Roxanne Guinoo confirms she'll get married next year and that she's pregnant

Glen P. Sibonga
Monday, March 01, 2010 @ 09:15AM  |  250232 views

 

"We don't consider this as a big mistake. We consider this as a big blessing, na itong batang ito magiging...magsisimbolo ito ng pagsasama namin until the end of time. Magandang pagsasama, mahirap, lahat. Lahat nandito. Ito yung nabuo sa panahong nagdaan sa amin na away-bati, problema-saya, still, nandito and ibinigay ni Lord," says Roxanne Guinoo about getting pregnant before marriage.

 

Photo shows Roxanne with 20-year-old boyfriend Angelo at the premiere night of the movie Yaya & Angelina last year.

Photo By: Noel Orsal













Sa wakas ay binasag na ni Roxanne Guinoo ang kanyang pananahimik tungkol sa mga naglabasang isyu sa kanya na nailathala sa mga pahayagan nitong nagdaang linggo. Ito ay kaugnay ng umano'y magpapakasal na raw siya sa kanyang non-showbiz boyfriend at ang balitang buntis si Roxanne.

Sa ekslusibong panayam ni Boy Abunda kay Roxanne na ipinalabas sa The Buzz kahapon, February 28, ay kinumpirma mismo ng aktres na may katotohanan ang mga isyung ito. Totoong siya ay magpapakasal na at totoo ring siya ay buntis.

Gayunpaman, nagpaliwanag din siya para mabigyang-linaw ang ilang maling espekulasyon at mga naisulat gaya ng isang DOM (dirty old man) daw ang kanyang mapapangasawa, nabuntis daw siya at nagpa-abort, nagde-demand daw ang kanyang mommy ng house and lot sa boyfriend niya, at marami pang iba.

HIBERNATION. Dahil nga matagal nang hindi napapanood si Roxanne sa  telebisyon at hindi ito lumalabas para magpa-interview, tungkol dito ang kaaagad tanong ni Boy sa kanya. Ito bang hibernation na ito, is a choice?

"Hindi naman po. Siguro nung time naman na nawala ako, may iba ring rason kung bakit nagkaganun. Siguro nagkaroon lang sila ng...nagkaroon lang sila ng taong masisisi. Ito ngang boyfriend ko," panimula ni Roxanne.

Napipikon ba siya kapag sinasabing kaya niya hindi ginawa ang proyektong ito dahil pinagbabawalan siya ng kanyang boyfriend?

"Siguro po kasi kung pinagbawalan din ho ako, ang higit na tao na pagbabawalan niya sa akin yung mga ex [boyfriend] ko na makatrabaho ko. Yun na po ang pinaka-worst na aayawan niya sa gagawin ko," sagot ni Roxanne.

Pero hindi niya ginawa ito?

"Hindi niya po ginawa."

Is this your happiest moment?

"Opo," mabilis na sagot ni Roxanne.

Masayang-masaya ka ngayon?

"Opo. Kaya nga minsan iniisip ko, yung mga tao parang why can't you just be happy for me, di ba? Masaya ako, e, pinipilit n'yo akong hinihila."

Nang sabihin ni Boy na maganda siya ngayon at tama ang timbang, kaagad namang nagsabi si Roxanne kay Boy na itanong na ang tungkol sa buntis issue dahil excited na raw siyang sagutin ito. Pero mamaya na raw muna ito kaya sandaling nabitin ang mga manonood sa magiging pahayag ni Roxanne.

Sabi pa ni Roxanne, "Now na. Yun ang bottomline nito, Tito Boy!"

1  2  3  4  5  6  7  Next »

Related Articles

192 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name