Francine Prieto tries to keep strong as mom battles ovarian cancer


 
"Kapag sinasabi nilang ipinagdarasal nila si Mommy, natutuwa na 'ko nun.  Kasi, sabi ko, baka mam'ya mas malakas sila sa Diyos. Kung ako hindi pakinggan, baka sila pakinggan, di ba?" said the former Bubble Gang mainstay, who has just finished her first indie film, Pitas.
 

Francine Prieto tries to keep strong as mom battles ovarian cancer

Rose Garcia

Rating

Late na dumating si Francine Prieto sa ipinatawag na press conference para sa indie movie na Pitas sa Puti Bar along Timog Avenue kaninang tanghali, February 13. Humingi agad ito ng paumanhin dahil nanggaling pa raw siya sa Cardinal Santos Medical Center kunsaan ay kasalukuyang naka-confine ang kanyang ina, si Ms. Amy  Falcon, na stage 3 na ang ovarian cancer.

 

Hindi maitago ang lungkot sa mga mata ni Francine. Kababatid lang niya kanina mula sa doktor ang present condition ng ina. Hindi niya napigilan ang maluha habang ikinukuwento ang pinagdadaanan nilang magpamilya ngayon.

 

"Nag-spread na nga raw sa lungs," simulang pahayag ni Francine. "Ni-reasearch ko, parang ganun nga raw ang nangyayari. Di ba, ang cancer naman, traydor talaga 'yan. Kapag sinabing cured ka na, hindi ka talaga 100 percent cured, babalik at babalik 'yan.

 

"Nagkataon lang na yung sa mommy ko, ang bilis bumalik. December last year lang kasi ang last chemo niya, e. At last year lang din ng May namin nalaman na meron pala siyang ovarian cancer na stage 3 na. Ang ginawa namin, nagpa-chemo muna kami ng tatlong beses para lumiit yung bukol... Noong lumiit na ang bukol, saka siya inoperahan. Tinanggal yung mga bukol, ovary, fallopian tubes, pero may mga nakita na ang doctor na may maliliit na bukol na nakakalat na sa diaphragm. Wala lang yata sa kidney, kaya parang safe naman.

 

"Kaso, kailangan pa niyang mag-chemo ng anim pa at natapos na niya yung sixth chemo last December. Pero bigla na lang, last Sunday, nagpatakbo siya sa hospital... Yun pala, nalaman, may fluid ang lungs niya."

 

PAINFUL PROCEDURE. Naging mahirap daw para sa kanyang ina ang proseso ng pagtanggal ng tubig sa baga.

 

"Ang pagtanggal pala, tinutusok ang likod mo. Sabi nga ng doktora, ano pala, skin pa lang ng fats, hindi na niya kinakaya. Kaya pala, may mga cancer cells na yun ang natatamaan kaya sobrang sakit. E, hindi puwedeng itodo yung anaesthesia.

 

"Tapos the other day, tiniis talaga ni Mommy. Dapat nga raw 15 minutes lang ang procedure. Umabot ng almost two hours sila... Kailangan din niyang mag-chemotherapy, pero mas mahal na siya."

 

Ngayong araw ang pag-discharge ng mommy niya sa hospital. Sinabihan niya ang mommy niya na pag-uwi, huwag munang mag-isip at mag-relax na lang muna.

 

EXPENSIVE TREATMENTS. May mga options daw na ibinigay sa kanila ang doctor na puwede nilang gawin, pero halos lahat daw ng options ay nagre-require ng malalaking halaga.

 

"May apat na klaseng gamot... May isang gamot, four sessions lang yun, pero P120,000 yun per session... Yung isa naman, anim na session, nasa P50,000. Pero mga gamot pa lang yun, wala pa ang doctor. Tapos, merong isa... P40,000 pero limang araw ka dapat na nasa hospital at babagsak daw talaga ang immune system mo at white blood cells.

 

"May isa pa raw, oral. Sa U.S. at Europe, ginagawa na raw. Pero dito, parang magiging experimental pa lang. Okey raw yun sa lungs. Pero dahil may ovarian din si Mommy, hindi rin sigurado. Tapos, ayaw na rin niya ng IV [intravenous] dahil nahihirapan na siya, wala na siyang ugat. Patay na lahat ng mga ugat niya."

 

DEPRESSED. Aware raw ang mommy niya sa condition niya kung kaya't mas lalo raw itong nade-depress.

 

"Alam niya kaya nga mas lalo siyang iiyak. May ino-offer nga na raket sa akin ngayong gabi, pero gusto ko mang tanggapin yung raket, e, ngayon siya lalabas. Kailangan ako ng mommy ko. The more na kailangan niya ng suporta. Yung depression, mas mahirap yun."

 

Dugtong pa ni Francine "Kaya ako nalulungkot din kasi nakikita ko ang mommy ko, hindi siya ready. Unlike yung daddy ko noon, namatay naman siya sa colon cancer. Ganyan din, na-hospital din. Pero nakikita ko sa daddy ko before, ready siya. Sinasabi pa nga niya na, 'Ayokong ililibing niyo 'ko sa lupa. Gusto ko, ike-cremate niyo 'ko.' Si Mommy, hindi e..."

 

Fiffty-four years old pa lang ang mommy niya at sa palagay ni Francine, ang iniisip nito ay silang mga anak niya. Wala pa silang mga kani-kanyang pamilya at hindi pa talaga masasabing stable.

 

BREADWINNER. Si Francine ang breadwinner sa kanila. May bahay pa siyang hinuhulugan.

 

"Sabi ko nga, parang tukso. Kung kailan pa naman wala akong work sa ngayon, 'saka pa naman dumating 'to. Siyempre, yung ipon, mauubos nang mauubos. Sabi ko nga, ewan ko, bahala na."

 

Pero, positibo raw ang outlook niya sa taong ito sa kabila ng mga pangyayari last year.

 

"Sa totoo lang, hopeful ako sa 2010. Kasi, feeling ko talaga, magiging okey talaga ang 2010. Pero yun nga, parang ine-expect mo, February 14, 2010 na, pero heto, biglang nasa hospital pa rin ang nanay ko."

 


Join us on Facebook


Pages: 1  2  Next »

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
36 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement