Jake Cuenca's new billboard for Bench (inset) attracted not just the attention of the motorists, but controversies as well. "There's really some stuff na naa-appreciate ng tao, merong hindi. So, hindi na namin hawak yun bilang artista," says Jake Cuenca.

Photo: Noel Orsal

Makikita na ngayon sa kahabaan ng EDSA ang mga bagong billboards ni Jake Cuenca kung saan ang tanging suot niya ay briefs.

It's not Jake's first time to pose sexy for an ad campaign, pero mukhang ang present billboard niya ang nakapukaw ng maraming puna—both positive and negative.

"Ang sa akin kasi, noong in-offer ng Bench ang campaign na 'yan, it was a dream come true. Kumbaga, ginawa ni Richard Gomez 'yan dati, ginawa ni Jomari Yllana, Wendell Ramos, at marami pang iba. Para mabigyan ako ng oportunidad na mabigyan ako ng billboard na ganun, na makagawa ako ng campaign na ganun, for me, it's a dream come true.

"Ang sa akin naman, siyempre mahal na mahal ko ang Bench. Ang laki ng utang na loob ko sa Bench at kung hindi dahil sa Bench, wala rin ako rito kung nasaan ako ngayon. So, noong ibinigay sa akin ang campaign na 'yan, it's something I'm really proud of," sabi ni Jake sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Hindi rin daw nagdalawang-isip si Jake noong inalok sa kanya na gawin ang ad campaign.

"Noong nasa meeting kami, ang unang-unang pumasok sa akin, 'Wow, parang sila Goma 'yan, a, parang sila Wendell Ramos 'yan!' At the same time, it wasn't my first time. I did underwear [ads] before at kaya rin naman ako napansin. So, pinaghirapan ko talaga ang campaign na yun. Unang-una, Bench yun. Pangalawa, second coming ko sa underwear yun at talagang pinaghirapan ko talaga," sabi niya.

Kung gaano ka-proud si Jake sa naging resulta ng pagpapaganda niya ng katawan, na evident naman sa kanyang billboards, tila kabaligtaran naman ang pananaw ng ilang sector, partikular na ang isang babaeng pulitiko na tahasang sinasabing dapat tanggalin ang mga naturang billboard dahil nagiging distraction ito sa mga dumadaan sa EDSA.

Ano ang masasabi ni Jake dito?

"Well, nabalitaan ko nga ang tsismis na yun. Pero for me naman, like what I said a while ago, for me, that campaign was a blessing. It's something na talagang pinaghirapan ko. Siyempre, may ibang mga tao na hindi magkakagusto sa billboard. Pero siguro naman, it's not for me to decide. Kapag sinabi sa akin na, 'Ito ang kailangan mong gawin, Jake,' gagawin ko 'yan the best way that I can, 100 percent."

Pero personally, nakikita niya bang dapat gawing controversial issue ang billboards niya ng ilang pulitiko?

"Sa akin naman, it's not up to me to decide. It's really up to Bench. I respect naman their decision kung hindi nila gusto. Sa tingin nila yun, e. Pero ang sa akin, at the end of the day, makita ko lang yun na nakatayo, I'm proud, I'm happy. And I have no regrets doing the pictorial or whatsoever."

Sasama ba ang loob niya kung sakaling tanggalin ang mga ito?

"Siyempre, masakit yun. Pinaghirapan ko yun, e. Kumbaga, noong sinabi sa akin na gagawin ko yun, pinaghirapan ko talaga yun. With or without taping, nag-workout ako. Siyempre, masakit, pero it's not up to me to decide. It's up to the politician and Bench to decide. Basta ang sa akin, I just hope na na-represent ko ang Bench," sabi niya.

Sa kabilang banda, nagpasalamat si Jake sa mga nakaka-appreciate ng billboard niya.