Regine Tolentino explains she was not axed from Unang Hirit

Glen P. Sibonga
Friday, January 29, 2010 @ 03:00PM  |  18864 views

 

"It doesn't mean naman na because my contract is finished, e, I'm totally out of the show na. I still guest sa show once or twice a week. And I do my segment, which is a lighter load para sa akin, kasi hindi na ako lumalabas or naglo-location ng malayo. Yung focus ko talaga is yung forte ko, pagsayaw, sa fitness," says Regine Tolentino about Unang Hirit.

Photo By: Noel Orsal













Pinabulaanan ni Regine Tolentino ang naglabasang balita sa tabloids na tinanggal daw siya at hindi nag-resign bilang host ng morning show ng GMA-7 na Unang Hirit nang mag-reformat ito. Ang totoo raw ay natapos na talaga ang contract niya sa show last January 15. Hindi na raw siya nag-renew dahil nagsisimula na nga siya sa taping ng Sine Novela Ina, Kasusuklaman Ba Kita?, na pinagbibidahan ng mag-inang Jean at Jennica Garcia.

"May reformatting but actually, even before that, may invitation nga sa akin to go back to ETV [Entertainment TV] para gumawa ng soap, yun nga yung Ina, Kasusuklaman Ba Kita?. So, siyempre, nag-consult ako sa manager ko, sa GMA Artist Center. And since may go-signal na ako sa kanila to accept the project, tinapos ko yung contract ko until January 15 dahil nga mag-start na yung taping ko.

"Since hindi po ako nag-renew... Actually yun nga, e, the worst tsismis na lumabas is yung tinanggal ako sa show dahil nagpapataas daw ako ng talent fee. Sabi ko, sa lahat ng reasons, bakit yun pa? That was never, never an issue sa Unang Hirit. And sobrang mahal na mahal ko yung mga kasamahan ko doon. And I really love that job so much. Mami-miss ko rin talaga kasi I'm a morning person," mahabang paliwanag ni Regine nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon na inihanda ng A Fucoidan sa kanilang endorser kahapon, January 28, sa Annabel's restaurant.

Paano nakaapekto sa kanya yung negative issue tungkol sa pagkatanggal niya umano sa Unang Hirit?

"Yun nga, in my case, yung issue is so blown out of proportion," sabi ni Regine. "And nakasama kasi, nasa Internet at tabloids. I feel bad kasi, siyempre, yung mga parents ng kaklase ng mga kids ko, yun nga, nagtatanong sila sa akin. When I look at the tabloids, it's really negative. Nakakasama ng loob.

"So, I brought it up sa management. Sabi ko, 'Sa lahat ng tsismis, bakit ganito yung interpretation ng tao sa nangyari?' And they were very supportive. At saka it doesn't mean naman na because my contract is finished, e, I'm totally out of the show na. I still guest sa show once or twice a week. And I do my segment, which is a lighter load para sa akin, kasi hindi na ako lumalabas or naglo-location ng malayo. Yung focus ko talaga is yung forte ko, pagsayaw, sa fitness."

Nauna nang naisulat dito sa PEP ang tungkol sa sama ng loob sa GMA-7 ng dati niyang kasamahan sa Unang Hirit na si Eagle Riggs. Ayon kay Eagle, pakiramdam niya raw ay pinabayaan siya at iniwan sa ere ng Kapuso network sa kabila ng kanyang pagiging loyal sa istasyon for nine years. (CLICK HERE to read related story.)

"Yung kay Eagle naman, hindi ko kasi alam kung ano yung lumabas sa kanya. And I actually don't know his status because the past several months, hindi na kami nagsasama sa location. So, I really don't know kung ano yung feelings niya regarding this issue. Kung sumama man ang loob niya, I think he should be the one talking about it. As far as I know, on my part, tapos na yung contract ko talaga and the soap came about."

BACK TO ACTING. Hindi man daw regular si Regine sa Unang Hirit ngayon, wala naman daw malaking panghihinayang kay Regine dahil mas pinili nga niyang bumalik sa pag-arte sa Ina, Kasusuklaman Ba Kita?. Ginagampanan ni Regine ang role ng best friend ni Jean Garcia sa naturang soap.

Hindi ba siya nanibago sa kanyang pagbabalik sa acting?

"You know, it's different here dahil sanay na sanay ako na tumitingin sa camera when I am hosting, dancing, and everything. Nanibago talaga ako because unang taping day... Unang-una, sobrang idol ko si Jean Garcia. And so, nagpa-picture talaga ako sa kanya and talagang I kept staring at her. Gandang-ganda ako sa kanya. Ang galing-galing niya talagang umarte.

"And so when I had my first few scenes with her, talagang na-stage fright ako and naiilang. I was quite intimidated at first pero dahil sobra siyang accommodating and supportive, we've been doing wonderful scenes together the past few days. And then, yun, marami siya sa aking ibinibigay na tips. And yung nasampal na niya ako, nag-away-away na rin kami," kuwento ni Regine.

Kumusta naman ang sampalan scene nila ni Jean?

"It was more like sa 14 years ko sa showbiz, ngayon lang ako nasampal nang ganun," sabi niya. "Yung talagang parang naalog, parang ganun. Yun, I was shocked and I really didn't know what to expect. Okay naman, pero malakas talaga. Pero mas lalo kong naramdaman yung eksena pag medyo malakas pala ang sampal. So, I think nakatulong sa pag-arte ko doon."

After that scene, ano ang sinabi sa kanya ni Jean?

1  2  3  Next »

Related Articles

39 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name