Ryza Cenon changes her image in Gumapang Ka Sa Lusak

Rose Garcia
Sunday, February 07, 2010 @ 03:36PM  |  14052 views

Ryza Cenon plays a mean girl for the first time in Gumapang Ka Sa Lusak. But co-stars tease that she'll need to be more convincing: "Kapag sila raw ang inaway ko, tatawa lang sila," says Ryza.

Photo By: Noel Orsal













For the first time, gaganap si Ryza Cenon na isang kontrabida. Ito'y para sa Gumapang Ka Sa Lusak  ng GMA-7 na magsisimula nang mapanood sa Lunes, February 8.

 

"Ako rito si Apples.  Kontrabida 'ko dahil nagagalit ako kay Vanness [del Moral], kapatid ni Jennylyn Mercado.  E, magkakagusto sa kanya si Mart Escudero at yung role ko, sobrang obsessed kay Mart."

Naninibago pa sa ganitong role si Ryza, na huling nakita sa Rosalinda.

"Hindi ko pa alam kung paano siya atakihin. Minsan, ginagaya ko si Chynna [Ortaleza]... Once na magkakasama kami, ginagaya ko ang lines niya, tinatawanan nila 'ko ni LJ [Reyes]. Sinasabi nila, 'Hindi bagay sa 'yo ang kontrabida, nakakatawa ka lang.' Parang kapag sila raw ang inaway ko, tatawa lang sila," natatawang kuwento ni Ryza.

CHANGE OF IMAGE. Pero lalo lang daw siyang na-challenge dahil bilang artista, kailangan niyang ipakita ang versatility niya.

"Siyempre po, trabaho rin po.  At saka, ang hirap naman pong tumanggi baka magtampo ang work sa akin."

Simula na ba ito ng change of image niya?

"Puwede rin... kung kakagatin ng tao ang pagiging kontrabida ko. Pero kung hindi, I think, balik ako sa dati.  Ako naman po, okey lang. At least, bagong makikita nila sa akin.  At saka ang role ko naman rito, hindi ganun kasobrang kontrabida. Parang mean girl lang, brat, ganun lang siya. Hindi naman yung tipong kakasuklaman na."

Pero may mga dream roles siya talaga.

"Gusto ko nga pong gawin yung may mga sakit, baliw, mas gusto ko pa yung ganun. Mas ready ako sa ganun. Mas natsa-challenge ako."

LOVE TRIANGLE. Nagkaroon ng panahon na naintriga sila nang husto ni Jennylyn over Mark Herras.  Ngayong pinagsama sila sa isang serye, kumusta na sila?

"Okey naman kami, e.  Civil lang.  Kumbaga, work-work lang... okey naman kami," sagot niya.

Simula nang intrigang iyon, hindi na sila naging close.

"Hindi na," nakangiti namang pag-amin ni Ryza.  "Pero actually, halos noong storycon ko na lang din siya nakita."

Noong malaman niyang si Jennylyn ang bida sa Gumapang, ano ang naging reaction niya?

"Okey lang, trabaho naman kasi. Napaka-unprofessional ko naman kung tatanggihan ko dahil lang sa ganun, di ba? Pangit naman yun."

1  2  Next »

Related Articles

32 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name