Mula sa isang PEPster, na nagpakilala sa PEPster I.D. na "shyspy," ay nakatanggap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng dalawang litratong nagpapakita kina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz na magkasama.
Ayon sa PEPster, nakunan ang litrato noong Sabadong nakaraan, Pebrero 6, sa isang bike store sa Makati City. Bumibili raw ng bicycle parts si John Lloyd noon. Si Shaina naman ay mukhang sinamahan lang ang aktor sapagkat wala namang nakitang binibili ito.
Nagpakuha pa ng litrato sina Shaina at Lloydie kasama ang isang fan (inset). Tinanggal lang ni shyspy ang fan sa litrato dahil private person daw ito at baka mas shy pa ito kay shyspy.
Ayon kay shyspy, nakuha niya ang mga litrato mula sa isang "superclose friend" niya, na nagkataong naroon din sa bike store at siya mismong nag-click ng camera. Sa aming pananaliksik, ang bike store ay ang Sabak Sports and Adventure Store.
BAKIT HOT ANG LITRATONG ITO? Si John Lloyd kasi ay lumalabas na Box Office King ngayon ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN. Ang pinakamalaking pelikula ng Star Cinema noong 2008 ay ang A Very Special Love (P180 million gross, sabi mismo ng film outfit at ng co-producer Viva Films), kung saan ang leading man ay si John Lloyd Cruz. Noon namang 2009, ang pinakamalaking pelikula nito ay ang You Changed My Life (P240 million ayon pa rin sa Star Cinema at co-producer Viva Films), kung saan si John Lloyd na naman ang male lead.
Ang You Changed My Life nga raw, sabi ng Wikipedia, ay ang unang Filipino movie na naka-break sa P200million barrier. Kaya walang pasubali, importanteng star si John Lloyd.
Sa gayo'y inaabangan ang mga kaganapan sa buhay ng binata—na mukhang makulay nga. Hindi pa man natatapos ang three-year relationship nito with top stylist Liz Uy, na-link ito sa dating beauty queen, actress at TV host na si Ruffa Gutierrez, na kaibigan ni Liz at kapatid ng barkada ni Liz na si Raymond Gutierrez.
Nakunan pa sina Ruffa at John Lloyd na papasok sa isang Beverly Hills hotel bandang June 22, 2009, na unang lumabas sa PEP noong June 30. Inamin din sa TV ni Ruffa na sila nga ang nasa litrato; si John Lloyd ay hindi naringgan ng pahayag.
Matapos ng mga walong buwan, nabalita namang wala na ang aktor at si Ruffa, at na-link naman ang aktor sa isang non-showbiz girl. Ngunit di naglaon, mas naging maingay ang balitang nagugustuhan ni John Lloyd ang batang aktres na si Shaina Magdayao, na nagkataong kabi-break lang sa boyfriend nitong si John Prats. Dahil nagtagal din ng two years sina Shaina at John Prats, nagkaroon ng haka-hakang ang naging third party sa kanila ay si John Lloyd. Nagkataon pa, ang tatlong stars ay mina-manage ng iisang outfit, ang Star Magic.
Ngunit tigas-tanggi sina Shaina at John Lloyd na sila na ngayon at na may kinalaman si Lloydie sa breakup nina Shaina at John Prats. Sa magkahiwalay na appearances sa iisang episode ng The Buzz, nagsalita sina Shaina at Lloydie.
John Lloyd (Feb. 7): "From my end, as far as I know and as far as I'm concerned, talagang wala po tayong kinalaman. And my being friends with Shaina now has nothing to do with their breakup. Alam ni Shaina iyon, alam ni John iyon. Wag na sanang i-push ang isyu."
Shaina (Feb. 7): "Walang third party."
Ang interview na ito ni Shaina, ayon kay PEPster shyspy, ang siyang nagtulak sa kanyang i-email sa PEP ang nakalap niyang mga litrato nina Shaina at Lloydie. Ang mga ito raw ay patunay na meron ngang "something" sa pagitan ng dalawang Kapamilya stars.
Gusto namang magpasintabi ng PEP, na kung meron mang "something" sa dalawa ngayon, hindi automatic na si Lloydie ang dahilan ng breakup nina Shaina at John Prats. Kapani-paniwala rin naman kasing nag-break up na sina Shaina at John Prats bago pa pumasok si Lloydie sa buhay ni Shaina.
Ngunit para matapos ang mga sapantaha, agad na kinontak ng PEP ang PR ng Star Magic na si Thess Gubi, upang hingan ng pahayag ito. Ayon naman kay Ms. Thess, wala pa silang nakukumpirma kina Shaina at Lloydie, although nagde-date daw ang dalawang artista "in groups." Babalikan na lamang daw niya ang PEP kapag may sasabihin na sila tungkol sa two young stars.






JLC-Shainashopping in a bike shop! hahahaha! La lang!
balugababe
February 17, 2010
12:49 PM
hahaha! nabalitaan siguro ni mariel na hinahunting mo c z kaya ibinahay na nia. :D
in fairness d2 sa jlc-shaina hndi ganun ka nega ang reaction ng mga tao hndi katulad nung kay ruffa na halos umusok ang pep. hehehe.
manilaphils
di ko lang kase alam anong weakness ni zanjoe eh...alam ko ang weakness ni dong, naunahan lang ako ni Marian kaya kay zanjoe na ako nag eeffort ngayon
inlababo ako sa linshak na hunk na yan! uuwian ko talaga yan at di ako titigil ng di ko sya nadadala dito sa aking bahay sa Buckingham hahahaa
pumpkinpie
masyadong OA yang cheka mo dai!
nagsasaya lang si lloydie sa buhay di naman sya alcoholic! kung alcoholic yan di na yan makafunction ng normal at baka pina rehab na rin yan ni Mr M
Ito lang naman kase si Raymundang chismosa, itin-weet agad yung nakita nya siempre bff nya si liz uy nakikisympatiya sya siempre don sa vavaeng iniwanan ng dyowa...kaya parang feeling feelingan naman ang hitad pag nakita nyang medyo nagkakalat yung ex nya...eto naman si ruffing may-I react din...ewan ko sa kanila...mali din ni lloydie, na involved sya sa kapatid ng bespren ng ex nya...nagpapapasa pasahan lang sila ng cheka, lumalabas na masama si lloydie gayong he is only living his life. bata pa naman sya
Tanduay talaga ha hahaha.
franchescarya
nne
pano ko mahuhuli si zanjoe eh ibinahay na ng mariel na yan! si lloydie madaling mahuli, tanduay lang ang katapat hehehe
namatay na c ciara? honest?
balugababe
February 17, 2010
12:27 PM
wahahahah di ko kinaya yun... arbor na si bebe ko... ako na lang magkukulong sa kanya... lol
kakatawa to!
Si LLOYDIE AND RUFFA gt;..NAHULI!!! Nag-shopping sa BEVERLY HILLS HOTEL at NAG shopping sa RODEO DRIVE!!!
Si LLOYDIE at SHAINA NAHULI!! Bumibili ng bicylce parts!!!
bwahahahahahaah!!! Si Ruffing kasi sosyal...si Shaina???
balugababe
February 17, 2010
12:27 PM
oist! e si zanjoe mukhang nahuli mo n ba? hahaha.
imo, mukha namang hindi gusto ni jlc si bea for some reason..ehem..