Balak din daw niyang gumawa ng pelikula na base sa buhay ng bayaning si Andres Bonifacio.
"May pinag-uusapan kami ni Joel Lamangan. Gusto niyang gawin ko yung Andres Bonifacio...
"Baka ako ang mag-produce o kaya ililigaw natin kay Mother Lily para may suweldo pa ako," hirit pa ni Sen. Lapid.
WANTS TO TRY TELESERYE. "Gusto kong mag-TV din. Lalo na ang gaganda ng mga palabas sa telebisyon ngayon. Nanghihinayang nga ako, sana nag-guest ako doon sa May Bukas Pa, kaso natapos na," biro ni Sen. Lapid. "Kasi, di ba sikat na sikat yun lalo na si Santino, si Bro. Sabi ko sana mag-guest ako."
Kung mabibigyan daw siya ng pagkakataon na gumawa ng teleserye, gusto niya raw makatrabaho sina Zaijian "Santino" Jaranilla at Kim Chiu.
Kung palarin daw siyang makabalik sa Senado, "hindi naman tayo titigil sa paggawa ng mga batas para sa ikabubuti pa ng industriya [showbiz]," sabi ng senador.
"Yun nga po nag-uusap-usap kami lalo na noong nabubuhay pa si Atty. [Esperidion] Laxa [former chairman of the Film Academy of the Philippines] at si Leo Martinez [FAP director general] para mabasawan yung tax na binabayaran ng mga producers ng pelikula [Amusement Tax Exemption]. Yun naman ay naipasa po natin at naisabatas na."
Tungkol naman sa pamamahala ng Metro Manila Film Festival, na sa ngayon ay hawak ng Metropolitan Manila Development Authority, ang sabi niya, "Pinag-uusapan nga namin nina Sen. Bong [Revilla] at Sen. Jinggoy [Estrada] na dapat mga taga-showbiz ang mamahala diyan."
ADJUSTING TO THE SENATE. Noong 1992 ay nahalal si Sen. Lapid bilang bise gobernador ng Pampanga at nagtuluy-tuloy na nga ang political career niya simula rito. Naging gobernador siya ng Pampanga noong 1995 at nahalal na senador noong 2004. Tumakbo siyang mayor ng Makati City noong 2007 pero natalo siya kay Mayor Jejomar Binay. Bagama't natalo ay napanatili niya ang kanyang posisyon sa Senado.
Ano ang pinakamabigat na challenge na na-encounter niya sa Senado?
"Kinakantiyawan ako. Tapos yung dress code ko, paano, sanay tayo ng ganito-ganito [T-shirt or polo] sa showbiz. Kailangan pala lagi kang nakabarong o nakakurbata. Siyempre noong una hindi ko naman alam na ganun. Siyempre, medyo mapapahiya ka rin. Tao lang naman ako. E, marunong din akong masaktan. Pare-pareho lang naman kaming senador pero kung matignan nila ako o makantiyawan, kesyo kulang daw ang pag-aaral ko at hindi ako nakatapos. Sila mga abugado at kung anu-ano. Pero nalagpasan naman nating lahat iyan."
Napatunayan naman daw niya na may ibubuga rin siya sa Senado. Sa katunayan ay naging author siya ng 398 bills at resolutions. Naging author din siya ng 47 resolutions adopted by the Senate at author and co-author din siya ng 28 bills enacted into law.
"Iyan lang ang maipagmamalaki ko. May Lapid laws na tayong iniwan sa bayan."
Ano ang feeling niya na kasama siya sa top 10 senators sa mga naglalabasang surveys?
"Siyempre, masaya at proud ako. Kaya nagkaroon ulit tayo ng inspirasyon dahil nandodoon pa rin ako sa top 10 senators sa survey. Gusto pa rin ako ng mga tao."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
29 careermuna
28 gorgeous_montessa
approx. Php 100 million/senator
approx. Php 65-70 million/congressman
27 hypermiron
26 pepato
EW!!!
=0
25 worryfreebabe
bong revilla at lito lapid .. ano ba nagawa ng mga yan ? asus! panay lang pa cute sa senado .. sayang lang buwis na binabayaran natin .. sa mga ganito lang napupunta .
24 jhn
La-os ka na oy. Mag tambling tambling ka nalang sa kama mo.
Wala kanang fans!!!! Ang kapal mo naman...... magsama kayo nina Revilla at Estrada mag standby sa kanto.... mga walang kuenta!!!!
23 marimaris8
enjoy ako sa mga posts nyo. tawa ako ng tawa. thanks.
seriously, si lito lapid ay walang k kahit maging barangay tanod. aba'y nag-ambisyon pa ito na maging vice-pres noon, remember? gusto raw niya ang vp kasi di masyadong mag-iingles. omg!
22 eminem
21 AcId_EyEz
20 pusotisipmo
19 a027007252
hahaha, anong lapid laws ang pinagmamalaki mo? ikaw ba talaga me gawa nun o staff mo? or co-authored ng ibang senador?
dare. magdebate kayo ni bong revilla. hahaha
18 Franz1227
17 heavenandhell
16 trinoma_rat
15 a027007252
kapag ito pinanalo ninyo ulit sa senado, isa lang ang ibig sabihin non... mas me utak pa si lapid kesa sa inyo. nakuha pa kayo sa papogi.
14 tangerine_dream114
13 2is1uli
12 Renar
11 laosdos
10 keen_observerKSA
more comments