Direk Mario O'Hara is eyeing a beauty queen to play Gregoria de Jesus in his Cinemalaya entry

William R. Reyes
Wednesday, March 03, 2010 @ 08:47AM  |  8725 views

 

Director Mario O'Hara (main photo) is about to start shooting his Cinemalaya entry Ang Paglilitis ni Bonifacio this month. One of the roles in the movie is that of Gregoria de Jesus, which Direk Mario initially wanted Angel Locsin (inset, bottom) to play but he was not able to get her services.

On the other hand, Direk Mario is still hoping that he will be able to work with Superstar Nora Aunor (inset, top), who is said to be making a comeback this year.

Photo By: Jocelyn Dimaculangan (Mario) / Noel Orsal (Angel) / File photo (Nora)













Kausap ni direktor Mario O'Hara kamakailan sa backstage ng Tanghalang Aurelio Tolentino, o Little Theater ng Cultural Center of the Philippines (CCP), ang isang magandang babae. Naro'n siya matapos ang pagtatanghal ng hapong 'yon ng dulang Tatlong Mariya, kung saan isang mahalagang papel (bilang si Doc Elpidio) ang ginampanan ng premyadong aktor at direktor.

Hindi naman nakaligtas sa paningin namin ang magandang dilag, na sa unang tingin nga'y isang kilalang beauty queen—si Danielle Castaño, ang 2008 Bb. Pilipinas-World. Tama ang unang impresyon ng direktor na magiging artista ang naging beauty titlist. Pero sa aming pag-uusisa, ayon din kay Direk Mario, hindi pa final ang pag-uusap o ang ilang minor negotiation terms ukol sa paglabas ni Danielle sa gagawing pelikula niya.

"Gusto ko siya! Talagang maganda! Mag-isa siyang nagpunta sa audition, dito sa CCP...," pagpupuri ni Direk Mario kay Danielle.

At hindi na nga inilihim ni Direk Mario na si Danielle ang posibleng magkamit ng mahalagang papel bilang si Gregoria de Jesus o Oryang, sa Ang Paglilitis ni Bonifacio, na entry ng direktor sa Cinemalaya 2010 Open Category.

REPLACEMENT FOR ANGEL LOCSIN. May lungkot at panghihinayang naman si Direk Mario sa hindi pagkakatuloy ng gusto niyang pagganap sana ni Angel Locsin sa gagawin niyang historical indie film. Ito ay tungkol sa naging paglilitis kay Andres Bonifacio at sa pagkakapatay dito at sa kapatid na si Procopio, na ang nasangkot ay ang unang Pangulo ng ating Republika na si Gen. Emilio Aguinaldo.

"Mahirap kunin si Angel Locsin, kasi may kontrata siya sa Star Cinema. Nag-try ako na kumontak, pero...." Hindi na lang nag-elaborate pa si Direk Mario hinggil sa mga kumplikasyon ng naturang offer sa isang kilala at abalang young actress na tulad ni Angel.

Ang importante, maganda ang naging response sa ipinatawag na audition ng CCP-Cinemalaya Filmfest 2010. Bukod kay Danielle, mayroon pang isang nag-audition na nakapasa sa pilian at posibleng magkaroon din ng mahalagang papel sakaling si Danielle na ang gaganap bilang Gregoria de Jesus, ang Lakambini ng Katipunan.

"Makikipag-usap pa ako sa manager ni Danielle upon her advice," sabi ni Direk Mario. Tumatalima ang direktor sa ilang pormalidad at wala namang bakas sa kanya ng pagkasuya hinggil sa mga hindi pa natutuloy na plano.

"Ang maganda kay Danielle," aniya, "talagang pursigido siya; na nag-aral sa Amerika, at malakas ang loob."

ALFRED VARGAS AND COCO MARTIN. Para sa dalawang pangunahing tauhan ng Ang Paglilitis ni Bonifacio, sigurado na ang casting ni Direk Mario.

"Alfred Vargas will portray Andres Bonifacio. Si Coco Martin ang gaganap na Aguinaldo," banggit niya.

Hindi ba masyadong bata si Coco para sa role ng heneral at unang Pangulo ng ating Republika?

"Babagay siya, lagyan mo lang ng salamin," sabi naman ni Direk Mario. 

Nabi-visualize na niya ang magiging hitsura ng dalawang aktor ayon sa kani-kanilang papel sa kanyang sisimulang i-shoot na pelikula sa ikalawang linggo ng Marso.

"Si Alfred, bagay talagang Andres Bonifacio dahil Pilipinong-Pilipino ang hitsura niya. Ang kapatid niyang si Procopio [kasamang na-execute ng kapatid na bayani], si Kristoffer King ang gaganap," aniya.

1  2  Next »

Related Articles

28 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name