Ynna Asistio says her mom already has an agreement with Mark Herras

Rose Garcia
Monday, February 15, 2010 @ 04:52PM  |  42 views

 

"Simula pa lang po kasi, may pinag-uusapan na si Mommy at saka si Mark. So ako, wala naman po akong alam dun at nirerespeto ko kung anuman ang pinag-uusapan nila. Actually, nagpupunta si Mark sa bahay nang hindi ko alam. Nagsasama sila ni Mommy. At saka hindi lang naman kasi ako ang kabarkada ni Mark, pati mga kapatid ko," says Ynna Asistio.

Photo By: Noel Orsal













May bagong segment si John "Sweet" Lapus sa Showbiz Central. Ito ang "Sweet Talk" kung saan may kasama siyang tatlong "echoserang frogs" kung tawagin. At sa unang salvo ng "Sweet Talk" kahapon, February 14, ang young actress na si Ynna Asistio ang kanilang live guest.

Rumor has it that Yna and Mark Herras are already playing sweet music together. Pagkatapos nga raw ng halos dalawang taong panunuyo ni Mark kay Ynna, may balitang "honey" na ang tawagan nila sa isa't isa. Maging sa Facebook accounts daw nila ay "married" na ang mababasang status nina Mark at Yna.

Nanliligaw na nga ba si Mark kay Ynna?

"Yun nga po, wala naman po kasing formal na sinasabi si Mark. So for me po, yung mga ganyang questions, mas maganda kung kay Mark natin tanungin. Ang pangit naman po na ako ang babae, ako ang sasagot nun," pag-iwas ng dalaga.

Sa prangkahang usapan, "mag-syota" na ba sila?

"Hindi po," nakangiting sagot ni Ynna.

Ayon naman sa mga "echoserang frogs" ni Sweet, echosera raw si Ynna sa sagot nito. Kaya hamon naman ng dalaga, may alam daw ba ang mga ito.  Dun nga ibinulong ng echoserang frog na si Fred kay Sweet na nakita raw niya sa Facebook account ni Ynna na "married" ang nakalagay nitong status.

Paliwanag naman ni Ynna, "Yes. Di ba, Tita Sweet, naging teenager din kayo? Siguro for me, sana pagbigyan n'yo ako ng chance na i-enjoy ko ang pagiging teenager ko. Yun naman po ay playtime lang naman po. Wala naman pong nakalagay na "married to Mark" or married sa ganyan."

So, pa-sweet lang yun?

"Opo," sagot ng 18-year-old actress. "Hindi naman po porke't naglagay kami ng ganun, e, talagang kasal na kami. Hindi naman po sa ganun."

Ang nanay ba ni Ynna na si Nadia Montenegro ay boto sa pagiging friends nila ni Mark?

"Opo. Kasi si Mark, three years na kaming magkaibigan at bakit naman po hindi boboto ang nanay at tatay ko na tatlong taon nang nakabakod, nakabantay, inaalalayan ka ng tao? Hindi lang po ang mommy at daddy ko, pati ang family ko. Wala namang masamang intensiyon at wala namang masamang ipinapakita sa akin [si Mark]," sabi niya.

Hirit naman ng echoserang frog na si Facunda, sinasabi raw ni Ynna na boto ang parents niya kay Mark, pero sa nakaraang story conference nila for Diva, ayaw raw ng nanay niya na lumapit siya kay Mark. Is this true?

"Hindi po totoo yun," tanggi ni Ynna. "Sabi nga noong storycon ng Diva, nakabantay sa akin si Mommy. E, magkatabi nga po kami ni Mark. At saka bakit naman po gagawin ni Mommy yun, e, araw-araw nasa bahay ang tao at bakit naman pagdating sa trabaho, hindi puwede?"

Sabi naman ng ikatlong echoserang frog na si Francheska, dati pang sinasabi ni Nadia sa interviews nito na malaki ang chance ni Mark, pero may kundisyon. Ano nga ba ang kundisyon na yun?

1  2  Next »

Related Articles

22 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name