Bea says being nasty is so out of character for her that she had to learn how from the movie Mean Girls. In fact, she and First Time heroine Barbie Forteza are so close, "sabay po kaming nagtu-toothbrush."

 

Photo: Noel Orsal

Gustung-gusto talaga ni Bea Binene na maging ganap na showbiz personality, kaya given the chance, sasali siya sa StarStruck, this time sa teen version ng naturang reality-based artista search.

Six years ago, at the age of six, sumali si Bea sa StarStruck Kids.

"I love what I'm doing, kaya gusto ko siyang ituloy, kahit ano ang mangyari, kasi dream ko siya.

"Gusto ko na nasa TV ako, gusto kong maging reporter, host, actress... Basta gusto ko nasa harap ako ng [camera]," pahayag ni Bea.

Tinanong si Bea kung sino ang choice niyang manalo bukas sa Final Judgment ng Starstruck V.

Lima ang maglalaban-laban bukas—sina Sarah Lahbati, Diva Montelaba, Enzo Pineda, Steven Silva at Rocco Nacino.

"Sa babae si Sarah, sa lalaki, wala," prangka niyang sinabi.

HOW TO BE A QUEEN BEE. Nang tanungin namin kung naalukan na siya ng ABS-CBN, ang sagot naman niya ay matunog na, "Gusto ko po sa GMA kasi I'm proud to be Kapuso! Ha! Ha! Ha!"

Maldita ang role ni Bea sa First Time na pinagbibidahan nina Barbie Forteza, Joshua Dionisio at Jhake Vargas.

Ayon sa kanya, malayong-malayo ang karakter niyang si Natalie sa tunay niyang ugali. Kaya para magampanan ang pagiging maldita, pinanood niya raw ang US movie na Mean Girls na pinagbidahan ni Lindsay Lohan.

"Ginaya ko yung pinaka-queen bee nila kasi queen bee si Natalie. 'Tsaka nag-workshop po kami kay Tito Pen Medina." 

Ang totoo ay close daw sila ni Barbie. In fact, "sabay kami nagtu-toothbrush, kaming tatlo nila Joanna [Marie Tan], at sabay-sabay kaming kumakain."

Pero di raw sila nag-uusap tungkol sa boys.

"Hindi po, kasi para sa akin ayoko pa siyang pag-usapan, kasi wala pa siya sa isip ko. Kasi bata pa ako, kaya career muna and studies," sabi ng 12-year-old na umpisa last year ay nagho-home schooling na lang.

Dati-rati ay sa Holy Infant Montessori siya pumapasok, pero ngayon ay sa bahay na lang siya kumukuha ng lessons kunsaan ay grade 7 na ang level niya.