"Kumbaga, hindi kami yung bitter sa isa't isa. Hindi kami yung dedmahan. As in, we're really, really good friends na pumupunta pa rin ako sa bahay nila. Kasi, dinadalaw ko pa rin ang family niya basta walang trabaho," says Kaye Abad about Chito Miranda. So, are they still together or not?

Photo: Nerisa Almo

Malaki ang pasasalamat ni Kaye Abad sa Precious Hearts Romances series dahil nabigyan ng second wind ang kanyang showbiz career. May ilang taon din siyang namahinga, pero ngayon ay sunud-sunod na ulit ang projects na ginagawa niya sa ABS-CBN.

Kaye is now part of the new primetime series Rubi. Bagamat halos hindi nagkakalayo ang age nila ni Angelica Panganiban, who plays the title character, gaganap siya bilang tita ni Angel sa teleseryeng ito. Wala naman daw problema kay Kaye ito.

"Kapatid ko kasi si Ms. Cherry Pie Picache dito at si Ms. Pie, anak niya si Angel kaya tita-titahan ako ni Angel. Pero Ate lang naman ang tawag niya sa akin at hindi Tita!" natatawang kuwento niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Dugtong pa ni Kaye, "At bilang maliit ako kay Angel, effort talaga na dapat mas mukhang mas matanda ako kay Angel. Magmumukha talaga akong tita ni Angel at challenge [ito] dahil si Ms. Pie, kasama mo, and si Angel, magaling din na artista."

Mabait daw ang character niya sa serye kaya sabi namin sa kanya, parang walang pinagkaiba sa mga roles niya during Tabing Ilog days.

"Hindi naman!" natatawa sagot ni Kaye. "Challenge pa rin siya bilang si Angel nga ay bida-kontrabida rito. So, ako yung parang konsiyensiya niya. At saka natutuwa ako na nabigyan ako ng ganitong klase ng series. Na-practice akong muli sa mga Precious Hearts na pinagdaanan ko.

"And this time, kumbaga, na-prepare ako ulit for this. Primetime ulit, so yun. At saka dalawa ang partner ko rito—sina Wowie de Guzman at James Blanco. Naman, hindi ako papatalo kay Rubi!" biro pa niya.

GUJI LORENZANA. Bumalik din si Kaye sa loveteam genre dahil nagkaroon ng following ang tandem nila ni Guji Lorenzana na nabuo sa Precious Hearts Romances. So far, wala pa raw siyang alam about their follow-up project.

Aniya, "Sana meron, para matuwa rin naman ang mga fans. Meron naman kami yung mga out-of-town shows. So, sa ngayon, yun muna."

Diretsahan naming tinanong si Kaye kung ano na ba talaga ang status ng relationship nila ni Guji? May ilang blind item kasi na tila sila ang tinutukoy at sinasabing sobra raw kung mag-PDA (public display of affection).

"Ganun? Hindi... kasi, sobrang close lang. Naging close nga kami rito sa Somewhere in My Heart at yun lang. Si Guji rin kasi, mabilis ma-misinterpret ng mga tao dahil malambing talaga siya sa lahat. Kahit sa mga fans, very touchy, yakap. So, what more siyempre sa mga katrabaho niya? So, siguro nami-misinterpret lang talaga," paliwanag ng aktres.

Is she falling for Guji?

"Bilis! Ganun kabilis?" bulalas niya. "Magkaibigan lang kami ngayon. Kumbaga, huwag muna."

Pero nanliligaw ba sa kanya si Guji?