StarStruck V Second Prince Rocco Nacino proud of himself despite not winning the big title

Erwin Santiago
"Carpe diem!"
Tuesday, February 23, 2010 @ 08:48AM  |  13229 views

 

"Itong competition na 'to, self-development na rin po. Kaya ngayon, I'm so positive po. Kasi sinasabi ko, 'Rocco, tingnan mo ang layo na ng narating mo sa StarStruck. Out of so many hopefuls, like 80,000 hopefuls, nakaabot ka dito. So, look at you, look at you, look at what you can do. And kung lalo mo pang pagbubutihin, mas malayo pa ang mararating mo.' So, kaya sabi ko po, very fulfilling po para sa akin itong gabing ito. I'm so very proud of myself," says Rocco Nacino about his StarStruck journey.

Photo By: Noel Orsal













Nagkatotoo ang hula ni Rocco Nacino na si Steven Silva ang mananalo ng titulong Ultimate Male Survivor sa StarStruck V.

Sa presscon kasi ng Final 5 a few days before the Final Judgment ay tinanong sila kung sino sa palagay nila ang mananalo. Kung para kina Steven, Enzo Pineda, Diva Montelaba, at Sarah Lahbati ay mga sarili nila ang kanilang isinagot, sinabi ni Rocco na si Steven ang malamang na manalo dahil ito ang may pinakamaraming text votes sa unang siyam na linggo ng competition. (CLICK HERE to read related story.)

At sa ginanap ngang Final Judgment ng StarStruck V noong Linggo, February 21, sa Araneta Coliseum ay nagdilang-anghel si Rocco dahil si Steven nga ang itinanghal na Ultimate Male Survivor. Pumangalawa si Enzo upang tanghaling First Prince at pumangatlo si Rocco na itinanghal na Second Prince.

ACCEPTING DEFEAT. Tanggap naman ni Rocco ang kanyang  pagkatalo kay Steven.

Aniya, "Ako po, wala pong problema sa akin kahit anong position o title ang makuha ko. I was just happy na makasama ako sa Final 5. I wasn't thinking about yung winning nang bonggang-bongga. Yung makapag-pay back lang ako sa mga taong nag-support sa StarStruck, yun lang po ang goal ko tonight. So yung lang po talaga ang gusto ko. So, kahit po ano sabihin nila na Second Prince, kulelat sa boys, wala, wala po sa akin yun."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Rocco sa press room ng Araneta Coliseum ilang sandali pagkatapos ng Final Judgment.

Hindi ba siya nakaramdam ng disappointment na hindi siya ang nanalo?

"No, no disappointment at all," mabilis niyang sagot. "I'm very proud of myself. From thousands of people na nag-audition dito, nakarating ako sa Top 3 guys sa StarStruck. I'm very proud of what I've done. So, Rocco, congrats sa 'yo kasi malayo rin yung narating mo."

STEVEN IS DESERVING. Kumpara kina Rocco at Enzo, madalas napag-iiwanan si Steven sa mga artista tests lalo noong mga unang bahagi ng StarStruck V. Pero lumalabas na si Steven pala ang may pinakamalakas na fan base, at patunay nga nito ang napakamarami niyang nakuhang boto mula sa viewers.

Sa tingin ba ni Rocco ay deserving si Steven to win the title of Ultimate Male Survivor?

"Oh yeah! Of course, of course, of course!" bulalas niya. "Ang laking improvement and nakita mo sa kanya kung gaano siya ka-hungry para sa title na 'yan, he gave his all talaga. And kahit merong disadvantage sa Tagalog niya, he still made it this far, di ba? So it's a very big, it's a very big leap for him. So, congratulations sa kanya, galing niya."

Ang text and online votes ay 50 percent ng kabuuang score ng Final 5, samantalang ang natitirang kalahati ay nanggaling naman sa score ng StarStruck Council na sina Lolit Solis, Iza Calzado, at Floy Quintos. At malaking bahagi ng pagkapanalo ni Steven ay ang taas ng kanyang boto mula sa viewers.

"It's a competition po, e, ganun naman po talaga," sabi ni Rocco. "And the better man won. Ganun po talaga, it's a competition, right? Someone has to win talaga. Kasi Steven is very charming so nag-a-appeal talaga siya sa mga tao. That's a plus points pa rin. So I'm proud of him talaga. He deserves it. Hindi naman ano... He got the people, he won the hearts of the people through his charm, through his talent. So, everything was fair and square and I'm happy."

Ayon pa kay Rocco, maging siya man ay nahirapang pumili kung sino ang mananalo sa kanilang tatlo nina Steven at Enzo dahil sa tindi ng competition nila.

"Sabi ko po kay Steven and Enzo, 'Guys, kung makakapili ako sa ating tatlo, wala rin ako mapipili.' So hard, so hard talaga. A lot of people would say na, dati po, alam na talaga kung sino ang panalo. Itong season na 'to, as in kaming tatlo nasa isang tightrope talaga, e. So, mahirap po talaga hulaan. So, it was very, very exciting talaga. 'Etong gabing 'to, very exciting malaman kung sino po nanalo," saad niya.

1  2  3  Next »

Related Articles

94 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name