Si Paul Jake Castillo ang naging 2nd Big Winner sa Big Night ng Pinoy Big Brother Double Up na ginanap noong Sabado, February 13, sa Ninoy Aquino Stadium.
May mga nagsasabi na nakaimpluwensiya raw ng malaki ang pagiging mayaman ni Paul Jake para umabante ito nang husto at halos dumikit ang dami ng text votes niya sa Big Winner na si Melisa "Melai" Cantiveros. Tiyak na gumana raw ang pera, hindi lang ng pamilya kundi ng mga kaibigan at mga taong malapit kay Paul Jake na tiyak na nabibilang din sa mga maykaya sa Cebu.
Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Paul Jake nang mag-guest sila ng iba pang Big Five ng PBB Double Up sa The Buzz last Sunday, Feb. 14, tinanong namin siya kung sa palagay ba niya ay malaking pera nga ang inilabas ng mga mahal niya sa buhay kaya siya naging 2nd Big Winner.
"Well, I don't know anything because I haven't talked to my family, pero sana hindi nila ginamit ang pera nila. I hope na yung votation came from the taong-bayan talaga. Before, yun din ang sinasabi ng mga friends and mga kilala ko dun sa Cebu. They said na hindi talaga ako mananalo sa PBB kasi I came from a well-off family. They didn't think I deserve it. That's why I'm not really expecting it," sabi niya.
Kahit si Paul Jake ay hindi inasahan na papasok siya sa Big 5 at magiging mahigpit pang kalaban ni Melai.
Aniya, "I never thought na malakas o mahina ako sa tao. Sabi ko nga before, two months ako [sa Bahay Ni Kuya], okey na yun. Tapos biglang nag-Christmas, nag-New Year. We got to the point na sana Big 4, then naging Big 5 pala. I'm very happy and surprised ako sa mga nangyari."
Kung may mga nagsasabi na dahil sa pagiging mayaman ni Paul Jake kaya siya naging 2nd Big Placer sa PBB Double Up, marami rin naman ang naniniwala na siya dapat ang nanalo dahil sa ipinakita niyang mga katangian sa loob ng Bahay Ni Kuya. Pero para kay Paul Jake, tanggap at inaasahan na niya na si Melai talaga ang magiging Big Winner.
"For me, si Melai ang star and everything. We, the housemates, know naman that she made the Big Brother's house happy and entertaining for us and she deserves it."
Sa loob ng Bahay ni Kuya, ang pagiging prangka at diretsong tao ang ilan sa mga ugaling inireklamo sa kanya ng mga kapwa housemates. Naging open nga ang dating housemate niya na si Cathy Remperas na nasaktan siya ng husto nang sabihan daw siya ni Paul Jake na "gold digger." Ano ang masasabi ni Paul Jake dito?
"That's what I keep saying inside the house, and now I'm gonna say it again na I can't please everone. Kung may na-offend man ako, sorry na lang. I didn't mean it. I just had to say what I wanted to say.
"Regarding Cathy, if ever I got a chance to talk to her, I'll talk to her. Honestly, I don't remember saying the 'gold digger' part. If ever I did say that, I'm very sorry though wala talaga akong matandaan na nasabi ko yun. If ever I get the chance, I will clarify and clear things up."
Isa sa hinangaan naman kay Paul Jake ay ang pagiging loyal nito sa kanyang girlfriend. Nang tanungin namin ang PBB housemate kung sino ang gusto niyang maka-partner kung saka-sakaling pumasok siya sa showbiz ay wala siyang maisip na isagot.
"The first time na nakita ko ang girlfriend ko [sa Bahay Ni Kuya] was my birthday and I was really happy. That's also the first time na umiyak ako nang umiyak. Ako, I value our relationship so much talaga until now and forever.
"I don't know lot of artistas, I know lang sila Kim Chiu, Toni [Gonzaga]...kaunti lang, very small lang. And I really don't know a lot of them to say na sana sila ang makapareha ko," saad ni Paul Jake.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
17 itnok
ikaw pa rin ang big winner for us.
16 fallen82
15 cartridge
14 FlyNDance
13 ugok
ok na din na c melai after i heard na magdonate xa ng pera sa simbahan worth 100K, it only proved na hindi xa suwapang....mapagbigay xa...pero sana ingat ingat lang kasi i dont think so magkakatuluyan kayo ni jason...jason may heve been real in his emotion inside pero un ay dahil vulnerable kayo inside BB's house...i dont think things would be the same outside....kaya wag masyadong OA sa kilig, hahahha...minsan nagmumukha ka ng kawawa...
12 maka_bansa
11 maka_bansa
10 birtwal
madaya ang abs sa pagpapasilip ng votes. kung melason ba ang nangunguna sa botohan gagawin ba nila yun? hindi dapat gumagawa o nagbe-break ng rules na papabor sa ilang tao.
ngayon lang sinasabi ng melason na well-off sila dati at naranasan din nila kahit paano ang marangyang buhay noon. nung nasa loob sila ng bahay todo project sila na mahirap sila their whole lives.
para sa akin wala namang remarkable na ginawa si melai sa loob ng pbb house. mas malayong deserving si paul jake na consistent na magaling sa mga tasks ni kuya.
9 kreatekassy
hndi yun dinaya at hndi siya pinasama ni boy.
diba nga after ni boy tinanong si pauljake about sa drugs na issue pina explain siya ni boy? kasi utos yun ng management.
bad move nga naman na tanungin nila yun sa kanya pero i don't think it affected the decision of the people who loves him and supports him.
8 yanzee
ano ang niluto nila boy? adobo ba? masama ang magbintang... gusto ko rin manalo si paul jake pero deserving talaga si melai sya ang nagpapasaya ng gabi namin lalo kami bumabata sa kakatawa sa mukha nya, hahhaha sa mga jokes pala
7 condominiums
6 mysay
Bad si Boy Abunda!!!
5 joyze
4 maka_bansa
3 nenetski36
2 maka_bansa
Ayaw sana naming mag-artista 'cause showbiz is dirty also, ngunit kung nanaisin mo, wala na kaming magawa kundi suportahan ka.
1 jedraz
more comments