Nagulantang ang fans ni Marian Rivera nang unang mabalitang lilipat siya sa ABS-CBN after her contract with GMA-7 expires. Ayon pa sa news item, ang Endless Love: Autumn In My Heart na ang last soap ni Marian sa Kapuso Network at lilipat na siya sa Kapamilya network.
Nasulat pang kapag lumipat sa ABS-CBN si Marian, hindi na si Popoy Caratativo ang kanyang manager. Ibang tao na rin daw ang nakikipag-usap on her behalf sa Kapamilya network.
Upang kumpirmahin ang balitang paglipat ni Marian sa ABS-CBN, tinawagan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Popoy. Natatawang "no comment" ang sagot ni Popoy sa amin, pero nangako siyang tatawagan niya kami sa tamang panahon.
Sunod na tinanong ng PEP ang rumored boyfriend ni Marian na si Dingdong Dantes tungkol sa diumano'y pag-alis ng aktres sa GMA-7. "Nope," "it's not true," at "there's no truth to that," ang mga sagot ni Dingdong. Tinanong pa nga niya kami kung saan galing ang balita.
Nang makausap ng entertainment press si Marian sa Dinangyang Festival sa Iloilo, nag-"no comment" din siya at itinuro ang kanyang manager para siyang sumagot sa pangungulit ng press. Pero wala rin kaming nakuhang malinaw na sagot.
MARIAN FINALLY ANSWERS THE QUESTION. Muling nakausap ng PEP si Marian sa taping ng Darna sa grotto sa San Jose Del Monte, Bulacan noong Miyerkules, January 27. Ang isyung pag-alis niya sa GMA-7 para lumipat sa ABS-CBN ang unang itinanong sa kanya and this time ay diretso na niya itong sinagot.
Totoo ba ang mga balitang lilisanin na niya ang Kapuso network?
"Hindi ako lilipat kasi masaya ako sa GMA-7. Hindi nila ako pinababayaan at marami akong work," mariing sabi ni Marian.
Totoo bang may kumausap kay Popoy tungkol sa kontrata niya sa GMA-7 at kung kailan ito mag-e-expire at nag-offer ng kontrata?
"May nagtanong lang naman, hindi offer yun," paglilinaw niya. "Nagtanong lang ng mga bagay-bagay kay Popoy at kung sinuman ang taong yun, huwag na nating sabihin. Ang sigurado lang at final na ito, hindi ako lilipat dahil masaya ako bilang Kapuso. Ano pa ba ang hihilingin ko? Good projects ang ibinibigay sa akin at binigyan din ako ng title [Primetime Queen of GMA-7]."
Nang sabihin ng PEP na hindi lang ang fans niya ang matutuwa sa kanyang ipinahayag, kundi pati na rin ang GMA-7 dahil hindi pa rin pala sila mawawalan ng "Primetime Queen," tinanong ni Marian ang kasama naming taga-Corporate Communications department ng Kapuso network kung totoong nabulabog sila sa balita. Nang umoo ang tinanong, natawa na lang si Marian.
"Nakakatawa naman at pati kayo nag-isip na aalis nga ako sa GMA Network. Hindi nga ako aalis, happy na kaya ako dito at final na 'yan," wika ni Marian.
Isa sa mga project na gagawin ni Marian ay ang Endless Love: Autumn In My Heart na balik-tambalan nila ni Dingdong Dantes. Naurong sa April ang start ng taping nila at sa June naman ang airing nito. Hindi pa lang sigurado si Marian kung si Joyce Bernal pa rin ang magdidirek ng Pinoy adaptation ng Koreanovela na ito dahil magko-concentrate daw ang direktor sa pagdidirehe ng pelikula. Si Joyce ang nagdirek ng tatlong primetime series na pinagsamahan nina Marian at Dingdong: Marimar, Dyesebel, at Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.
DARNA BIDS FAREWELL. Mixed emotions naman si Marian sa nalalapit na pagtatapos ng telefantasya na Darna dahil mami-miss daw niya ang mga kasamahan niya rito, pati na ang direktor nilang si Dominic Zapata. Mami-miss din daw niya ang pagsusuot ng costume ni Darna.
Hindi na idinetalye ni Marian ang mga susunod na episodes, pero sinabi niya na lahat ng mga nakalaban niya ay magsasama-sama hanggang maging isang tao na lang. Kung paano ito gagawin, bahala na raw si Direk Dom.






ambisyosa dw c marian na lumipat s abs?ek kau itong walang humpay ang paninira s mga sikat ng gma para mamatay ang kakumpetensiya...noon wala ni isang kapams na me gusto kay lubog angel at sa kaagsagan ng kasikatan noon ni lubog angel gumawa ng intriga ang abs na c angel ay walang kwentang alaga dahil dinuduro ang manager nyang c becky at akala mo nandun ang kapams kontodo paninira para lumubog c angel since walang ngyari pinirata ng abs a desperate move to kill competitor at WHAT AN IRONY OF IT ALL lahat puro magaganda na ang sinasabi ng kpams syempre kelangan i-like nila c angel ksi nandun n sa kanila and the mystery of it all palaging gitgitan ang score ni marian at angel sa mga padamihan ng fans samantalang ang fans ni angel dati ay mga kapuso?pero hindi na surprising yon ksi pg sikat s gma kontodo paninira ang ginagawa ng kapams pero pg pinirata na nila to the highest level na ang papuri di ba nakakatawa?sabagay paulit ulit kong sinasabi na ang kapams mahilig isubo ulit ang mga i
keen_observer
KSA
January 31, 2010
16:23 PM
di kaylangan ng ABS ang starlet...tagal na sa showbiz di pa marunong umarte.
=========================
pag umatungal at nag pa tulo ng luha, marunong umarte sa inyo yun? ganun kaya gawain ng mga naturiang actors sa bakuran ng mo.ignacia. hahaha......
tama na mga arte nyo.....isang marian rivera lang pala, pero binabangungot kayo sa mga panaginip nyo. hahaha.....
MsCali09
February 1, 2010
04:59 AM
kaya hindi kumita mga movies ni marian kasi mga katulong ang mga fans. kagaya nya na jologs, baduy...no class at all. di kasi kaya magbayad ng pang sine. hahaha! marian owes Angel Locsin her status right now. kung hindi tinanggihan ni Angel ang Marmiar eh, mother roles pa rin ang ginagawa ni tandang marian. you can't buy class talaga!
==========================
nag-salita ang KaChewLong.....hahaha.....
agassi
February 1, 2010
07:44 AM
khikkai - kailangan nya mga good actors ba? ay sus wala sa GMA nyan dapat ang ibigay na mga actors kay MR eh mga tiga ABS like JLC or Jericho or Piolo... eh kaso mahirap ata mangyari yan....
==============
iilan lang ang actor ng abscbn, puro kaya bayot ang mga actors dun, mas maganda pa sa actress. hahaha......
dahil lalong natutuwa sa inyo si Satanas!!!
Kawawa naman 'yong article ng idolo ninyo, nilalangaw na. Wala kasi kayong maka usap doon kaya andito kayo. You're so envious of Marian kasi alam ninyo nagmamahalan sila ni Dong. 'Yon idolo ninyo pinagtiyagaan si Kokey.