Sa mga recent interviews ni Angelica Panganiban, marami ang nakapansin na medyo may anghang daw ang komento ng aktres sa tuwing nahihingan siya ng reaksyon tungkol sa ginawang paglabas kamakailan nina Jinkee Pacquiao at Derek Ramsay sa General Santos City.
Nagselos ba si Angelica kay Jinkee at nawalan naman ng tiwala sa boyfriend?
"Malaki ang tiwala namin sa isa't isa," sagot ni Angelica. "Siguro naman hindi kami tatagal nang ganito kung wala kaming tiwala sa isa't isa.Trust ang unang pinagkatiwala ko sa kanya kasi naniniwala ako na pag nagtiwala sa iyo ang isang tao, mahal ka niya, so parang ka-level na ng 'I love you' yung 'I trust you.'
"Alam ko magkaibigan sila Derek, Jinkee at Manny [Pacquiao] at lagi naman naming sinasabi yun. Pag may occasions like nung Christmas and New Year, lagi kaming bumabati sa kanila, nagti-text kami sa kanila. Hindi naman kasi siya big deal na kailangang patulan nating lahat.
"Siguro nakakatuwa lang na si Ms. Jinkee, open naman siya na nagaguwapuhan siya kay Derek, dun pa lang napa-flatter na kami. Hindi naman dapat bigyan ng malisya yun dahil alam naman ng buong mundo kung gaano kamahal ni Jinkee [si Manny] so wala naman akong dapat ikatakot dun."
TWITTER HARASSMENT. Sinarado na ni Angelica ang Twitter account niya dahil mayroon daw isang taong grabe ang paninira at pangha-harass sa kanya. Kuro-kuro ng ilan, baka raw may kinalaman ito sa nababalitang attitude problem at pagiging maldita ni Angel. Ayon naman sa iba, baka nami-misinterpret lang ang pagiging sobrang prangka at straightforward ng aktres.
Hindi inikutan ni Angelica ang isyu. "I'm proud pag sinasabing maldita ako," sabi niya. "Tao lang ako, hello. Ako, feeling ko kasi, yung pagiging maldita ko, sino bang magproprotekta sa sarili ko kundi sarili ko?
"Normal lang yun na ma-misinterpret ka ng iba. Kumbaga may mga impression yung tao na ganito ka, hindi mo maaalis yun. May pag-iisip ang bawat tao na hindi ko puwedeng sabihin sa mga tao na ganito ang isipin ninyo sa akin kasi ito yung gusto kong isipin ninyo sa akin. Mahirap gawin yun at hindi ko na idadagdag sa stress na pinagdadaanan ko araw-araw yun."
ILLNESS ON SET. Minsannamang inintriga ang aktres na nambitin daw ng taping ng pinagbibidahang teleserye na Rubi. Ang totoo pala ay may matinding pangangailangan.
"Sinipot ko yung taping and alam ito ng mga katrabaho ko. Alam din nila na pag first day ng period ko, may dysmenorrhea talaga ako. I already consulted an OB [obstetrician] regarding that. Pinapa-check up ko parati yun dahil baka nga mamaya meron na palang hindi normal.
"Severe dysmenorrhea na ang tawag sa kanya and usually two days before naka-pain reliever na 'ko... Yung gamot na yun, sobrang taas na niya na ginagamit yun after operation.
"Ininom ko yun, nakapag-taping and nakapag-shoot kami ng ilang eksena. Siguro around 2 p.m. or 3 p.m., bigla na lang bago mag-take, may naramdaman akong sobrang pain. Sabi ko, 'Ang sakit, sandali lang.' Umupo ako. Parang hindi normal kasi hindi na 'ko makagalaw. Sabi ko hindi ko alam ang gagawin ko kasi once a day lang ang gamot na ininom ko, baka pag nag-take pa ako ng isa, baka ma-overdose na 'ko.
"Pinagpahinga ako. Naghintay kami pero masakit pa rin. After three hours, dinala na nila ako sa hospital. Dun na ko tsinek up.
"Sobrang thankful ako sa Capitol [Medical Center] kasi lahat ng OB tumulong sa akin kasi marami na talaga ang nagtsi-check sa akin. Siguro kasi sawa na sila sa kakatingin sa akin kasi parati na lang akong may problema sa may abdomen. Nagpa-ultrasound ako... Maganda naman ang sagot kasi sabi naman nila, curable naman siya, puwede siyang inuman ng gamot, matagal nga lang.
"At least, di ba, isang sakit na ang tagal-tagal mo nang dala, monthly mo siyang dinadala, tapos finally mabibigyan na siya ng solusyon. So happy naman ako."
Nasaan daw si Derek noong panahong 'yon?
"Nasa Tagaytay siya, maysakit din siya. Nilalagnat siya nun so nandun siya sa family niya."
LOVE FOR ALL ON LOVERS' DAY. Ilang linggo na lang ay Valentine's Day na. Ayon kay Angel ay itutuloy nila ni Derek ang charity work na nasimulan na nila.
"May plano kami na yearly magtsa-charity work kami pag Valentine's Day kasi maraming tao ang nagbibigay lang ng tulong sa mga nangangailangan kapag Pasko. Kapag kasi ganitong Valentine's Day, masayado kang naka-focus sa minamahal. So kami, gusto naming i-celebrate it together, pero gumagawa kami ng activity na makakatulong sa iba at nag-e-enjoy kami."
Bida-kontrabida ang role ni Angelica sa Rubi. Bukod dito ay may pagka-daring, sexy at mature ang role na gagampanan niya. Tinanong si Derek noon kung pinagseselosan daw ba niya ang mga daring scenes ng girlfriend at sinabi naman niyang hindi. Lumalabas na para daw walang pakialam ang aktor sa mga ginagawa ni Angel.
"Siguro, ang iba magre-react lang, 'Bakit ganun, parang walang pakialam sa iyo ang boyfriend mo?' Pero ako kasi, masaya ako kasi nakikita ko na pinagkakatiwalaan niya ako. May tiwala siya sa akin na alam niyang kaya kong gawin yun na hindi ako babastusin ng ibang tao at may tiwala siya sa kapasidad ko bilang artista."
NIXED LOVE SCENE. Sa medical drama series na Habang May Buhay, na mapapanood na bukas, February 1, sa ABS-CBN, nabalitaang may love scene daw sana sina Derek at Gladys Reyes pero di daw pumayag ang asawa ni Gladys na si Christopher Roxas. Naiintindihan naman ni Angelica kung bakit naging ganito ang desisyon ni Christopher.
"Siguro kami ni Derek, kapag nag-level up kami nang katulad ng kila Gladys at Christopher at may pamilya na kami, siguro dun na kami magkakaroon ng, 'Huwag nang ganito kasi may mga anak na tayo.' Siguro nasa state of mind na sila at nasa state of relationship na iniisip na nila ang kapakanan ng iba, like kung may anak na sila, na baka asarin yung bata sa school, di ba?
"Siyempre iba na yung level ng maturity nila and kami naman, hindi pa naman kami kasal, wala naman kaming anak, so sa amin, okey pa yung magpa-yummy sa iba. Hindi naman siguro selos yun. Ako, hindi ko matatawag na selos yun. Siguro kasi babae yun, babae si Gladys," pagtatapos ni Angelica.
