Nagulantang ang fans ni Marian Rivera nang unang mabalitang lilipat siya sa ABS-CBN after her contract with GMA-7 expires. Ayon pa sa news item, ang Endless Love: Autumn In My Heart na ang last soap ni Marian sa Kapuso Network at lilipat na siya sa Kapamilya network.
Nasulat pang kapag lumipat sa ABS-CBN si Marian, hindi na si Popoy Caratativo ang kanyang manager. Ibang tao na rin daw ang nakikipag-usap on her behalf sa Kapamilya network.
Upang kumpirmahin ang balitang paglipat ni Marian sa ABS-CBN, tinawagan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Popoy. Natatawang "no comment" ang sagot ni Popoy sa amin, pero nangako siyang tatawagan niya kami sa tamang panahon.
Sunod na tinanong ng PEP ang rumored boyfriend ni Marian na si Dingdong Dantes tungkol sa diumano'y pag-alis ng aktres sa GMA-7. "Nope," "it's not true," at "there's no truth to that," ang mga sagot ni Dingdong. Tinanong pa nga niya kami kung saan galing ang balita.
Nang makausap ng entertainment press si Marian sa Dinangyang Festival sa Iloilo, nag-"no comment" din siya at itinuro ang kanyang manager para siyang sumagot sa pangungulit ng press. Pero wala rin kaming nakuhang malinaw na sagot.
MARIAN FINALLY ANSWERS THE QUESTION. Muling nakausap ng PEP si Marian sa taping ng Darna sa grotto sa San Jose Del Monte, Bulacan noong Miyerkules, January 27. Ang isyung pag-alis niya sa GMA-7 para lumipat sa ABS-CBN ang unang itinanong sa kanya and this time ay diretso na niya itong sinagot.
Totoo ba ang mga balitang lilisanin na niya ang Kapuso network?
"Hindi ako lilipat kasi masaya ako sa GMA-7. Hindi nila ako pinababayaan at marami akong work," mariing sabi ni Marian.
Totoo bang may kumausap kay Popoy tungkol sa kontrata niya sa GMA-7 at kung kailan ito mag-e-expire at nag-offer ng kontrata?
"May nagtanong lang naman, hindi offer yun," paglilinaw niya. "Nagtanong lang ng mga bagay-bagay kay Popoy at kung sinuman ang taong yun, huwag na nating sabihin. Ang sigurado lang at final na ito, hindi ako lilipat dahil masaya ako bilang Kapuso. Ano pa ba ang hihilingin ko? Good projects ang ibinibigay sa akin at binigyan din ako ng title [Primetime Queen of GMA-7]."
Nang sabihin ng PEP na hindi lang ang fans niya ang matutuwa sa kanyang ipinahayag, kundi pati na rin ang GMA-7 dahil hindi pa rin pala sila mawawalan ng "Primetime Queen," tinanong ni Marian ang kasama naming taga-Corporate Communications department ng Kapuso network kung totoong nabulabog sila sa balita. Nang umoo ang tinanong, natawa na lang si Marian.
"Nakakatawa naman at pati kayo nag-isip na aalis nga ako sa GMA Network. Hindi nga ako aalis, happy na kaya ako dito at final na 'yan," wika ni Marian.
Isa sa mga project na gagawin ni Marian ay ang Endless Love: Autumn In My Heart na balik-tambalan nila ni Dingdong Dantes. Naurong sa April ang start ng taping nila at sa June naman ang airing nito. Hindi pa lang sigurado si Marian kung si Joyce Bernal pa rin ang magdidirek ng Pinoy adaptation ng Koreanovela na ito dahil magko-concentrate daw ang direktor sa pagdidirehe ng pelikula. Si Joyce ang nagdirek ng tatlong primetime series na pinagsamahan nina Marian at Dingdong: Marimar, Dyesebel, at Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.
DARNA BIDS FAREWELL. Mixed emotions naman si Marian sa nalalapit na pagtatapos ng telefantasya na Darna dahil mami-miss daw niya ang mga kasamahan niya rito, pati na ang direktor nilang si Dominic Zapata. Mami-miss din daw niya ang pagsusuot ng costume ni Darna.
Hindi na idinetalye ni Marian ang mga susunod na episodes, pero sinabi niya na lahat ng mga nakalaban niya ay magsasama-sama hanggang maging isang tao na lang. Kung paano ito gagawin, bahala na raw si Direk Dom.






walang offer? are you sure? hahaha. FYI maraming artista ng Dos ang galing sa GMA. yuck yuck kayo diyan. hahahaha...
mga feelingera! LOL
tsaka i don't think lilipat yan! :
I'm Proud to be Kapuso!
naloloka ako sa tandem nila ni fafa DENNIS!!ihh no offence kay DOng, pero i find them cute tlga
Dami ditong affected!
CORRECTION:
Hindi magkakaroon ng angel locsin pag walang GMA
sa tingin niyo ipipirata ng abs si angel or may papansin sa acting niya kung di siya sikat?
palibahasa aminin ninyong mga kapalmilya isang former GMA star tinalo ang star magic taes kasi napansin nga sa abroad pero talunan naman
Most Beautiful, Loving, Famous and
Powerful Couple in Phil.Showbiz-
DongYan
talaga lang ha inaalagaan sya ng network kaya pala natengga at na frozen delight ang lola mo... kaya pala naging nanay nalang sya ni kokey ganun pala yun...
kaya wag kayo magmalaki sa nakaapak lang! dahil kayang umapak ni marian jn kung apakan lang! haha!
Im sure after 10years, yan pa rin ang sasabihin ng mga kafangz kay angel! haha! inggrta si angel, kaya we hate her! hindi nman sya nawalan ng projs sa gma7 at sikat na sikat sya dt tym!
ang krma ang bilis nga naman! dumating lang si PHENOMENAL STAR marian rivera, di na magkandaughagha ang mga tga IPIScbn para mag nega sa knya! haha! Sa huli si Marian pa rin ang winner!
MARIAN THE PHENOMENAL STAR! Your beauty is the envy of evry kafangz!
Mga falling angel fans jn, aanhin nyo ung nakatapak lang sa emmys kung loser naman! hahah! nakaapak lang kefifeeling na! Ni nga mga soaps nya wala pang nagrate ni isa! hahah! Pa press release nanaman? After 10years, yan at yan pa rin ang sasabihn nyo kay angel samntla anong petsa na? ang career nya nasa libngan nnmn! haha!
Di ka talaga tatantanan Marian hanggat number 1 ka! Ganyan sila ka bitter!
WE LOVE YOU PHENOMENAL STAR MARIAN!!