Jake's underwear ad along EDSA was too controversial for one politician and was taken down after three weeks, but the publicity surrounding it will last long after that. So, "thank you na rin, di ba?" laughed the actor, who will be showing those six-pack abs in ABS-CBN's action series Agimat.

 

Photo: Noel Orsal

Last night, February 27, Jake Cuenca was given a grand press launch cum fashion show as Bench Body endorser at SM Mall of Asia. Jake presented the Lost in Summer collection of Bench Underwear.

Matagal nang celebrity endorser ng Bench si Jake, kaya masayang-masaya siya na nabigyan siya ng solo launching.

"Sobrang saya ko lang talaga na ang daming taong pumunta. Na noong lumabas ako kanina, sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kabadong-kabado 'ko kanina. Gusto ko lang talagang magpasalamat sa Bench na binigyan nila ako ng launching na ganito... Kaya rin ako lumuhod kanina bilang pasasalamat na rin sa lahat ng taong naririto."

Sabi pa niya, "As an endorser of Bench, ginawa ko yung hiningi nila sa akin. Ginalingan ko at 'eto na rin ang ibinigay ko, isinukli ko sa kanila sa ibinigay nila sa aking launching at campaign.  At yung mga bagay-bagay na nangyari after that, I guess it all happened for a reason."

CONTROVERSIAL BILLBOARD. Tulad ng pagprotesta ng isang pulitiko sa kanyang billboard na nagbigay tuloy ng mas malaking publisidad sa ineendorso ni Jake. (CLICK HERE to read related story.)

"Thank you na rin, di ba?" natatawang sabi niya, kahit nagtagumpay ang pulitiko na ipatanggal ang billboard.

"Well, ang sa akin naman, kanya-kanyang interpretation 'yan. Minsan talaga nakaka-appeal sa kanila, minsan hindi. Pero hindi ko na rin naman desisyon yun kung itatayo or ibababa. Basta ako, naniwala ako sa Bench, binigyan nila ako ng campaign, ginalingan ko talaga...

"Yung makita kong tatlong linggo na nakatayo yun, sobrang proud na ako. Kasi, dream come true na yun para sa akin."

Tila nabitin ang mga nag-abang sa fashion show ni Jake na rarampa siyang naka-underwear lang.  Pero topless lang ang ginawa niya.

Huwag mag-alala, "Meron pa," natatawang sabi ng aktor. "Siyempre, meron pang susunod 'to. At least, malapit na malapit na rin yun.  And at least dun, merong aabangan ang tao, di ba?"

Isa sa mga well-wishers ni Jake ay ang balitang dine-date niya na si Melissa Ricks.

"Tinext niya ako bago mag-start ang show. Sinabi niya, 'Good luck.'  So, kahit paano, nakakagaan ng loob.  Nakakagaan talaga ng loob yun.  Sabi niya, 'You're ready.'"           

"WHY COMPLAIN?" Bago nagsimula ang fashion show, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang mismong may-ari ng Bench na si Mr. Ben Chan. Kinuha namin ang reaction niya sa ginawang pagprotesta ng pulitiko sa billboard ni Jake.

"Well, nasa news nga halos every day. I was out of the country at that time... Ang ipinagtataka lang namin, lahat naman ipinapaapruba namin sa Ad Board. So why complain? If they gonna complain, why don't they complain sa Ad Board? We follow, we have permit number and so on. So, para na lang tumahimik, tinanggal na namin...."

Kinumpirma ni Ben Chan na definitely, Jake will be one of the highlights of the Bench Underwear fashion show to be held on July 2 since he is in their newest Body campaign. Pero siyempre raw, kasama pa rin ang iba pang Bench Body endorsers.