Biro ni Toni Gonzaga sa mga entertainment press na dumalo sa launch ng kanyang two-night post-Valentine concert, "effort" talaga ang ginawang pag-iisip ng ASAP Concert sa magiging title ng kanyang solo concert—Love is Toni Gonzaga.
"Actually, 'yan ang title ng album ko, so talagang pinag-isipang mabuti!" tawa ni Toni. "Pero siyempre, kapag umaawit ka naman talaga, talagang ibinibigay mo naman ang puso mo sa mga awitin. Para naman ma-in love sila [audience] at ma-inspire sa mga awitin.
Ayon pa kay Toni, parang breather na rin daw sa kanya ang kanyang two-night concert pagkatapos ng araw-araw niyang paghu-host ng Pinoy Big Brother Double Up, na magtatapos na sa mismong Valentine's Day, Feb. 14. This time, balik naman siya sa pagkanta since last year pa ang huling concert niya sa Aliw Theater.
Gaganapin ang Love Is Toni Gonzaga on February 26 and 27 sa Music Museum.
GIVING GIFTS. Speaking of Valentine's, may plano na ba sila ng boyfriend niyang si Paul Soriano to celebrate this special day?
"Ang Valentine's Day, nasa PBB ako. Big Night ng PBB is February 13, tapos 14, merong something pa. Marami pa akong spiels. Pero siyempre, hindi ko alam kung ano mangyayari," sabi niya.
Nang madako ang usapan tungkol sa mga regalo, tinanong ni Toni kung nagbibigay ba ng gift ang babae kapag Valentine's.
Hindi ba siya nagbibigay?
"Parang hindi!" natatawa niyang sagot.
Noong birthday naman daw niya last January 20, niregaluhan siya ni Direk Paul ng Christian Louboutin shoes. At siya naman, niregaluhan niya ang sarili niya ng lote.
MOVIE WITH ROBIN. Bago ang concert ni Toni, posible raw na simulan na niya ang bagong movie niya under Star Cinema. Ito yung pagtatambalan nila ni Robin Padilla.
"Ang target shooting namin, February 20," banggit ni Toni. "Kapag natuloy yun, go! Kapag hindi, e, titingnan natin...it depends. Ang alam ko lang, hindi pa puwede habang nagpi-PBB."
Dugtong pa niya, "May istorya na, kakabasa ko lang sa bahay. Actually, ni-relay lang sa amin kung gusto namin. Ako, okey ako. So, titingnan natin."
Wala pang title ang pelikula nila ni Robin at hindi pa rin niya puwedeng i-reveal kung ano ang magiging role niya.
Excited na ba siya sa pelikula nila ni Robin?






Go Toni!!! Nandito lang kami para sa iyo!!! Gogogo!!!
I always make it on the first day of her movie which I never do with all other stars.
Just don't be so mataray na lang when scene calls for your being angry.
I have seen all of her movies. No wonder they are all box office hits. She also has good acting skills. I still have not seen Tanging Pamilya. Glad there is a DVD to watch. I will not miss it for the world. Go Toni. . .Our whole family love you.
at remind ko lng sau girl hindi porket mlapit ng mtapos ang PBB wla ng kasunod tulad ng sinabi ni tony praming season ang PBB and tke note after her PBB my movie pa sila ni ROBIN oh diba sikat na sikat na sya? saan? eh di sa ABS..hahahah
Go Toni! IDOL TALAGA! :D