Nag-guest ang Kapamilya young stars na sina Kim Chiu, Gerald Anderson, Melissa Ricks, at Robi Domingo sa The Buzz last Sunday, January 14, para sa promo ng tinatampukan nilang pelikula sa Star Cinema, Paano Na Kaya?. Si Kris Aquino ang nag-interview sa kanila.
KIM CHIU & GERALD ANDERSON. Kim and Gerald play the roles of Mae and Bogs, respectively, in Paano Na Kaya?. Mag-best friend sila dito na magiging mag-boyfriend. Lalabas na rebound girl o panakip-butas si Mae matapos hiwalayan si Bogs ng una nitong girlfriend na si Anna, played by Melissa.
Tinanong ni Kris si Kim kung totoo ba na pag nagmamahal ay nagpapakatanga talaga ang isang tao?
"Oo naman. Lahat ng mga gustong magmahal, gusto nilang magpakatanga sa taong minamahal nila," sagot ni Kim.
"Ako hindi!" natatawang pagkontra ni Kris sa sinabi ni Kim, na tila nakaka-relate siya dahil sa kinaharap nilang problema ng asawa niyang si James Yap. (CLICK HERE to read related story.)
Dahil katrabaho ni Kris sina Kim at Gerald sa ABS-CBN primetime soap na Kung Tayo'y Magkakalayo kaya madalas din silang magkausap ni Kim. Mag-nanay sina Kris at Kim sa naturang soap.
Ayon nga kay Kris, "Alam ko nakakadagdag ako sa pressure. Pag nagte-taping tayo, sinasabi ko sa iyo [Kim] na napakahalaga nito [Paano Na Kaya] sa buhay mo. So, nakakatulog ka pa ba? O dahil talagang nandun na yung patung-patong na trabaho, nandun pa yung sobrang kaba? Dahil nakasalalay talaga sa balikat niyo ang success ng Paano Na Kaya?"
"Actually, this week, sobrang naging hectic yung schedule namin," pag-amin ni Kim. "Shooting, dubbing... At last, kagabi, kaninang madaling-araw, 6 a.m. [Jan. 24], natapos na namin lahat. So, bahala na yung editing. Sabi nga namin, 'At last, nakahinga na tayo. At last, tapos na yung lahat-lahat ng pagod. Yung mga tao na lang yung bahala talaga.' Siyempre, sobra kaming nagpe-pray ni Gerald na talagang mag-hit sana yung pelikula."
Si Gerald naman ang sunod na tinanong ni Kris kung kinakabahan ba ito?
"Oo naman," sambit ng young actor. "Yung pressure nandun. Nandun talaga. Pero me and Kim, si Direk Ruel [Bayani] at ang buong staff, we're very proud sa ginawa namin... sa istorya ng Paano Na Kaya?. We're very excited at the same time."
Sa pelikula ay mararamdaman na si Kim ang mas in love kay Gerald at talagang naghintay para ibigin siya. Sa totoong buhay, sino sa kanilang dalawa ang mas malakas ang feeling for the other?
"Ako, ako po!" madiing tugon ni Gerald. "Kasi, siyempre, hindi pa handa si Kim. So, ginagawa ko ang lahat. Ipinapakita ko sa kanya na I'm ready, handa ako. Maghihintay ako."
Bakit, hindi pa ba handa si Kim?
"Bakit ka nagagalit, Mommy?" biro ni Kim kay Kris. "Siyempre, marami pa namang bagay na dapat niya i-enjoy kasi bata pa naman siya. Siyempre, dapat meron din akong mga bagay na dapat enjoy-in. Pero siyempre, masaya naman kami sa isa't isa and masaya naman kami kung ano ang meron kami ngayon. Ano, masaya lang."
Pinilit namang paaminin ni Kris si Kim na aside from Gerald na nakahalikan na niya on screen, sa totoong buhay ba ay may iba pa siyang nahalikan o wala pa?






yong iba dyan.... mga amapalya..,. iligo nyo lang yan at mawala ang faet ng inyong katawan....
ingit lang kayo... kasi di kaya ng loveteam nyo ang ginawa nila kimrald.... yong mga idol nyo sa harap ng TV lang pag katapos.. walng paki alam sa isat isa pag off screen na....
manood nalang kayo dis coming jan 27..... paano na kaya....
Prayers lang ang katapat ng mga nega!
Siguradong kikita ito sa box office!!!
They say, quot;...the events will teach us in every hour...quot; kung ano ba talaga ang mangyayari sa real and reel life nina Kim and Gerald. Pagusapan na lang natin ulit after a month ang Paano na Kaya kung meron ba talaga sina Kim and Gerald what it takes to be box office stars para lahat ng speculations dito about it maput to rest na. Basta ako malaki ang tiwala ko kay Kim and Gerald pati na sa lahat ng bumobuo ng PNK esp. kay Direk Ruel. Para naman sa kay Gerald, ano pa ba ang kailangang gawin ni Gerald para maniwala ang tao na his heart only belongs to Kim. Hindi naman niya talagang kailangang iplease tayo...sino ba tayo in the scheme of things...wala, di ba, so no sweat. Go Kim, go Gerald! Keep on keeping on!
cantt wait for paano na kaya:
kimerald is the best:
haters.. pleaseee jz be quiet..kung wlang kwenta yung issue..den why read it and comment? like seriously..jz keep it to urselves!:
lovee u kimerald! lt;3
FLOP!
ganyan pala talaga ang mga chakamilya sila2x rin ang nag aawayaway..mga walang breeding..
buti nalang kapuso ako..
im proud to be a kapuso..!
at ung ngssabing mgfflop ang movie ng kimerald sa tingin ko inggit lng un at wla cgurong pampanood ng sine hahaha bsta watch and learn nlng kayo sa mangyyari sa mavie nila