Hindi naitago ng TV host-comedian na si Michael "Eagle" Riggs ang kanyang hinanakit at sama ng loob dahil sa nangyari sa kanya sa morning show ng GMA-7 na Unang Hirit. Hindi na kasi ni-renew ang serbisyo ni Eagle bilang isa sa host ng nasabing morning show. Ilan sa mga natirang hosts ng programa ay sina Arnold Clavio, Suzi Entrata-Abrera, Lyn Ching, Rhea Santos, Love Añover, at Drew Arellano.
Ayon kay Eagle, nine straight years daw siyang naging loyal sa Unang Hirit at sila ni Arnold na lang ang natitirang pioneer, pero nabalewala lang daw lahat.
Ito ang ipinahayag ni Eagle sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa launching ng mga bagong programa ng UNTV-37 sa Uncle Cheffy sa Eastwood Mall kahapon, January 26. Isa sa mga programang ito ay tampok si Eagle, ang Easy Lang, every Tuesday 4:30-5:00 ng hapon.
Ang iba pang bagong programa sa UNTV ay Kilalanin Natin, Law Profile, Estranghero, Kayo Ang Humatol, Rotary In Action, Dito Po Sa Amin, at ang Manibela, hosted ng Chairman at CEO ng UNTV na si Mr. Daniel Razon.
EAGLE SPEAKS OUT. Inusisa muna ng writer na ito kung totoong nilayasan nga ni Eagle ang GMA-7.
"Hindi naman parang nilayasan talaga, kasi raw magre-reformat sila," simula niya. "So, hindi na ako isinama sa pagre-reformat. Pero ang siste, may mga tanong ako sa kanila [management] na hindi nila masagot. Like sabi ko, 'Bakit ako hindi isasama? Ano ang problema sa akin?' Siyempre kahit sino naman ay yun ang gusto mong malaman, yung sa craft mo kasi, e.
"Kasi I've been with the show na Unang Hirit since it started. Magna-nine years na ang Unang Hirit at kami na lang ni Arnold ang natitirang original diyan. So, ang tanong ko pa, e, 'Ano ba ang problema sa akin, am I too old?' Kasi, hindi lang naman ako ang mas mukhang matanda sa lahat, may matatanda rin naman sa show. I will not mention names, pero maraming matanda doon. Tapos sabi ko pa, 'Palpak ba yung trabaho ko?' And I am the only one being sent every day sa iba't ibang lugar?' Every day yun, tapos hindi ka isasali?
"E, yung portion ko ay nag-e-exist lang siya ng ilang minuto lang ba? Dalawang pasok lang ako for three hours, dalawang beses lang ako ipapasok na tigti-three minutes. So, naisip ko, bakit ako yung affected? Plus, the fact na ako yung araw-araw na iba-iba ang pinupuntahan, I don't think na yung portion ko yung pinaka-boring. Kasi nga, every day, ako lang yung iba. The rest, pare-pareho lang 'yan, e. Yung news, yun at yun din. Yung studio, yun at yun din ang makikita mo. Pero yung segment ko, every day ay iba. Minsan nga nasa North ka, minsan nasa South.
"Tapos ang aga pa lang ay gumigising na ako," patuloy ni Eagle. "Nagsisimula yung programa ng five, alas-dose pa lang ng hatinggabi bumibiyahe na ako papunta sa lugar. At wala akong reklamo doon, never akong nagrekalmo na, 'Ayaw ko po, pagod po ako, ganyan-ganyan.' Wala. I just followed what's being told to me for nine years. E, balita ko, yung ibang mga nagko-cover sa fiesta ay tumatanggap pa sa mga mayor. Sana pala ay tumanggap na lang ako sa mga mayor, e, di ang yaman ko na siguro ngayon!
"Sobrang solid. Kaya tinatanong ko, 'Anong problema?' Pero hindi nila masabi, basta gusto lang daw nilang magkaroon ng reformat, gusto lang daw nilang magkaroon ng bagong bihis."
Dagdag niya, "Mayroon silang ibinibigay na kapalit, yung Chika Minute Explosive na bago ko oohan ay nawala na pala sa ere. Kasi, hindi siya explosive, walang kakuwenta-kuwenta yung ibinibigay nilang programa!"
Masama ba ang loob niya sa mga taga-Unang Hirit o sa GMA-7?
"Sa sistema," sagot niya. "Kasi parang... ganoon ba yun? Pagkatapos kong magsilbi nang matagal, na naging loyal ka, wala akong ibang shows na tinanggap kundi Unang Hirit lang for the past nine years, tapos bakit ganoon? All of a sudden, parang, 'We don't need you anymore.'
"Kung nagtrabaho siguro ako sa opisina ng gobyerno, mayroon akong benepisyong matatangap. E, dito, kahit SSS nga wala kami, e. Ganoon ka-rude yung negosyong... So sabi ko, sana pala ay nagnakaw na lang ako o kaya sana, nangutang na lang ako sa mga kasamahan ko at tinakbuhan ko. Para may rason para tanggalin nila ako. Kaso, yun yung worst, pag walang dahilan. Anong problema, bakit ako tinanggal?"
UNREWARDED LOYALTY. Pero ang higit daw na ikinasasama ng loob ni Eagle ay ang pagbabalewala diumano sa kanyang loyalty at ang hindi pagbibigay ng sapat na rason kung bakit siya inaalis sa Unang Hirit.





haist..
bakit pala wala pang AGB ratings from feb 12 to 15? hehe
kanya kanya tau.
may options naman palang binibigay sayo ayaw mo pang tanggapin, wag ganun tapos kung maka-attack ka eh prang hindi rin naging part ng life mo ang career sa UH.
pasalamat ka pa nga at umabot ka pa ng 9 years dun. eh sa lungga na dati mong pinang-galingan?
mag-thank you ka na lang at gawing memorable ang moments mo dati sa UH.
though naintidihan ko siya, but wag naman ganyan kung magsalita sila pa rin ang nagbigay sayo ng chance at bumubuhay sayo for 9 years...
honestly, boring rin naman kung ikaw na lang ang makikita sa UH,,,ibang mukha na man,,,so, go on...binigyan ka naman pala ng option..
siguro may nagsabi kay mr. razon na wala na si eagle kaya kinontak siya. magkakasama kasi sila nuon so malamang kasamahan din sa uh ang nagsabi para mabigyan agad ng kapalit na trabaho si eagle.
siyempre may mga hinanakit, bigla ba naman alisin eh. pero life must go on...
sayang, anniversary pa naman this feb. ang bamboo organ ng las pinas...