Sinagot din ito ni Aling Tess. Aniya, "Sinasaktan mo si Charice. Alam mo 'yan, anak. Maging si Concoy alam 'yan."
Ayon naman kay Mommy Racquel, napilitan daw siyang magsalita ngayon dahil pati ang pangalan ng American TV host na si Oprah Winfrey ay nadadamay na sa isyu. Na kesyo nagtangka raw silang hingan ito ng pera pagkatapos ng bagyong Ondoy. Si Oprah ang tumulong kay Charice na makilala sa international scene sa pagbibigay ng break sa kanya.
"Hindi po kayo basta-basta makakalapit kay Oprah or kahit sa opisina niya ng kahit sinong tao lang dun kung hindi dadaan sa mga security. Kaya ako, common sense na lang po yung pagbibigay ko ng letter na ano, sa lalake na humihingi ng donation, wala pong katotohanan yun," diin ng ina ni Charice.
Itinanggi rin ni Mommy Racquel na pinabayaan niya ang kanyang mga magulang.
"Umalis sila sa apartment. Kaya ho nagbitiw ako na kung hindi kayo babalik, hindi ko itutuloy ang sustento niyo," sabi niya.
Pero ayon naman sa lola ni Charice, "Halos pati bakod ginawang panggatong. Nagsasaing sila Racquel sa maliit na lata ng gatas."
Sa puntong ito ay umiyak na ang lola ni Charice sa pagsasabing, "Bakit mo inapi ang pamilya mo? Samantalang nagpapakahirap ako sa malayong lugar. Tapos gagawin mo akong masama. Anak, wala akong ginawa. Ikaw, Obet, tumigil ka!"
Tinanong naman kay Mommy Racquel kung wala ba talagang nagko-control o nagma-manipulate sa kanilang mag-ina?
"Wala po. Dahil matalino po ako pagdating sa pera," sagot ng ina ni Charice.
Nagbigay rin ng mensahe sina Mommy Racquel at Aling Tess sa isa't isa.
Aling Tess: "Hindi ba kayo nakokonsensiya? Wala ka bang konsensiya, Racquel? Nagpapasarap ka. Nagpapasarap lahat ng tao na nasa paligid mo. Samantalang nanay mo, tatay mo, nakatapon dito sa malayong lugar, ibang tao ang nagmamalasakit?"
Mommy Racquel: "Sa nanay ko po, sana po maging masaya siya. Sana po bigyan niyo na rin ako ng laya dahil kung tutuusin, kung gusto ko man po na kumuha ng boyfriend or makakasama, may sarili po akong pag-iisip."
Aling Tess: "Kung matututo ka, ipaglaban mo ang tamang katwiran na nangyayari sa pamilya mo. Yun ang gusto ko. Mahal na mahal kita, Charice."
CHARICE SPEAKS UP. Nakausap din ng The Buzz si Charice at sinabi nito kung ano ang saloobin niya sa nangyayaring gusot sa pagitan ng kanyang ina at ng kanyang lola.
"Sana po maayos na ang lahat. And ma-realize niyo po na ang lahat ng ginagawa namin, para sa inyo. And ma-realize niyo sana na kung nasasaktan man kayo, mas nasasaktan po kami," saad niya.






charice's mother and grandmother have a long, fractured history together kaya malalim ang ugat ng hidwaan nila. however, the grandmother knew na affected kahit papaano si charice by airing their dirty laundry, and she went ahead anyway.
Si mommy racquel ay acting as her personal assistant. Charice is the head of her business. Huwag natin i-under-estimate si Charice. She know what she is doing. Probably she had talked to both of them, and will take care of her lola, and no more words will hopefully come out from lola and mommy raquel.
there's a saying honor your father and your mother,learn how to forgive people no matter how hard it is. IF Racquels mother not at her best to raise her and please show your mother at least how good a daughter you're, IF you're a good daughter?
I am very proud of charice. That is really a family matter. It should not out thier in the media. What can i say is that. Charice mom and grandma don't have any good relationship at all. you cannot tell that grandparent don't have any support from charice. but it's not enough for lola. to lola of charice please stop doing pa-guelty epek. seguro tinatamasa na ngayon ang tagumpay nila dahil seguro din hindi maganda enough ang pagtrato nyo sa anak nyo nanay ni charice naghirap din sila. so, kung ano lang ang ibibigay nila sayo lola eh yon lang po. kayo po sana ang mag-bigay sa kanila. mag-pakabait sana kayo sa kanila para bigyan kayo ng malaki. at sana mahiya kayo dahil minor lang si charice pero nag trabaho nah.
sa US may SSS pension, medicare or welfare kaya ang matanda hindi kailangan umasa sa anak. at saka mag-iipon sila for retirement, uunahin pa nila yun kaysa pag-aralin ang anak sa kolehiyo.
sa pinas, walang tulong ang gobyerno, kaya maraming matatanda na nagtitinda pa ng kamatis or anuman na pwedeng pagkakitaan para lang may makain, yung anak nila pag-aaralin kahit na isangla ang bahay, or mag-DH makapag-aral lang ang anak. walang tinitirang pera para sa sarili, ganyan ka-dakila ang magulang sa pinas. Sabi nga bahala na ang diyos.
Kaya, hindi nga obligasyon ng anak na tulungan ang magulang pero mahirap tiisin ang magulang lalo na kung nag-hihirap sila, tao tayo may puso at damdamin, hindi tayo -----
ewan ko ba bakit ganito talaga tayong mga pinoy! tatak na yan....hingi ng hingi eheheh sige lang basta meron..pero meron akong sinusunod na patakaran na pansarili...hindi ako nagpapautang..yan eh hanggat kaya ko hindi ako nagpapautang INSTEAD, magbibigay na lang ako..dahil once nagbigay ako hindi ko na un aasahan na babayaran pa ako..kasi kapag utang ang aking ibibigay, AT HINDI AKO binayaran sa aming pinag usapan, malamang sasama ang loob ko at baka mag away pa kami. So, no to utang but yes to hingi... hanggat meron ako maibibigay.
Canada na, ay walang patutunguhan. On and off ang jobs nila at palaging hiwalay sa mga asawa. Lagi pang nagaaway. Sila sila rin pag lasing na.
Exactly, kaya dapat na nag-iipon din si Charice, at hindi yong bigay na lang ng bigay sa mga kamag-anak. Who will take care of Charice pag wala na siyang trabaho sa showbiz? Lola niya? I doubt it.
Ang apartment na binanggit ni Rachel, iyon ay investment ba niya mula sa kinita ni Charice? I would think so. So ang may-ari talaga ng apartment na iyon, ay si Charice. Libreng nakatira si Lola Tess Relucio sa apartment na iyon, di ba? Di pa ba tulong iyon, na libreng tirahan? May iba pa bang rental income sa apartment complex na iyon? Ang kita ba naman ay napupunta rin kay Lola Tess Relucio, o collected ba iyon, at ni re remit kay Charice? Dapat, part of the income from the other rental units ng apartment complex na iyon, na re-remit kay Charice, o napupunta sa isang account, to be used for maintenance of the apartment units, at iyong kita, siguro naman napupunta na kay Lol
kung lahat ba naman, ay iaasa lang sa sarili ang kinabukasan, e di dami sanang Pinoy ang asensado. dapat, a person should work as if everything depended on him alone, and pray as if everything depended on God. Hindi iyong trabaho ng konti, tapos ipagdasal na lang na may maaawa rin sa iyo, BAHALA NA ANG DIYOS. Ang tulong po, voluntary iyan. Hindi po iyan pinipilit. Kung ayaw magbigay, bastusin mo man ng harapan, di mo pa rin mapipilit.
hindi po obigasyon ni Charice na suportahan ang lola nya.
Ang ugali ng mommy ni Charice, ay isang paninindigan sa sarili nila. Dapat ang mga Pinoy, ay mamulat na ang mata, na huwag masyadong iasa sa iba, kahit na kapatid pa, o nanay o anak, ang kinabukasan. Maging self-sufficient po sana tayo. Mag-ipon para sa sariling kinabukasan. Huwag anak ng anak. Kung may tulong na darating, thank you. Kung wala, hindi obligasyon ng iba iyon na tumulong, kahit na anak o kapatid pa siya. Kung gustong maghanap ng bf ni Mommy ni Charice, bakit ang hindi. Paki alam ng lola ni Charice roon, menor de edad ba naman si Rachel?