-DAUGHTER LOVE TRIANGLE. Malaki ang pasasalamat ni Luis sa GMA-7 na muli siyang binigyan ng project at isinama sa cast ng Ina, Kasusuklaman Ba Kita?, na pinagbibidahan ng mag-ina in real life na sina  Jean at Jennica Garcia, who also play mother and daughter sa naturang soap.

Kasama rin sa cast sina Ariel Rivera, Lloyd Samartino, Karla Estrada, Richard Quan, Regine Tolentino, Dion Ignacio, LJ Reyes, Iwa Moto at Paulo Avelino. Directed by Gil Tejada, mapapanood ang TV adaptation ng 1985 movie original simula sa Lunes, January 25, sa Dramarama sa Hapon ng GMA-7.

"Sobrang thankful ako," sabi ni Luis. "Yun nga, every opportunity na ibinibigay nila sa akin, yung ipinagkakatiwala nila sa akin na certain role, hindi ako nawawalan for two years that I'm with them. Sobra-sobra pasasalamat yung ibinibigay ko sa kanila dahil magaganda lahat ng ibinibigay nila sa akin. Hindi ako nagmumukhang one of them lang. Talagang importante din ang role ko sa story."

CONFLICT. Sa Ina, Kasusuklaman Ba Kita? ay love interest niya si Jennica.

"And then in the middle of the relationship namin, parang manghihimasok si Jean. So, I'll be the conflict doon sa mag-ina. Bale mai-involve ako sa kanilang dalawa. Tapos masasaktan nang husto si Jennica...

"As much as possible ayokong label-an yung character ko dito. Ang masasabi ko lang may bad side din siya. Actually, normal human behavior na kunwari in love ako kay Jennica tapos dadating ang isang very beautiful woman na si Jean and gives you more time and love.

"Hindi ko kasi alam pa kung saan pupunta yung sa amin ni Jennica. Pero yung sa amin ni Jean, yun nga, siya yung nagbibigay ng pansin sa akin kaya napalapit yung loob ko sa kanya."

Para i-prepare ang sarili sa pagganap ng role, "Unang-una, pinag-aralan ko yung character sa movie, pinanood ko. Kasi kailangan alam ko kung saan manggagaling ang character ko, alam ko kung saan ko ibe-base.

"Pangalawa, nagpaiba ako ng hitsura. Kasi dati medyo older ang looks ko. Ngayon nagpakulay ako ng buhok. Medyo nagpabata ng hitsura konti kasi knowing na I'll be partnered with Jennica. E, ilan taon lang si Jen, di ba? So ayun, kailangan mag-meet kami halfway on how we look sa screen."

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

8 Comments

  • princess_18yahoocom

    02/04/2010 | 10:27 PM
    haha....babaero ka pala sasaktan mo si ate jennica how could you.....pero maganda si ms.jean in fairness...super ganda nya manang mana si ate jen sa kanya....and sa acting...may tatak jean garcia talaga...i will support this show all the way..ang ganda ng flow ng story....love you ms.jean ang ate jennica...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • MISTERDUNKINDONUT

    01/25/2010 | 08:11 PM
    At ang telebabad naman ng gma ay pang signing off na ng abs
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • swastika

    01/25/2010 | 04:53 PM
    1

    TAMANG-TAMA KA DYAN!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kritikongpinoy

    01/25/2010 | 03:40 PM
    Speaking of Claudine Barreto, I think ang magandang project para sa kanya sa GMA-7 ay ang remake ng Hindi Mo Akong kayang Tapakan na dating pinagbidahan ni Charo Santos at ito ay all star cast at parang period din siya kasi nagsimula ang istorya sa panahon ng hapon hanggang kunwari ay present.

    I believe na nabili na nang Kapuso network ang rights ng movie na gawan ng TV adaptation kaya tamang vehicle ito para kay Claudine, kesa naman sa plano nilang Jewel in the Palace na masyado nang off gawan ng Pinoy adaptation since it dealt with Korea's history. Yung scope ng Hindi Mo Ako Kayang Tapakan ay pwedeng ihalintulad sa Jewel in the Palace at pwedenng gawing primetime series. Bagay na bagay sa stature ni Claudine ang project na tulad ng Hindi Mo Ako Kayang Tapakan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • express1223

    01/25/2010 | 02:55 PM
    bket eto magaling naman umakting di bigyan ng lead role talaga un tuloy tuloy. Nai-stop lagi.Nawawala tuloy ang hype. Bket nga kasi, baka matabunan un mga ham actor, e face lang ksi un atsaka baka magalit un dragon. Sabihin, or hanapan na naman ng meron ba syan blockbuster movie?...bla blah blah. hmmm e paano magkakaroon un mga umaangat pa lang napipigilan na...kawawang talent...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • muchlikefallingme

    01/25/2010 | 01:11 PM
    1
    tama ka dyan
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • swiss

    01/25/2010 | 12:59 PM
    I agree! Will watch it later.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • offshore

    01/25/2010 | 12:43 PM
    hmmmmm, mukhang maganda. sabagay ang drama-rama sa hapon ng GMA e pang-primetime na ng ABS.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About