Dinamdam nang husto ng Diamond Star na si Maricel Soriano ang pagkamatay ng kanyang ina na si Mrs. Linda Martinez noong nakaraang taon. Ito ang dahilan ng hindi niya pagpapakita sa publiko sa matagal na panahon.
Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Maricel sa taping ng bagong talent show ng GMA-7 at TAPE Inc. na Diz Iz It noong Huwebes, February 4, sa Cinema 3 ng SM Megamall. Si Maricel ang isa sa celebrity judges ng naturang talent show na ihu-host nina Bayani Agbayani, Ehra Madrigal, Grace Lee, at Sam YG (aka Shivaker). (CLICK HERE to read related story.)
MOMMY DEAREST. Bakas ang lungkot sa mga mata ni Maricel nang mapag-usapan ang pumanaw na ina dahil hindi pa rin madali para sa kanyang tanggapin ang katotohanang wala na ang kanyang nanay.
"Nakatanga... nakatulala," sambit niya. "Oo, naka-stare lang talaga ako. Merong isang buong araw na hindi ako nagsasalita. Tapos lahat ng naririnig ko, parang may kinalaman sa nangyari. Very close kasi ako sa mommy ko kaya nga tawag namin sa kanya 'Wonder Woman,' di ba? Ito yung makaka-relate ka sa mga nawawalan. Siyempre, we would always say, we understand, but do we feel na... it's different. Parang ganoon.
"Having said that, ang feeling ko, hindi mo basta sasabihin yung ano... Ang hirap ilabas yung nakikiramay ka nga. Basta ganoon lang. Ang hirap... 'Saka alam mo, parang ano, nandoon ka, pero wala ka doon. Masyadong ano... tulala. Yung, 'Ha, ano 'yon? Bakit?'
"Marami kang kuwestiyon, 'Bakit ganito?' Pero yung realidad na kung meron tayong faith... siyempre nagdarasal tayo, mahirap nga... Ang sabi nila, sa gitna ng pagsubok, ang hirap-hirap sa pagsabi ng thank you sa nangyayari. Ang hirap talaga nun. Dinaanan ko 'yon, e. Parang may question mark na paano ko ba sasabihin, pero sige na, thank you kung anuman ito. Ang hirap. Parang nag-hibernate talaga ako.
"Alam mo," patuloy ni Maricel, "what's nice, noong time na 'yon, yung mga anak ko [Marron and Sebastien], kasama ko palagi, as in nagkaroon kami ng bonding talaga. Ang haba nga, ang tagal kong nawala, di ba? I have to talk to my sons, parang I was there also, magkakaramay kami. Hindi yung nawala, tapos mawawala ka rin, hindi. Ang ganda. Every day pumapasok sa eskuwelahan, di ba? Siyempre, every day you have to give them the assurance na everything will be okay. Kumbaga, parang magko-comedy-comedy ka pa. Nakakatawa na nga kami. Dati, hindi kami tumatawa."
PROJECT WITH TV5. Kinumpirma naman ni Maricel ang balita na magkakaroon siya ng programa sa TV5, isang drama anthology na tatagal lamang ng isang buwan. Non-exclusive contract ang pinirmahan ng Diamond Star sa TV5.
Nilinaw ni Maricel sa PEP na hindi siya umalis o hinabol ng ABS-CBN dahil maayos daw ang kanilang pag-uusap.
"Alam mo, hindi naman umalis, parang we'll always be a Kapamilya. Nandito lang sa paligid, pero dumarating tayo sa punto na meron tayong changes na dadaanan sa life natin, kagaya ng nawalan ako ng nanay. Kasi biglaan 'yon talaga kaya ang hirap. Hindi ako nakakasalita. Nami-miss ko kasi nakakagulat... sobra," paliwanag niya.
Ikinagulat ni Maricel ang balita na lilipat din sa TV5 ang Comedy King na si Dolphy, ang kanyang tatay-tatayan sa showbiz.
Sinabi rin niya na welcome sa kanya ang gumawa ng pelikula na ipo-produce ng TV5, na nasa pamumuno na ngayon ni Manny V. Pangilinan.
MARYA IS IN LOVE. Naging masaya naman ang seryosong pakikipag-usap ng PEP kay Maricel nang mapunta ang topic sa kanyang lovelife.
Pinilit ni Maricel na iwasan ang mga tanong. Hindi niya inamin ang kumakalat na balita na isang tennis instructor ang kanyang kasalukuyang inspirasyon, pero masaya raw siya sa kanyang lovelife.
"Happy ako, something to that effect," nakangiti niyang sabi. "Basta ang importante... Yung part ng unang tanong, 'Happy ka ba?' Happy ako. Very happy... Something to that effect nga. What is important is happiness. If the person really makes you happy, regardless of kung anuman 'yan... Parang na-miss ko naman ang such a feeling na ito, ha!"






Para makabawi si Mega, movie with Gabby muna.
I really hope THE DIAMOND STAR will again do a movie. She's indeed one of THE most credible serious actresses Pinoy Film industry ever had. While it maybe true she did some sloppy comedy roles in the 80s which ironically became her endearing and legendary trademark as a comedienne, still Maricel is one of THE MOST respected female performers not just during her era but also perpetually. And yes most of her best films have also became classic.
I hope to see her again at sana sa PinoyTV because I'm a PinoyTV subscriber. ;0
Ilang beses narin bang ipinamuka sayo na hinding hindi gagawa ng movie ang idol mong si Sharon with Maricel. Why? Sharon said so when she was asked by Ariel Ureta. IINTRIGAHIN DAW. You see the, ganyan ba ang tunay na aktres? What about Maricel? Sabi ni Maricel, NAMAN when she was asked by Wenn Deramas in an interview.
Bakit natatakot si Sharon na makasama ang Diamond Star? Dahil yun na ang katapusan ng mga Sharonians sa pagsabi na mas magaling si Sharon compared to Maricel. Sa totoo lang itanong nyo sa ibang fans other than Sharonians kung sino kay Maria at Sharon ang mas magaling, at mangungulelat si Sharon.
Just look at their filmography!
Alam mo walang naninira kay Sharon dito. Sa totoo lang kayong mga Sharonians ang masama ang ugali at panay ang paninira kay Maricel ng walang halong facts. Ang mga Maricelians kung magsalita man ay may halong proof. For example si Sharon ang sinabihng JOKE in the industry nung mapasama sa 15 Best Actress of All Time. Si Sharon din ang kaisa isang aktres na Na-BOOOO not once, but twice in 1984 and 1985 for beating Nora, Vilma, and Maricel. Tapos nalaman na may envelope na pinamigay ang late VIVA Madam na asawa ni Vic Del Rosario.
That's the truth amp; it hurts. Walang kang magagawa. Nakasulat na sa history ng Phil Cinema na si Sharon Cuneta ang artistang HAM ACTRESS at BUMIBILI NG AWARDS. Kamusta ang pagkain sa PBB?
Nasasaktan po ako pagnakakabasa ng mga naninira sa aking idolong si MS SHARON CUNETA... Alam nyo po mga Maricelians kung ano po ang narating ng ating mga idolo na sila SHARON at MARICEL ay dahil sa HARDWORK,SMARTWORK at GRACE Of GOD ika nga ni MS VILMA... Parehas silang magaling,parehas silang maraming awards... Kaya kong ipaglaban ang MEGASTAR sa inyo..kaso ano mapapala ko?! Kahit po papano e may pinag aralan ako... i just wish na sana magkasama sila MARICEL at SHARON sa isang movie to help the film industry...
ANG SA AKIN LAMANG... TAMA na ang BANGAYAN... Gud DAY
ACTING MOMENTS IN PHILIPPINE MOVIES
By Patrick Flores
Still, the body and the process of embodiment of emotion are key to the appreciation of certain tendencies in acting. We now list random schools of thought in Philippine acting, with body parts as locus of action and source of idiosyncratic flair.
1. The gigil school which demands high energy, intensity and stamina in gesticulation as gleaned in the heavygoing styles of Vilma Santos, Charito Solis, Coney Reyes, and Maricel Soriano
2. The dibdib school which plumbs the depths of repression to flesh out violation of the darkest kind as exemplified by Nora Aunor, Gina Alajar, and Nida Blanca
3. The bukas palad-tahip school which allows the actress to compensate lack of facial acting with the repetitive up-and-down movement of arms as if in winnowing motion as best typified by Dina Bonnevie, Gretchen Barretto, and Sharon Cuneta
Kaya pwede ba bago ka makipagdebate kung sino kina Maricel Soriano or Sharon Cuneta ang mas magaling... alamin mo muna ang tamang acting at mag research research ka. Mas mainam na panoorin mo ang mga classic films nina Gloria, Nida, Lolita, Charito, Nora, Vilma, Hilda, Jacklyn Jose, and Maricel Soriano. You will see na sobrang HAM actress ni Sharon.
Sharon Cuneta's filmography fails big time! Sa lahat ng movie queens kuno, si Sharon Cuneta lang naman po ang nasabihang JOKE IN THE INDUSTRY because dahil sya lang naman ham actress among the queens.
Kaya pwede ba...lahat ng younger generations gustong gayahin ang estilo ng pag-arte nina Nora, Vilma, and Maricel. Sige hala magbilangan tayo ng artista na gusto si Maria pagdating sa acting compared to Sharon. Lahat ng co-stars ni Maricel very thankful sa kanya dahil sa mga tips sa pagarte, pero kay Sharon WALA!
Ano Si Sharon Cuneta subdued ang acting??? Excuse me pero the right term is MALAMYANG ACTING. kaya nga she was in the league of Gretchen and Dina B. when it comes to acting category according to UP Critics na may pahampas hampas ng kamay to compensate lack of facial expression. She's so NOT quot;Noraquot; or quot;Lolitaquot; who are masters in subdued acting.
Kaya pwede ba bago ka makipagdebate alamin mo ang tamang acting at mag research research ka. Mas mainan n
Showbiz is so incomplete without the Diamond Star!
HAIL TO THE QUEEN!
Network pa ang pasimuno, ewan!