"Not that it's unfair to me, or to the women in Dolphy's life, but I think kasi the film will delve on the personal, e. Ako naman, I just want to stress out, wala na akong itinatago tungkol doon. Alam na naman ng lahat 'yon. Kumbaga, out na out na 'yan," explains Zsa Zsa Padilla about the proposed biofilm of Comedy King Dolphy.

Photo: Noel Orsal

Kumpirmadong lilipat ng network ang Comedy King na si Dolphy, mula sa ABS-CBN patungong TV5 na ngayo'y masigasig sa pagbubuo ng mas matibay na stable of big name stars. Pero hindi nangangahulugang kasama sa paglipat ni Mang Dolphy ang kanyang love partner na si Zsa Zsa Padilla.

"Doon siya, e, ako dito [sa ABS-CBN]," paniniyak ni Zsa Zsa nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, January 31, sa studio ng ASAP XV.

Bagamat hindi nag-elaborate ng tungkol sa napabalitang paglipat ng TV network ni Dolphy ("Mas mabuti siguro na siya ang magbigay ng statements tungkol diyan," ani Zsa Zsa), positibo naman ang naipahayag ng singer-actress tungkol sa ugnayan pa rin nila ng komedyante.

"It's always been good... smooth sailing," nakangiting sabi ng Divine Diva.

Mahigit dalawang dekada na rin ang ugnayang Dolphy at Zsa Zsa. Apat na taon mula ngayon ay maaari nang matuloy ang napapag-usapang wedding nila, as their partnership would turn silver (25th year), but Zsa Zsa is non-committal.

"No, no, no. I don't want to talk about that," she begged off. "Actually, my [previous] marriage has been annulled. It's just that I cannot talk about it. It's been annulled but I'm still waiting for my finality; waiting, I mean...on my seventh year already. In my case, I'm the longest... longest case ako sa Parañaque [courts]. But I really don't wanna talk about it, kasi mahirap, e."

DOLPHY FILMBIO. Ang ideya na gumawa ng filmbio ni Dolphy ay nagmula sa mga kaanak at kaibigan ng Comedy King, partikular ang anak niyang actor-director na si Eric Quizon. Si Eric ang nasa likod ng nalathalang biography ni Mang Dolphy (Rodolfo Vera Quizon sa tunay na buhay), titled Hindi Ko Narating Ito Nang Nag-Iisa, written by Bibeth Orteza. Ang aklat ay inilunsad noong isang taon, sa okasyon ng ika-80 taong kaarawan ni Dolphy noong July 25, 2009.

Taliwas sa unang naiparating sa PEP, tutol si Zsa Zsa sa napapag-usapang konsepto, kundi man plano, ukol sa film biography ni Dolphy.

"I don't think I'm the only one... si Dolphy mismo, ayaw niya," mariing pahayag ni Zsa Zsa.

At nabanggit ng Divine Diva ang mga rason hinggil sa kanyang pagtutol sa napipintong Dolphy biographical film.

"It's already in the book," panimulang sabi niya. "Not that it's unfair to me, or to the women in Dolphy's life, but I think kasi the film will delve on the personal, e. Ako naman, I just want to stress out, wala na akong itinatago tungkol doon. Alam na naman ng lahat 'yon. Kumbaga, out na out na 'yan.  So, para sabihin ng ibang mga tao... Siyempre, minsan makakarinig ako o mababasa ko na, 'Ayaw mo lang kasi ayaw mong masiraan ka ng [mga] tao...'

"Wala naman akong itinatago, to begin with," paglilinaw ni Zsa Zsa. "Mula nang maging kami [ni Dolphy], yun na naman 'yon. At kaya ayoko din dahil nga meron pa akong hinihintay na finality sa annulment ko. 'Tsaka, siguro naman, sa aming dalawa, wala nang dapat i-prove.

"I don't wanna sound defensive about it, but you know, for clarification..." pahabol niya.

ZSA ZSA'S  SIDE OF THE STORY. Para sa mga nagka-ideya tungkol sa posibleng Dolphy filmbio, interesting ang gagawing pelikula kung saan gagampanan ng ibang mga artista ang mga taong naging bahagi ng makulay na buhay ng Comedy King.

Nabanggit din ni Eric Quizon, in our previous interview with him, na si Dolphy would just serve as sort of "opening and closing narrator" of his life story.