Marian Rivera runs 5K to support Dingdong Dantes's Yes Pinoy Foundation


 
Marian Rivera showed her support to rumored boyfriend Dingdong Dantes by showing up at Yes Pinoy Foundation's book run held yesterday, January 31, at Bonifacio Global City. This is despite having slept for only two hours after her last taping day for Darna.

Marian Rivera runs 5K to support Dingdong Dantes's Yes Pinoy Foundation

Rose Garcia

Rating

Hinihingal pa halos si Marian Rivera dahil sa ginawang pagtakbo sa five kilometer (5K) run sa ginanap na book run ng Yes Pinoy Foundation kahapon ng umaga, January 31, sa Bonifacio Global City, pero nagpaunlak na rin ito ng interview nang salubungin ng ilang entertainment press sa finish line.

 

First time lang daw niyang tumakbo, sabi niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal), pero from the original 3K lang sanang tatakbuhin niya, bigla siyang nag-decide na tumakbo na rin sa 5K. Pero positive raw kay Marian ang naging experience niya.

 

"Hindi kasi masusuklian ang experience, e. So, happy ako na ganoon pala talaga ang tumakbo," nakangiti niyang sagot.

 

Ayon kay Marian, sure na raw siya kahit noon pa na tatakbo siya. "Sigurado talagang tatakbo 'ko dahil unang-una sa lahat, naniniwala ako sa foundation niya [Dingdong Dantes]. At saka, para sa kanya."

 

Palagi na ba niyang gagawin ang pagtakbo?

 

"Bakit hindi, okey naman siya.  At kung makakatulong, bakit hindi?"

 

Nangiti naman si Marian dahil sa pagbanggit ng press na todo rin ang suporta sa kanya ni Dingdong, dahil kahit nakarating na ito sa finish line, nagpalit lang ng pang-itaas, pagkatapos ay binalikan na siya kung nasaan man siyang lugar sa pagtakbo.

 

"Oo nga, e! Dapat 3K lang ako, napasubo ako, naging 5K na rin ako!" natatawa niyang sabi. "Nag-stretching lang ako kanina para hindi ako bumigay. Maaga akong pumunta rito para mag-stretching kami."

 

Nagulat din daw si Dingdong nang makitang sa 5K run na rin ito sumali.

 

Nagbigay ng mensahe si Marian sa naging success nga ng book run.

 

"Congrats, kasi naging successful at saka ang dami talagang tumakbo para rito sa book run na 'to. Kaya sa lahat ng tumakbo, isa na ako sa nagpapasalamat."

 

Pinaninindigan niyang talaga ang pagiging inspirasyon ng Yes Pinoy Foundation?

 

"Oo naman, oo naman...dahil isa ako sa naniniwala sa foundation niya."

 

So, lahat ng projects ni Dingdong, susuporta siya?

 

"Oo naman! All the way!" nakangiting sabi nga ni Marian.

 

YES! COVER STORY. Tinanong din si Marian tungkol sa YES! Magazine cover story tungkol sa kanila ni Dingdong (February issue), kunsaan kulang na lang nga ang tahasang sabihin nila na sila na nga.

 

"Siguro naman sapat na ang nakasulat dun para i-express namin ang mga feelings namin. Hindi na kailangang i-pinpoint na, ay, 'eto 'yan, wala na sigurong ganun."

 

Ayaw na ring magdetalye ni Marian in terms of sa official anniversary nila, monthsary...

 

"May ganun?" natatawang reaksyon niya. "Tulad ng sinabi ni Dong, siguro, e, sapat na ang mga salita namin. Hindi na kailangan ng mga ganun. Ang importante, e, naging honest kami, at masaya kami sa mga nangyari sa amin."

 

Pero para kay Marian, every day naman daw ay espesyal para sa kanilang dalawa ni Dingdong. Pero ano nga ba ang pinaka-memorable na araw para sa kanilang dalawa?

 


Join us on Facebook


Pages: 1  2  Next »

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
332 Comments
page    1    2    3    4    5    6    7   
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement