Francine Prieto tries to keep strong as mom battles ovarian cancer

Rose Garcia
Saturday, February 13, 2010 @ 11:03PM  |  73 views

 

"Kapag sinasabi nilang ipinagdarasal nila si Mommy, natutuwa na 'ko nun.  Kasi, sabi ko, baka mam'ya mas malakas sila sa Diyos. Kung ako hindi pakinggan, baka sila pakinggan, di ba?" said the former Bubble Gang mainstay, who has just finished her first indie film, Pitas.

 

Photo By: Noel Orsal













Fiffty-four years old pa lang ang mommy niya at sa palagay ni Francine, ang iniisip nito ay silang mga anak niya. Wala pa silang mga kani-kanyang pamilya at hindi pa talaga masasabing stable.

BREADWINNER. Si Francine ang breadwinner sa kanila. May bahay pa siyang hinuhulugan.

"Sabi ko nga, parang tukso. Kung kailan pa naman wala akong work sa ngayon, 'saka pa naman dumating 'to. Siyempre, yung ipon, mauubos nang mauubos. Sabi ko nga, ewan ko, bahala na."

Pero, positibo raw ang outlook niya sa taong ito sa kabila ng mga pangyayari last year.

"Sa totoo lang, hopeful ako sa 2010. Kasi, feeling ko talaga, magiging okey talaga ang 2010. Pero yun nga, parang ine-expect mo, February 14, 2010 na, pero heto, biglang nasa hospital pa rin ang nanay ko."

Kuwento pa ni Francine, "Tapos yun nga, habang papunta sila ng Cardinal dahil nagmamadali ngang mag-drive para sa mommy ko, may nabangga siya. So, dinala rin sa emergency room. Binayaran din. So, sana para na kay mommy yun."

MORAL SUPPORT. Meron ba siyang mga taong napagkukuhanan ng suporta?

"Hindi kami humihingi ng tulong, pero merong mga kusang nagbibigay.  Siyempre, naa-appreciate namin yung ganun. Pero kahit moral support lang. Kapag sinasabi nilang ipinagdarasal nila si Mommy, natutuwa na 'ko nun. Kasi, sabi ko, baka mam'ya mas malakas sila sa Diyos. Kung ako hindi pakinggan, baka sila pakinggan, di ba?"

Francine's last regular shows at GMA-7 were Bubble Gang and Darna. Pero around November of last year ay umalis na siya sa Bubble Gang.

"Mahal ko yung show. Mahal ko yung mga kasamahan kong artista. Pero, may personal issues lang sa ibang staff. Ang hirap din... matagal na rin kasi. Parang may mga taong hindi mo makasundo. Ang hirap magtrabaho sa ganun.  So, ako nga, tinatanggal ko na yung mga nagiging stress ko.

"So, para maging masaya na lang.  Ang hirap kasi, e, kahit sabihin mong artista ka, hindi mo naman maiaarte yun kapag totoong buhay na.  So, ako na ang umalis."

May panghihinayang ba siya na umalis siya sa Bubble Gang kunsaan matagal din siyang naging mainstay?

"Hindi... alam ko na malaking bagay na nawala ako dahil, siyempre, sayang. Lalo na may naka-loan akong bahay. Sayang... pero sa akin kasi, hindi ako makakapagtrabaho nang maayos naman kapag ganun."

READY TO WORK. Sa ngayon, wala na raw siyang exclusive contract sa GMA-7. Puwede na raw siyang magtrabaho kahit saan. Birong-totoo pa niya, kahit pa nga raw sa Dating Daan station, puwede na rin siya.

"Honestly, kahit saan puwede na ako. Hindi rin naman ako mapili sa role. Ang limitation ko lang, huwag lang sa tubig dahil hindi ako marunong lumangoy. Nagpa-panic ako sa tubig. Pero kahit ibitin mo 'ko, walang problema."

« Prev  1  2  3  Next »

Related Articles

36 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name