Kung natuloy pala ang teleseryeng Anna Liza sa ABS-CBN, hindi magiging bida sa GMA-7 si Barbie Forteza, dahil siya sana ang gaganap na kontrabida ni Ella Cruz.
Pero na-shelve ang project at napunta sa GMA-7 si Barbie at bida na siya ngayon sa top-rating series na First Time. Ang dapat na bida na si Ella naman ang gaganap ngayon na kontrabida sa telefantasya ng Kapuso network na Panday Kids.
Ang Panday Kids ang nagsilbing pagbabalik ni Ella (Gabriella Annjane Cruz in real life) sa bakuran ng GMA-7 kung saan siya unang nakilala.
Sumali si Ella sa Little Miss Philippines contest ng Eat Bulaga! noong 2004, pero hindi siya pinalad na manalo. Pero agad niyang pinasok ang pag-aartista at una siyang nakilala bilang batang Angel Locsin sa Majika (2006). Sumunod ang pagganap niya bilang batang Nadine Samonte sa Super Twins, batang Valerie Concepcion sa Atlantika, at batang Marian Rivera sa Marimar.
Ngayon ay 13 years old na si Ella at nagdadalaga na. Dahil dito ay ihinahanda na siya para sa teenage roles.
SHELVED PROJECTS. Hindi lang ang Anna Liza ang naudlot na project ni Ella sa Dos kundi pati ang Moon River kung saan bida sana sina Maja Salvador at Geoff Eigenmann.
"Nakapag-taping na nga kami ng ilang days para sa Anna Liza sa Baguio. Pero biglang na-stop po ang taping namin. Nalaman ko na lang po na hindi na raw itutuloy. Sayang nga po kasi ang ganda pa naman ng cast. Si Dawn Zulueta po ang gaganap na mother ko at si Eric Quizon ang father ko.
"Gano'n din po nangyari sa Moon River. Nakailang taping days na rin po pero biglang tinigil po. Kaya matagal po akong walang naging TV show," kuwento ni Ella sa PEP (Philippine Entertainment Portal).
Ang Anna Liza ay based sa popular na '80s soap drama sa GMA-7 na pinagbidahan ng yumaong Julie Vega. Sa remake, si Ella ang gaganap na batang Anna Liza, at si Maja Salvador naman kapag teenager na ito.
CHANGED FORTUNES. Masaya si Ella sa naging suwerte ni Barbie Forteza paglipat sa GMA.
"Parang nagkapalit lang kami kasi ngayon nagkokontrabida ako," sabi niya.
Okey lang daw na maging kontrabida siya sa Panday Kids. First time daw niya itong gagawin dahil nasanay raw siyang laging mabait at api-apihan ang role niya.
"Nasa tamang age na raw po ako para maging kontrabidang bata," ngiti ni Ella. "'Tsaka mas bata po sa akin si Sabrina Man na siyang aapihin ko sa show. Gusto ko rin naman po na maiba ang ginagawa ko sa TV."
Bago siya bumalik sa Siete, lumabas din si Ella sa ilang programa ng Dos tulad ng Goin' Bulilit, Maalaala Mo Kaya, Only You, at Magkano Ang Iyong Dangal?.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
76 4everjoshbie
75 Franz1227
74 Franz1227
73 AVISALA_kapusO
hehehe
hayan dahil sa dating mukhang pera ang manager mo na pinupull out ka sa kapuso hayan ang napala mo sa dos na frozen delight ka tuloy at balik kapuso ka naman..kasi doon sa dos wala kanag racketttttttz.....
wawa naman.maganda sana ang role na makukuha mo sa kapuso pero,nawala okey na yon at least may chance proved your worth again..
OMG lahat ng show ng dos cancel...
utoy,moonriver at analiza shelved ehhehe wala ng pera doon hehehe hayan....malinaw na yon ha..
72 imba2010
71 mar111mer111
ganun b.choosy sa role ah hehehe.
70 imba2010
kargador
February 22, 2010
22:49 PM
i read on Pinoy Parazzi na ang ugat pala talaga ng away ni angel ay di raw pera kundi ayaw ni angel gawin yong Kokey..as in ayaw pinipilit ni Becky..hahahhaha..dapat di na choosy etong isa na eto basta may project dahil puro may kalamidad na lang siya nakikita...hahahhaha
===
hehehe..
kasi nga,ganap na siyang aktres,bat pa siya magko-kokey.. Pero dapat din nyang tanggapin yun,kasi kailangan nyang paangatin muli ang career nya,kasi parang di masyadong nakatulong yung paglipat nya,kahit ipair siya sa top leading man ng DOS na si Piolo,pwera nalang yung nagka-award siya..
69 mar111mer111
68 loida_juliata
yan ang gusto ko sa GMA..di kami tinitipid mga loyal viewers nila.
67 maks09
maganda yung effects nang panday at nagulat talaga ako dahil hindi naman ganoon kaganda gumamit nang effects itong GMA except sa encantadia..
so for maganda ang pilot nang panday.. lets see...
66 maks09
maganda yung effects nang panday at nagulat talaga ako dahil hindi naman ganoon kaganda gumamit nang effects itong panday except sa encantadia..
so for maganda ang pilot nang panday.. lets see...
65 laosdos
64 gillyn21
63 pepreader123
Nakita ko si Charming sa isang drama show, kelan lng... parang extra lng sya. Medyo tumaas at payat na sya ngayon. Di ko lang matandaan kung gma or abs yon.
62 landstown
61 toptop73
60 tagaamparoako
Sina Barbie at Ella ang mga kasunod nina Marian, Kris Bernal, etc. na magtutuloy ng pagiging numero uno ng Kapuso sa primetime.
59 kargador
58 offshore
shakshark
February 22, 2010
22:13 PM astig ng PANDAY KIDS!
ang ganda ng cinematography at effects.
wag na wag tlgang itatabi ang Panday kids sa Kokey at Dyosa..
promise!
magmumuhkang project ng grade 1 student ang dyosa at kokey!
sana mamaintain ng panday kids yung mgandang storya at effects.
___________
wag ka namang ganyan shark, pano na yung
AGUA na extended din yung mga bata at matagal pa bago palabasin yung dalagang Agua? galit na tuloy si Jaclyn. hahahahaha
57 switypie_20
more comments