Simula nang lumipat si Bayani Agbayani sa GMA-7 mula sa ABS-CBN, walang sinuman ang makapagsasabing hindi all-out ang suportang ibinibigay sa kanya ng bago niyang network.
Ilang shows ang ginagawa ng komedyante ngayon. Nasa SRO at First Time siya, na nagtatala ng matataas na rating, at may bago siyang morning program, ang talent show na Diz Iz It.
"Ang sarap po, awa ng Diyos," sabi ng komedyante. "Naniniwala naman po ako na marami pa akong mapapasayang tao. Bata pa naman ako, marami pang ideas na puwede kong itulong sa network."
Sa katunayan, may gagawin silang sitcom ni Michael V, ang Pepito Manaloto.
HIT SERIES. Tuwang-tuwa siya sa malakas na pagtanggap ng viewers sa First Time. "Napanood ko sa GMA News kagabi, grabe ang tilian."
Bilib na bilib siya sa mga batang kasama niya sa teleserye, tulad nina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Jake Vargas at iba pa.
"Magagaling ang mga bata," sabi niya, at "magagalang, mababait, marunong rumespeto sa mga veterans."
Dugtong pa niya, "Natural silang umarte. Actually, hindi nga umaarte. Bihira akong makakita nang ganung artista na bago sa industriya, pero parang mga datihan na."
FLEDGLING SHOW. Maganda rin ang rating ng show niya na kasama si Christopher de Leon, ang SRO Cinemaserye Presents Meet the Fathers. "Ang inaalagaan ko na lang yung Diz Iz It, kasi daily," sabi niya. "Pangalawa, dun talaga ako lumaki, sa daily show."
Sa ngayon daw ay hindi pa nakakahabol ang morning show niya sa rating ng katapat na programa, ang Showtime.
Pero, katwiran ni Bayani, "Bago ka bumangga sa isang kalaban, hindi naman kasi agad-agad matatalo mo. And besides, hindi naman kami nagsu-show para sa rating, e. Ang mahalaga, nakakapagpasaya ka ng mga tao. Pinapanood ka ng mga tao para maging masaya sila. Hindi kailangan mag-contest, e."
Sinagot din ni Bayani ang isyung ginagaya raw nila ang format ng katapat na show.
"Unang-una, there's no such thing as original in television. Yung format ng Showtime, galing na sa Talentadong Pinoy 'yan. Ang Talentado naman, galing sa American Idol, Britain's Got Talent.
"Alam niyo naman sa Pilipinas, kapag mabili ang shawarma, lahat nagkaka-shawarma business. Kapag Zagu, Zagu lahat. Ang sa akin, ang opinion ko, walang karapatan ang kahit na sino na sinasabing kinokopya ang show nila."
BUSINESS IS BUSINESS. Anong feeling niyang kinukumpetenisya niya ngayon ang mga dating ka-Kapamilya na stars and shows?
"Wala po... Business, e, ganun talaga ang negosyo."
Kaibigan naman daw niya ang mga hosts ng Showtime, lalo na si Vhong Navarro.






Ibasura ang Diz Iz It!
Ibasura ang Diz Iz It!
Bwahahhahaha...
watch ur grammar.. parang hindi ko na maintindihan ang pinaparating mo...ahahahah
GMA has no original because they always jealous keep on copying cat of ABS-CBN has new more creatives. i really love KAPAMILYA.
GMA sucks. ABS da the best original.
I REALLY LOVE ABS FOREVER.
kung makapag salita k akala mo ang quot;showtimequot; eh original concept ng abs-cbn,,
bwhahahhaaaa
seriously...? maganda thz iz it? hilo ka ba? yung totoo?
parang baduy na sya now for me...huhuh!
sana nag stay nalang sya sa Q11...
food, fashion, celebrity news...dun sya nababagay,,,, hayaan na sa mga baduy yang diz iz it!
at kelan nasali ang usapang sweldo dito? just to say something ur keep posting comments which has no sense...haha! naloloka ako...
QUOTEpara lang sa ratings kahit wala ka ng makain?QUOTE bakit? binibili ba ang ratings? well, sabagay kapuso ka nga! haha