Magalang at maayos na nakiusap si Mark Anthony Fernandez sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press na dumalo sa press conference ng Diva—ang bagong primetime series niya with Regine Velasquez—na hindi muna siya masyadong sasagot sa mga katanungan ng press. Dahilan niya, nagpa-interview na raw kasi siya sa dalawang talk shows ng GMA-7, ang Startalk at Showbiz Central, hinggil sa mga isyu sa kanya ngayon.
"Bago pa po ako pumunta dito, ang sabi ko lang, nasabi ko na po lahat sa Showbiz Central at saka sa Startalk kung kaya't hindi muna ako magko-comment ngayong gabi. Pero since nandito po kayo, ano po ang gusto n'yong malaman?" pagbibigay pa rin ni Mark sa ilang press na lumapit sa kanya.
Ginanap ang launching ng Diva sa Studio 7 ng GMA Network kagabi, February 24.
ISSUE WITH CLAUDINE. Kaya naman hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang PEP at tinanong na namin siya tungkol sa recent interviews ng ex-girlfriend niyang si Claudine Barretto, kung saan diretsahan nitong sinabi na galit siya at masama ang loob niya kay Mark dahil sa pagkakaudlot ng pelikulang gagawin sana nila sa Viva Films. (CLICK HERE to read related story.)
"Masyado po akong nanghina sa mga sitwasyon," sabi ni Mark. "Anyway, gusto ko lang pong sabihin na hindi po... Well, hindi ko nga po alam kung saan ako nagsinungaling. Kung nagsinungaling man ako or hindi man, hindi ko nga ma-pinpoint. Hindi po araw-araw. Hindi po ako ganun araw-araw."
Ayaw ba niyang makatrabahong muli ang dating girlfriend?
"Hindi po sa ganun. Conflict of schedule lang po talaga ang problema," paliwanag niya.
Ayon kay Claudine, hindi raw siya nag-sorry sa mga nangyari?
"Nag-sorry ako...nag-sorry ako," diin ni Mark. "Noong nagkaroon ako ng kasalanan, tumawag ako the very next day or two days yata."
Once and for all, naka-move on na ba siya from his past relationship with Claudine? Noong mag-guest kasi si Claudine Startalk, lumabas na baka hindi pa siya totally nakaka-move on sa nangyari sa kanilang relasyon kaya ayaw niyang makipagtrabaho sa aktres? Ito ay sa kabila ng meron na silang kani-kanilang pamilya ngayon.
"Hindi, yun ang sinabi ni Tita Lolit [Solis]. Ang totoo nun, siyempre, medyo masyado akong nasa tatay ko pa ako. Nandun pa rin ako sa sitwasyon na yun. Kung hindi pa ako nakaka-move on, dahil yun sa nangyari sa tatay ko," paliwanag ni Mark, na ang tinutukoy ay ang pagkamatay ng kanyang ama na si Rudy Fernandez noong June 7, 2008.
Ano ba ang nararamdaman niya sa lahat ng mga ibinabatong isyu sa kanya ni Claudine?
"Wala...wala naman. Sumasama ang loob. Pero lahat naman 'yan anticipated na. Napag-usapan nga namin ni Papa yung mga bagay-bagay na 'yan noong araw pa," sabi ni Mark.
DIVA. Pumayat si Mark ngayon, pero agad niyang nilinaw na dahil yun sa pagwu-workout niya sa gym. Kahit nga raw sa teaser ng Diva ay mapapansin na mas mataba siya kumpara ngayon. Kaya hindi rin daw totoo ang intrigang bumalik na naman siya sa dati niyang masamang bisyo.
"No, kahit pa po ipa-check n'yo ang ngipin ko. Kahit ipaimbestiga n'yo pa po ang ngipin ko," sabi ng aktor.






Go Claudine!
Dito lang kami for you!
Tapos ang timing ng paglipat niya, wow, natatalo ang shows ng GMA. We'll see how it will go for this Barreto.
oa na si claudine sa kakareklamo,
matagal ng nag sorry si mark ayaw
pa rin paawat, papansin...
'kahit kilan napakasinungaling moh mark.sino ba ang na gagamit ngaun diba si claudine. kahit sino maiinis sa iyo mark.hinde lang Isang bisis eh tatlong bisis kung dito ka sa europe hinde lang mura na abut moh.npka unprofessinal.hambog pah mag bago kana.'
U seya, kahet kilan di naging senungaleng se Caludine. Hende tatlong bisis, esang bisis lang seya nahole at nalagay sa Youtube na napamora nang madolas sa ASAP. Wala man se Mark sa Europe na senasabe mo hende lang esang bisis nagpa-entervyu se Claudine para sabihing galet seya kay Mark at nag-tixt pa seya kay Mark na senungaleng.
Cool ka na deyan sa Europe. Hamo, hende na mapapartner kahit kilan si Claudine sa 'hambog' at senungaleng na se Mark. Baka 'magamit' pa si Claudine de bah?
kaya goodluck na lang sa inyong mga Kapuso, ayan nabuena mano si Mark Anthony sa kamalditahan ni Claudine...pinipilit nya sarili nya na pumartner sa kanya si Mark eh ayaw nga sya makasama di pa ba obvious sa kanya yun?
claudine...
mg pa lipo ka na lng para gaganda ang
katawan mo!!
spoiled brat!!
---------------------------------------
paalala, yung pinalabas ng ABS ay isang remake ng pelikulang BITUING WALANG NINGNING kung saan sina sharon cuneta at cherie gil ang unang gumanap bilang bida at kontrabida respectively. at sinabi rin ni regine na comedy ang DIVA as opposed to BWN na flat-out heavy drama.
can i just say, ang hirap i-please ang mga iba dito. kung nagri-remake ang GMA GAYA-GAYA sila. kung kumo-coin sila ng bagong salita CHEAP naman sila. kung hindi sinlakas ang palakpakan kumpara sa show ng ABS WALANG ME GUSTO raw sa GMA. kung kasinlakas o mas malakas pa sa ABS yung palakpakan PARANG PALENGKE. at marami pang ibang senseless na panlalait. hinay-hinay lang mga kasama kasi medyo nahahalata ang pagka-bitter at pagka-talangka ninyo. :|
hahaha korek. kahit san naman e halatang halata na mahilig sila sa mga g