"Natutuwa ako kay Papa kasi, noong habang nandito pa siya, siya yung nag-ayos ng lahat na maging okey ang buong family. Sabi niya sa akin, may sakit na siya nun, 'I want you and Mama to be best friends.' Tapos noong naging okey naman, nawala si Papa. Hindi man lang niya na-enjoy yung naayos na," Lian reminisces about Renato Soru Contis, the father of live-in partner Paolo.

 

Photo: Noel Orsal

Naging madamdamin ang pamamaalam ng pamilya ni Paolo Contis sa kanilang ama na si Renato Soru Contis noong Martes, February 9, sa Arlington Funeral Homes.

Mr. Contis was cremated four days after binawian ito ng buhay. Isa sa talagang nalungkot sa pangyayari ay si Lian Paz na naging malapit sa ama ng live-in partner na si Paolo. At kahit nga any day now ay puwede na siyang manganak, magdamag daw itong naglamay araw-araw sa burol.

Sa panayam ng Startalk  kay Lian during the cremation, ibinahagi niya ang kanyang nararamdaman sa pagpanaw ng ama ni Paolo.

Aniya, "Kanina, pinilit kong huwag maiyak. Kasi, sabi nga ni Pao, baka hindi niya matapos ang message niya kay Papa. Noong babasahin niya ang eulogy, ipapabasa niya raw sa akin.  E, nauna pa ako sa kanyang umiyak.

"Kasi napi-feel ko yung pain na sayang... sana nagkasama pa kami nang mas matagal. Sana naabutan muna ni Papa... If ever na makita niya yung baby namin, baka sakali lumakas pa siya, kayanin pa niya yung sakit niya.  Kasi last week of February or first week of March yung due ko."

FAMILY HEALER. Aminado naman si Lian na mas nauna siyang napalapit sa ama ni Paolo kaysa sa ina nito.  In fact, ang daddy daw ni Paolo ang gumawa ng paraan para magkaayos din sila.

"Natutuwa ako kay Papa kasi, noong habang nandito pa siya, siya yung nag-ayos ng lahat na maging okey ang buong family. Yun ang gusto niya talaga.  Sabi nga niya sa akin, may sakit na siya nun, parang, 'I want you and Mama to be best friends. Sana maging okey ang family.'

"Tapos noong naging okey naman, nawala si Papa. Parang ang hirap kasi, hindi man lang niya na-enjoy kung ano yung naayos na."

Tinanong din ng Startalk si Lian kung napag-usapan na ba nila ni Paolo kung ano ang plano nila ngayong mag-isa na lang sa bahay ang mama ni Paolo.

"Oo... nagbibiro-biro nga si Mama na kahit kanino, magpapaampon na raw siya. Gusto na raw niyang magpaampon. E, okey naman. Mahirap din naman ang mag-isa si Mama.  Baka masyadong malungkot, ma-depressed, magkasakit din. So, kami ni Pao, willing kami na dun muna kami, if ever, kay Mama.

"Hanggang sa manganak ako, malilibang siya."