Pansamantala munang tumigil sa pagtanggap ng projects si Luis Alandy noong isang taon matapos masalanta ng bagyong Ondoy ang bahay niya sa Pasig. Inasikaso muna niya ang pag-aayos nito dahil hindi niya raw matututukan ito kung may mga projects siyang ginagawa.
"Wala naman akong ibang katulong mag-supervise sa pag-aayos. So, sabi ko tapusin ko muna yung bahay. E, nagkataon naman na sabi nila ang next shows ay next year [2010] pa. Kaya hindi ko muna natanggap yung mga offers that time.
"Kaso one month lang gawa na yung bahay. Medyo two months ako na nabakante. Pero okay lang at least nakapagpahinga nang konti," paliwanag ni Luis nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng bagong GMA-7 soap na Sine Novela Presents Ina, Kasusuklaman Ba Kita?"
SAVE THE PLANET. Ano ang natutunan niya sa kanyang Ondoy experience?
"Lahat naman ng tao naapektuhan noon. Kaya nga pag may nakikita akong taong nagtatapon ng basura kung saan-saan, like yung pinagbalatan ng candy, pinupulot ko at itinatapon ko sa basurahan. Kasi yan ang major cause ng blockage ng drainage, e, yung pagtatapon ng basura kung saan-saan.
"Tapos yung pagpuputol ng mga puno. So, yun ang isang dapat nating matutunan. Hindi porke't tapos na yun at unti-unti na tayong nakabangon sa nangyaring trahedya ng Ondoy at saka Pepeng, e titigil na tayo. Dapat talaga matutunan ng mga Pilipino yung proper waste segregation at saka waste management."
MOTHER-DAUGHTER LOVE TRIANGLE. Malaki ang pasasalamat ni Luis sa GMA-7 na muli siyang binigyan ng project at isinama sa cast ng Ina, Kasusuklaman Ba Kita?, na pinagbibidahan ng mag-ina in real life na sina Jean at Jennica Garcia, who also play mother and daughter sa naturang soap.
Kasama rin sa cast sina Ariel Rivera, Lloyd Samartino, Karla Estrada, Richard Quan, Regine Tolentino, Dion Ignacio, LJ Reyes, Iwa Moto at Paulo Avelino. Directed by Gil Tejada, mapapanood ang TV adaptation ng 1985 movie original simula sa Lunes, January 25, sa Dramarama sa Hapon ng GMA-7.
"Sobrang thankful ako," sabi ni Luis. "Yun nga, every opportunity na ibinibigay nila sa akin, yung ipinagkakatiwala nila sa akin na certain role, hindi ako nawawalan for two years that I'm with them. Sobra-sobra pasasalamat yung ibinibigay ko sa kanila dahil magaganda lahat ng ibinibigay nila sa akin. Hindi ako nagmumukhang one of them lang. Talagang importante din ang role ko sa story."
CONFLICT. Sa Ina, Kasusuklaman Ba Kita? ay love interest niya si Jennica.
"And then in the middle of the relationship namin, parang manghihimasok si Jean. So, I'll be the conflict doon sa mag-ina. Bale mai-involve ako sa kanilang dalawa. Tapos masasaktan nang husto si Jennica...
"As much as possible ayokong label-an yung character ko dito. Ang masasabi ko lang may bad side din siya. Actually, normal human behavior na kunwari in love ako kay Jennica tapos dadating ang isang very beautiful woman na si Jean and gives you more time and love.
"Hindi ko kasi alam pa kung saan pupunta yung sa amin ni Jennica. Pero yung sa amin ni Jean, yun nga, siya yung nagbibigay ng pansin sa akin kaya napalapit yung loob ko sa kanya."
Para i-prepare ang sarili sa pagganap ng role, "Unang-una, pinag-aralan ko yung character sa movie, pinanood ko. Kasi kailangan alam ko kung saan manggagaling ang character ko, alam ko kung saan ko ibe-base.
"Pangalawa, nagpaiba ako ng hitsura. Kasi dati medyo older ang looks ko. Ngayon nagpakulay ako ng buhok. Medyo nagpabata ng hitsura konti kasi knowing na I'll be partnered with Jennica. E, ilan taon lang si Jen, di ba? So ayun, kailangan mag-meet kami halfway on how we look sa screen."
Ano ang kaibahan ng role niya rito sa mga nagawa na niya before?
"I think dito hindi masyadong bad ang character ko. Medyo nasa line ng normal human being pero hindi siya sobrang antagonist katulad noong ibang soap na ginawa ko na nasisiraan ng ulo o parang nagiging obsessed. Yung pagiging bad ko is yung conflict ako sa mag-ina."
MISSING CLAUDINE. Luis says he hopes to work with Claudine Barreto again.
"Well, hopefully matuloy yung soap ko with Claudine. Baka isa ako sa mga leading men niya. I'm looking forward to working with her kasi it's been a while since noong nakatrabaho ko si Claudine. Sa ABS-CBN pa yung last, yung Sa Dulo ng Walang Hanggan pa. Isa ako sa mga leading men niya roon, kami ni Carlos Agassi. Baguhan pa lang ako noon. And talagang naging magkaibigan kami ni Claudine noong time na yun. I really miss working with her."