Nagkaroon ng post-birthday celebration ang aktor na si Piolo Pascual para sa kanyang fans noong Wednesday, February 3, sa CCP Bay Complex Terminal sa Roxas Boulevard, Manila. Ito ay sponsored ng cable channel na Cinema One. Piolo turned 33 last January 12.
Hindi ito ang first time ni Piolo na mag-celebrate ng kanyang birthday sa piling ng kanyang mga tagahanga.
"This is my third birthday na kasama ko yung mga sumusuporta sa akin," sabi ni Piolo sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Sila-sila yung nag-o-organize ng birthday party ko, ng anniversary. But this is the first time I'm actually doing a cruise party with Cinema One.
"When they [Cinema One] asked me what I wanted for my birthday, they gave me different options. But I said, I've never done something like this. And it's a treat also para sa mga sumusuporta sa akin to make it more memorable and really special."
Sobrang thankful si Piolo sa suportang ibinibigay sa kanya ng Cinema One.
"Grabe ang support ng Cinema One sa akin. Eto, talagang bigla na lang may magti-text sa akin, 'Napanood kita sa Lagarista [Piolo's launching movie]. In every birthday month ko, the whole month, puro movies ko ang ipinapalabas sa Cinema One. So, nakakatuwa," saad ng hunky actor.
KC CONCEPCION. Noong January 12 ang exact birhthday ni Piolo. Paano siya nag-celebrate ang mismong araw ng kaarawan niya?
"Natulog lang the whole day!" tawa niya. "Kasi ano yun, e, katatapos ko lang ng taping ng Maalaala Mo Kaya, yung life story nina Ninoy at Cory [Aquino]. Nag-taping kami ng January 11, natapos kami ng morning na [next day]. So, pagdating ko ng bahay, ayun, itinulog ko lang siya. And wala... I just stayed home. Pero dun sa taping bale sinurprise nila ako, yung buong grupo, mga kabarkada ko, ng mga kapatid ko."
May birthday gift ba sa kanya ang nali-link sa kanyang si KC Concepcion?
"Siyempre. It's something special," maikling tugon ni Piolo.
Kasali ba si KC sa birthday wish niya?
"Opo!" sagot niya.
Sa paanong paraan?
"Well, secret!" natatawang sabi ni Piolo. "Basta sa akin na lang yun. Pero siyempre, kasama naman 'yan sa mga plano natin. So, sa akin po, pagpasensiyahan niyo na siguro. I just really wanna protect the kind of relationship we have because hindi naman din simpleng tao yung isa [KC]. Para hindi rin tayo mapahiya dun sa pamilya. And also, gusto ko lang talagang alagaan whatever we have."
Kumusta na nga ba ang panliligaw niya kay KC?






This issue is just being written but there is no specific instance that this was proven if anyone of u here cld support ur claim that he is gay sige ilabas nyo alam nyo but i doubt kasi puro kyo detractors ni PJ in favor of other actors...o bet!
I love you Piolo!
''HINDI PA NAIIMBENTO ANG SALITANG BABAGAY SA BABA AT URI NG PAGKATAO NYO''
HIndi tsismis ang sa akin, proven at reliable yung sa akin...BAYOT YAN, BAYOT!!!!
hanggang ngayong nga hindi parin lumalabas si princess sapphire.
mag-paaudition ka na lang sa wonder woman nag-hahanap pa sila ng mga amazon para may kabulohan naman.