news

ELECTION WATCH: Sen. Manny Villar says celebrities endorse him out of friendship
by Trisha Alvarez posted on January 25, 2010  STATS: 25138 Views | 224 Comments

 

"Alam mo, sinisiraan kasi ako ng mga kalaban din. Lahat ng... pagka lahat ng gawin namin, may pera agad. Minsan nga pagdating sa kabila, kapag may kumampi sa akin, 'Nabayaran 'yan.' Hindi naman totoo yun kasi ako naman, pinaghirapan ko naman ang pera na yun. Hindi ko naman parang tinatapon 'yan. Hindi ko naman ninakaw 'yan, e. Dugo at pawis 'yan, e. Sipag at tiyaga," says presidential candidate Manny Villar.

Photo By: Noel Orsal

Dumating si Sen. Manny Villar sa 49th birthday celebration ng TV host na si Willie Revillame sa noontime show Wowowee sa ABS-CBN last Saturday, January 23. Simula pa lamang ng show ay nandoon na si Sen. Villar kasama ang kanyang misis na si Las Piñas Rep. Cynthia Villar, daughter Camille, and sons Mark and Paolo.

Bukod dito, binigyang katuparan ni Sen. Villar ang pangarap ng 40 kabataan na anak ng mga basurero at OFWs na nakaranas ng injustice sa abroad na makapag-aral. Sumali ang mga anak ng basurero at OFWs sa "Tic, Tac Toe" portion ng Wowowee. Unfortunately, walang nanalo sa kanila kaya hindi nila nakuha ang premyo na P3 million at house and lot.

Pagkatapos nito ay kinausap ni Willie si Sen. Villar. Aniya, "Ang pangako ko sa kanila [studio contestants], makapag-aral sila. E, hindi nakuha yung papremyo. E, tuwing lalapit ako sa inyo [Sen. Villar], hindi niyo naman ako hinihindian. Gusto ko ang inyong vision. Pangalawang lapit ko po ito sa inyo."

Matatandaang nagbigay na ng anim na bahay at lupa si Sen. Villar sa napiling OFWs sa request ni Willie at in-award sa Wowowee. Tumataginting na P1.2 million ang halaga ng bahay na ibinigay sa kanila sa mga subdivision na pag-aari ni Sen. Villar. Ang recipients ng bahay at lupa ni Sen. Villar ay mga contestant sa "Willie of Fortune" game portion ng Wowowee.

Sabi pa ni Willie habang kaharap si Sen. Villar sa birthday celebration niya sa Wowowee, "Kung sakali ho na kayo ay maging presidente, hindi na ho ako lalapit sa inyo. Tatawag na lang ho ako sa inyo para sa kababayan nating mahihirap. Makikiusap ako sa inyo na unahin natin ang mga taong naghihirap, mga taong nagdudusa.

"Noon hindi niyo ako iniwan, hinding-hindi ko rin kayo iiwanan," pahabol niya.

Kasunod nito ay ang hiling ni Willie kay Sen.Villar na sagutin ang tuition ng mga bata para makapag-aral, na hindi naman tinanggihan ng tatakbong presidente sa 2010.

Sabi ni Sen. Villar, "Gusto ko yung naranasan ko nung ako ay bata, hindi na maranasan pa nung ibang mga bata. Kaya okay lang, Willie, call ako diyan. Ako, yung karanasan nila, hindi mo sigurado at talagang me tensiyon kapag bayaran ng matrikula. Ito yung nakakaawa sa bayan natin. Dapat matigil."

Nagbigay rin ng birthday wish si Sen. Villar para kay Willie.

"Ang birthday wish ko kay Willie, sana lahat ng pangarap niya sa buhay, matupad niya. Marami pa rin naman siyang pangarap. Siyempre masaya siya ngayon, lahat kaibigan niya. Isipin din niya na pagkaraan noon, kailangan din na mapaghandaan niya. Pareho pala kami na [ipinanganak] Year of the Ox, kailan ko lang nalaman," aniya.

May birthday gift din ba siya kay Willie?

"Wala pa nga, e. Pero, three million!" biro ni Sen. Villar. "Hindi, hindi... Ang sa akin, yung mapagbigyan ko ang hiling niya. Kasi parang yun naman ang hiniling niya, e. Parang more than anything I can give him, di ba? I can give him a gift but he doesn't need it, e. Dami na rin nagreregalo diyan. Pero yung hiling niya na 'yon, mapagbigyan ko parang okey na rin sa akin yun."

VILLAR'S CELEBRITY ENDORSERS. Tatlong buwan na lang ang itatagal ng kampanya para sa May 10, 2010 elections. Pawang malalaking pangalan sa industriya ang nag-e-endorse ngayon kay Sen. Villar, pero tila pawang nasa maturity level na ang mga ito. Bukod kay Willie ay nandiyan din sina Dolphy, Manny Pacquiao, at Michael V.

Wala ba silang itatapat sa Dingdong Dantes-Marian Rivera tandem sa kampo ni Sen. Benigno "Noynoy" Aquino III, na may advocacy sa mga kabataan?

Ang nag-iisang anak na babae ni Sen. Villar na si Camille ang sumagot nito pagkatapos ng show. Aniya, "Magkakaroon po kami ng parang ambassadress para sa mga kabataan, lalung-lalo na sa mga first-time voters."

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

224 Comments

  • 104  untilthen

    01/26/2010 | 05:49 AM
    Napaka lalim ni Villar. Masyadong makabayan kasi ayaw niyang harapin ang mga kasamahan niya sa Senado pero naandoon sa Wowowee. Bakit kaya kasi ayaw niyang harapin ang mga kasamahan niya dahil alam na alam ang mga corruption na ginawa niya. Sa Wowowee nga naman mag saboy lang siya ng mga ilang milyon bida na siya. At saka si Villar walang paggalang sa batas. Ayaw sumipost sa Senado tapos nangangapanya kahit bawal pa. Ito ba ang presidenteng gusto ninyo mas ma sahol pa kay Gloria Arroyo. Walang taros ang gastos niya kasi hindi naman pera niya ang ginagastos kundi pera nating mga Pilipino.; Mga Kababayan gising na, huwag ng pauuto sa matatamis na dila ni Villar. Katulad rin yan ni Arroyo baka mas masahol pa. Vote straight Liberal.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 103  liwayway

    01/26/2010 | 05:18 AM
    according to erap, ok lang that his close friend dolphy endorses villar because dolphy needs to earn money.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 102  coycoy123

    01/26/2010 | 05:01 AM
    ang pagkamatay ni remonde, ivler case, kris,james, mayen brohaha, villar c5, krista pakman jinky bruhaha.... lahat isisi nyo kay gloria total wala naman kayong magawa. Kahit ano anon ang mangyayari dyan sa pilipinas kay gloria nyo sinisisi. Parang si gloria nalang nag mali at kayo ang tama.. GLORIA PA RIN KAMI CONGRESSMAN GLORIA A.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 101  ragingbull6

    01/26/2010 | 04:54 AM
    sobrang qualifications we dont need it,just run the coutry with honesty sincerity and at isipin ang goodness nang taong bayan ang great president ay hindi dapat sobrang talino at qualifikasyon basta dedicated ka at ang public service talaga ang gusto mo ay maganda ang patutungohan nang administrasyon mo.and kailangan nang magiging presidente ang tulong nang taong bayan paano susunod ang taong bayan kung nakikita natin na winawaldas nang nasa gobyerno ang pera na suppose to be para sa bayan???pero kung may integredad ka at honest ka susunod ang taong bayan sayo alam na hindi ka corrupt.simple lang naman si Juan dela Cruz ibigay para ki juan at hwag nakawin ni pedro.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 100  zorro_T

    01/26/2010 | 04:51 AM
    ang senado walang kredibilidad, bakit makikisali si villar sa kanilang zarzuela. anu ba ang nangyari sa napakaraming scandals na inimbestigahang ng senado like the broadband ZTE, fertilizer scam, garci tape, kho-halili sex scandal, at marami pang iba? walang nagyari kasi puro papogian lang ang alam ng ating mga magigiting na senatong at tongressman.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 99  zorro_T

    01/26/2010 | 04:38 AM
    tsimis lang yang C5, matanong ko lang cno ang karapatdapat maliban kay villar....kung si noynoy, silipin mo kung sinosino ang mga taong nasa likuran nya na nagpapaandar ng kanyang kampanya, once elsted noynoy will be beholden to those people and that will be scary. noynoy is just riding with his parents name. wala naman siyang maipagmamalakimg nagawa sa tagal niyang pagkakaupo sa senado. before namatay si cory, yagit lang sa senado si noynoy and after cory's death, noynoy became the most qualified candidate to be president sabi kuno ng mga supporters nya..anuyun overnight transformation...nakakatawa....si erap naman, a convicted plunderer, womanizer, got the nerve to run again and if he wins again, have mercy on our country. how about gibo, a cojuangco clan just like noynoy. makiki Tulak Pasulong nalang ako kay pilosofong tasyo, walang atrasan. Push Onward mga kabayan!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 98  pep_reader

    01/26/2010 | 04:32 AM
    Akala ko bawal ang mangampanya sa TV show, eh bakit itong si Willie could get away with it? Willie always use the poor to his advantage, at pati sa campaign ni Villar puro rin mahihirap. God forgive me pero dapat turuan sila kung pano magsikap at hindi umasa na lang na manalo sa Wowowee. Unfortunately, malaki ang hatak ni Willie kaya for sure may susunod sa kanya na bumoto kay Villar.
    Basta, NOYNOY pa rin ako. One who is not corrupt is what our country needs - full stop
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 97  coycoy123

    01/26/2010 | 04:32 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 96  Chizmizo

    01/26/2010 | 04:25 AM
    NO !!!to VILLAR ang buong angkan namin,Ngayon palang ipina pakita na nya kong anong klaseng tao sya! Ayaw harapin ang ikina kaso sa kanya,kong mabuti syang tao ,harapin nya ang mga tao sa Senado,anong gina gawa nya,di nya nererespito ang ang Senado.Yan ba ang gusto nating maging Presidente?Paano nalang kong sya na nga ang Presisende natin ,di wala na syan sasantohin,Senador pa nga lang sya ganyan na sya umasta lalo pa kong Presidente na sya.I am very sure mas masahol pa yan sya sa naka upo ngayon.Ang ginawa nya sa wowowee usapan na nila ni Wellie yon,pangangampanya na yon,ginamit lang mga mahihirap,pwedi naman nya gawin yon na wala sya sa wowowee yan ay kong walang halong pulitika.Sini Sino ang mga kaibigan nya,Si wellie?Si Dolphy ano ba ang denominator sa dalawang yan? Si Satur,Si masa,Si bongbong marcos,si chavit singson sino sino ba sila?kilalanin nyo?Ako kahit si sino na alam natin na talagang walang bahid,huwag tayong mag padala sa pera mga kababayan,kawawa na naman ang bansa natin kong another corrupt n
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 95  ragingbull6

    01/26/2010 | 04:14 AM
    well never na maglagay nang businessman na presidente kasi katulad din yan ni gloria hay naku lahat gagawing business nasa senado pa lang maraming kurakot na out of C5,punta ka sa senate para mag explain pero asan ka tago ka kasi mabibisto ang modus operandi mo hay naku pag naging presidente to tapos ang pag asa natin sa bayan,lahat na natira ni gloria uubusin ni manny so kung gusto nyo ki villar go ahead pero kami pipili kami nang may integrity at di corrupt at hindi businessman baka pati kaluluwa ni juan dela cruz ibenta nya,plus pag nanalo daw si C5 secretary si willie so bravo clap clap clap!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 94  MadonnaCiccone

    01/26/2010 | 04:09 AM
    quot;quot;quot;V I L L A R
    quot;quot;quot;quot;for
    quot;quot;P R E S I D E N T
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 93  MadonnaCiccone

    01/26/2010 | 04:05 AM
    Si noynoy ay isang Autistic daw.. third stage autistic ata.im not so sure about the term.. basta Autustic sya.. meaning di sya fit to be a president. Si Manny lang talaga ang karapat dapat.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 92  MadonnaCiccone

    01/26/2010 | 04:02 AM
    si Manny Villar lang ang tanging Pag asa ng kabataan at sa mga mahihirap.. We'll do everything to make Villar our next President of the Philippines..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 91  creamer

    01/26/2010 | 04:01 AM
    I'm not voting for noynoy nor manny, pero kung pipili ako which is the lesser evil, si manny na lang noh! I'm in the US right now, and alam niyo bang pinagtatawanan dito ang mga reasons nyong mga pro noynoy? eh nakakatawa naman talaga na sinusuporthan niyo lang sya dahil hindi corrupt kuno, na you don't care kung walang experience kasi marami nang presidents na may experience pero wala naman nangyari sa pilipinas. and you think someone with no experience can make it better?! kaya po walang asenso ang Pilipinas dahil up to now tuwing elections emotions at katangahan ang pinaiiral ng karamihan!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 90  MadonnaCiccone

    01/26/2010 | 03:54 AM
    Kahit anuman ang paratang nyo against Manny villar.. Marami pa rin ang boboto sa kanya. Isa na kami dun!!
    Manny Villar for President!! Dito sa Province namin ay kay Villar kami. Di kami naniniwala kay Noynoy. Hello?? si Noynoy for president??Why?? Dahil ba sa Anak sya ni Ninoy at COry??? eh anu naman.. di naman sya si Ninoy.. Anak lang sya...Huwag nya na gamitin pa ang nanay at tatay nya. Di pa sya Hinog maging head ng bansa. Ang totoo nyan, ay mga nasa likod nya ang lalakad bilang pangulo.taga sunod sunuran lang sya. sya lang ang pang front!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 89  ragingbull6

    01/26/2010 | 03:28 AM
    Baloney!!!!!tell it to the marines!!!ikaw pa laging may perang katapat,napaghandaan mo mabuti finacially ang pag candidate mo ngayon kaya may C5 case ka hay naku pag binoto mo to pareho lang yan nang nasa malakanang ngayon same dog nag iba lang nang collar,businessman sya ano magaling sa math yan ang piso nagagawa nyan 200pesos so beware JUAN dela Cruz. hwag padala sa bola specially ang nag endorse sa kanya si willie nge!!!!!lalong sisikat at lolobo yan pag nanalo so C5 so isip isip kabayan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 88  pilosofongtasyo

    01/26/2010 | 03:18 AM
    cont...Dont miss this opportunity. Its a make or break for our inang bayan and generations to come. Vote for Sen. Manny Villar, he's from our ranks. Tulak Pasulong mga kabayan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 87  pilosofongtasyo

    01/26/2010 | 03:12 AM
    i lyke manny villar to be the president of the pilipinas kasi maganda ang plataporma nya. sa mga naninira kay villar, he wont answer to any1 or group if hes elected prez of the pilipins since he spends his own money for his candidacy. hes a self made billionaire not like other candidates kung sino sino ang nagpipinansya ng kanilang kandidatura. if they get elected, its payback time at kanya kanyang kurakot yo get their money back. isa pang layunin ni villar ay maiukit ang kanyang pangalan sa kasaysayan ng pilipinas na nakapagpaunlad sa bansa to alleviate the sufferings of the pilipino pipol. hes not a trapo or come from a prominent family but made a name thru hard work and perseverance. i hope the filipino voters vote wisely and use their coconut aand not be swayed by popularity, name affiliation, political clan or GGGs...its tyme to repudiate ang mga naghaharing uri at panahon na para iluklok ang taong who made it from rags to riches and that is no other than SEN. MANNY VILLAR. Dont miss this oppor
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 86  aysusmaryosep2

    01/26/2010 | 02:56 AM
    luvyoupanda, you are right. Pinaghandaan ni villar ang pagtakbo..that is why..may C5. Pakisabi sa kanya...instead na pumunta sa wowowee...attend siya ng session at harapin ang case about him. Bakit yong ibang investigation..nandoon naman siya..ngayon na siya ang iniimbestigahan..ayaw niyang humarap? Kung mananalo si villar...tayong lahat..Tondo ang bagsak natin!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 85  risingstar

    01/26/2010 | 02:32 AM
    whatever you say people.. i'll still vote Manny Villar as President. Hindi nyo ba nakikita kung bakit nasira ang pangalan nya ng dahil lang sa mga paratang ni Lacson. Hindi nyo din ba nakita or narinig na hindi naman mapatunayan sa senado ang mga paratang sa kanya. Eversince naman na sinabi nyang lalaban siya sa pagkapangulo sa 2010 election, dumami na ang naninira sa kanya. And the worst is lahat ng naninira sa kanyang kapwa nya senador eh wala naman ginagawang aksyon kundi ang manira lang ng kapwa nila. Ano ba ang intensyon ni Lacson bakit nya ginawa yun? dahil lang sa hindi siya ang pinili ng partido nila para tumakbo sa pagkapangulo, lahat ng naninira sa kanya ay merong evil intention. Manny Villar can rise the economy of Philippines. He's a good businessman and a good leader. He came from poverty so he knows how hard to be a poor. So, don't judge him because of intrigues. Open your eyes people.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About