"Both Ogie and I are of course staying in GMA-7."
Ito ang naging deklarasyon ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez tungkol sa nabalitang paglipat diumano nila ng kasintahang si Ogie Alcasid sa bakuran ng TV5. Pero tinuldukan na nga ni Regine ang mga espekulasyong ito sa pagkumpirma na mananatili silang Kapuso ni Ogie.
Hindi man direktang inamin ni Regine na may malaking offer sa kanya ang TV5 ay sinabi niyang: "For some reason, may nakakaalam na kapag matatapos na yung kontrata ko, lilipat na ako agad. Pero hindi naman. We're happy naman here."
Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Regine sa grand launch ng upcoming primetime series niya sa GMA-7 na Diva kagabi, February 23, sa Studio 7 ng GMA Network. Sa March 1 na magsisimula ang Diva sa Telebabad block ng Kapuso network.
Sa June 2010 matatapos ang kontrata nina Regine at Ogie sa GMA-7, pero nag-renew ba sila ng kontrata?
"Parang wala kaming choice kasi ni-renew na, e!" natatawang sabi ni Regine. "Kasi nasa kanila yung option, e. So, kung ayaw naming mag-renew dapat magre-resign ka, parang six months before. Di ba, parang ganun 'yon?"
Two years daw tatagal ang bagong kontrata ni Regine bilang Kapuso, samantalang si Ogie naman daw ay "forever," biro ng Asia's Songbird.
Ayon kay Regine, binibigyan din daw siya ng pagkakataon ng GMA-7 na sabihin ang gusto niyang gawin, gaya na lamang dito sa Diva na siya ang may konsepto ng istorya.
"Siyempre, as artists, meron kang minamahal na isang show and you want to improve on that show. Like this Diva, 'eto ang ganda talaga ng pagkabigay sa akin nito dahil originally, actually iba ang istorya nito, e. Parang Bituin Walang Ningning. Sabi ko, 'Ayokong mag-drama. So, ganito na lang yung gawin natin,'" lahad niya.
THE END OF SOP. Dito na pumasok ang usapin tungkol sa pagwawakas ng musical-variety show na SOP ngayong Linggo, February 28. Si Regine ang isa sa main hosts dito, kasama sina Ogie, Janno Gibbs, at Jaya.
Naitanong kay Regine kung hindi ba nabibigyan ng importansiya ang mga idea niya sa SOP, hindi tulad ng mga konsepto niya sa mga ibang programa niya sa GMA-7, gaya nga sa Diva.
"Nabibigyan naman, pero... Kasi yun [SOP], hindi lang ako yung involved. Other artists are involved in the show. Siyempre, lahat naman kami binibigyan ng pagkakataon to voice out our ideas," saad niya.
Nalulungkot ba siya na mawawala na sa ere ang SOP?
"It's sad but at the same I'm also excited for the upcoming show," sabi ni Regine. "Kasi actually sa SOP no'n, hindi naman ako original na nandiyan. Mas nararamdaman ko yung lungkot ni Ogie at ni Janno kasi sila yung original diyan, e.
"Ako actually, originally I was asked for it but I didn't do it because I felt like I wasn't ready to do TV that time. So it was my sister [Cacai Velasquez] who did it. Then when she left, I took over. And I loved it! I had fun doing the show. And I still have fun doing it. I call it my day-off because it's my time to see my friends, to chika, to show off my clothes. That's all I do in SOP! Nothing really serious.






ah gnun b? eh d hndi n party pilipinas title nyan kundi--PORNO PILIPINAS...
abah 1st time ko pinanood ang sop sa uploads lang wah ang boring kaya tsaka di naman kilala mga stars dun, sus mga pananamit baduy din eh ang gulo ng stage nila daig pa ang piyestahan sa baryo baryo..umayos kayo sana gandahan niyo naman...