Balik-primetime si Gelli de Belen. After doing All My Life with Aljur Abrenica and Kris Bernal, kasama naman ngayon si Gelli sa bagong telefantasya ng GMA-7 na Panday Kids. Ginagampanan niya rito ang malupit na ina ni Buboy Villar.
Ayon kay Gelli, ito ang unang pagkakataon na makakasama niya sa isang project si Buboy.
"First time and he is really, truly a gifted child pagdating sa pagiging artista. He is truly a gifted child. Ngayon lang ako nakapagtrabaho sa ganitong bata na ganito ka-dedicated, ganito ka-focused. Siyempre bata, so you cannot blame them kung hindi pa sila focused. Pero Buboy is different. He is talented, he is focused, gusto niya ang ginagawa niya," papuri ni Gelli sa kanyang co-star.
Halos kasing-age daw ng mga anak ni Gelli na sina Joaqui at Julio si Buboy. Kaya natanong namin sa kanya kung hindi ba niya nai-imagine ang kanyang mga anak na katulad ni Buboy na nag-aartista na rin?
"Naiisip ko nga yun. Oh, my gosh, nai-imagine ko kung mga anak ko yun! Kaya lang, ang mga anak ko naman, wala diyan [pag-aartista] ang hilig nila, e. Si Buboy, dama niya talaga ang ginagawa niya," sabi niya.
Mas masaya ba siya na iba ang interes ng mga anak niya?
"Hindi naman sa masaya, kung yun naman ang gusto nila. Pero right now, hindi ko nakikita. Siguro kasi, parang feeling nila, ito ang trabaho ng nanay ko, ito ang trabaho ng daddy ko. So, it's something normal with them. Kasi, that's what they grew up din, being in the industry," paliwanag ni Gelli.
Dahil may pagka-bad ang role ni Gelli rito sa Panday Kids, papayagan ba niyang manood ang mga anak niya nito?
"Oo naman!" mabilis niyang sagot. "Alam naman nila na umaarte lang ako. Alam n'yo nga minsan, nag-aaral ako ng script, sabi ni Joaqui, 'O, mommy, do you want me to help you?' Help siya, naloloka siya sa mga lines. Parang, 'You're bad?'
"Pero alam naman nila na umaarte kami. Alam nila na artista kami. Si Ariel [Rivera, Gelli's husband] has done many kontrabida roles, so sanay na sila. Actually, naninibago lang sila na umaarte ulit ako. Hanggang dun lang ang paninibago nila. Pero ngayon, hindi na as bad. Unlike sa All My Life, 'Mom, what are you doing?'" natatawa niyang kuwento.
MISSES SIS. Nagiging aktibo muli ngayon si Gelli sa pag-arte, unlike before na puro hosting jobs lang ang kadalasan niyang tinatanggap. Okay lang ba sa kanya na after doing SiS, her early morning show with sister Janice de Belen and Carmina Villarroel, ay sa mga serye naman siya ngayon nalilinya?
"Actually, it's different. It's different from SiS, sobra! Pero masaya ako. Natsa-challenge ako sa role ko. Pero siyempre, mami-miss ko pa rin ang SiS. Although, I have another show, Zooperstars. Tungkol naman siya sa mga animals. I will be with Julian [Trono] and Sabrina [Man], it's all about animals. Infotainment siya, masaya siya. Merong palaro-palaro. We taped last week, so masaya siya." (Sina Julian at Sabrina ay kasama rin sa Panday Kids).
Nakapag-adjust na rin ba siya na wala na ang SiS, na tumagal sa ere sa loob halos ng walang taon?
"Slowly adjusting. Buti nga sa Zooperstars, ang mga staff na kasama ko, yung ibang staff ng SiS. So, okey, parang SiS lang. Kaya lang, kulang ako ng dalawang angel," natatawang sabi ni Gelli, na ang tinutukoy ay ang mga dati niyang co-hosts na sina Janice at Carmina.
Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Ariel ay ibinuko nito si Gelli na noong minsan daw nagsa-shopping daw sila ay parang nawala sa isip ng misis na wala na ang SiS at namili pa ito ng outfit para sa naturang show.






Bakit tinanggal?
Sabi na eh....
tama ka po jan sa comment mo..pero la tayo magagawa di na nila time ngayon..
Before Judy Ann, Claudine, Angelu, Jolina.. Isa si GELLI DE BELEN sa pinkasikat na young actresses ng early 90s til late 90s bago bumulusok ang career ni ANGELU, JUDY ANN at CLAUDINE.
Isa si GELLI sa mga leadstars sa drama at Comedy.
GELLI DE BELEN, AIKO MELENDEZ, CARMINA VILLAROEL at VINA MORALES ang mga naglalaban sa paramihan ng fans noong early 90s to late 90s bago sila Juday.
I hope to see GELLI doing a drama show or movie again.
Kaka miss si GAGAY! Ang comedy princess ng Viva noong 90s
hahaha. FYI naka 8 years ang SIS no! wag muna mag-mayabang baka lalong ma-karma yung show na yun at baka di kayang pantayan yung nagawa ng SIS.
my ng text....
ang bilis ng karma....
sender gelli