Isang presscon ang ipinatawag ni Mother Lily Monteverde para sa mag-asawang Vilma Santos at Ralph Recto kagabi, March 3, sa Imperial Palace Suites. Ito ay bilang pagbibigay na rin ng suporta ng Regal matriarch kina Vilma at Ralph para sa kanilang kandidatura ngayong May 2010 elections. Si Vilma ay tatakbong muli para governor sa lalawigan ng Batangas samantalang si Ralph naman ay susubukan muling makakuha ng puwesto sa Senado.
Bago magsimula ang question-and-answer ay nagbigay muna ng pahayag si Vilma para sa mga inimbitahang press, kabilang ang PEP (Philippine Entertainment Portal).
Aniya, "Yung problemang nae-encounter natin sa industriya, may nag-aaway, may salita, may intriga, may papuri, manageable pa. But like in politics, it's no joke. Iba po ang labanan dito. But again, how I became a public servant, I don't know.
"But one thing I can be very, very proud of is the trust, the support that the Batangueños gave me up to this day. Siguro po, alam din ninyong lahat na itong buong taong ito, marami na ang kumalat na ako ay tatakbo or iniimbitahang tumakbo bilang Vice President. Totoo po. Hanggang sa huling sandali ng filing of certificate of candidacy, kinukumbinsi pa rin akong tumakbo. Wala akong sasagutin, sasagutin nilang lahat.
"Three things ang sinabi nila sa akin. First is being an efficient leader. Secondly, untainted name, and third is credibility. Palagay ko, testigo rin po kayong lahat, mula sa umpisa, hanggang ngayon, mula sa filing of candidacy, iisa ang sagot ko: I'm flattered and honored, nagpapasalamat na pinagkakatiwalaang tumakbo pang-buong Pilipinas na. Pero hindi ko matatanggap. Ang vision ko, ang focus ko at handa akong gawin at alam kong gawin ay walang iba kung hindi ang lalawigan ng Batangas," saad ng actress-politician.
Pero ayon kay Governor Vi, kung anuman ang nagagawa niya bilang public servant, malaking bahagi nito ay dahil nasa kanyang tabi ang kanyang mister na si Ralph.
"I am proud to say, paniwalaan man ito o hindi, umpisa hanggang huli, hanggang dumaan ang maraming taon, dahil ito ang totoo. Kung meron man po akong magandang ginagawa at ako ay nakakakuha ng positibong feedback sa trabaho ko bilang public servant, I am proud to say because I have my husband as my senior adviser, and I have my husband as my tutor, and I have my husband as my guidance sa lahat po ng aking ginagawa.
"Even sa dokumento, pumapasyal 'yan, quarterly or even once a month just to double check the documents. Kasi sabi niya, 'Maganda ang intensiyon mo, magkamali ka ng dokumento or pirma mo, Ombudsman ka.' And I thank God, up to this time, awa ng Panginoong Diyos, wala pa naman po kaming kasong mag-asawa. And I am really trying my best to be a very good public servant," pahayag niya.
EDU MANZANO. Kung tinanggap sana ni Vilma ang offer na tumakbong Vice President sa ilalim ng administration party, ang Lakas-Kampi-CMD, ay siya sana ang magiging running mate ng presidential bet na si Gibo Teodoro. Ironically, sa huli, ang napiling maging ka-tandem ni Gibo ay ang ex-husband ni Vilma na si Edu Manzano.
Ano ang masasabi ni Vilma sa pagtakbo ng kanyang unang asawa bilang Vice President?
"Alam niyo, si Eduardo, noong huli kasi kaming nag-usap, ang alam ko, senador ang tatakbuhin. Baka in a way, may pagkabigla yung desisyon na Vice President kaagad. Hindi madali yun, e. Pero as I've said, may feeling naman ako na kung mabibigyan siya ng chance to serve, definitely, he will do because he is efficient, matalino, competent. Pero yung klase ng kampanyahan ngayon, hindi talaga ganun kadali. So, kung anuman ang magiging desisyon ni Edu, hindi ko siya masisisi. Politics is not easy," saad ni Governor Vi.
May usap-usapan na parang hindi na tutuloy si Edu sa pagtakbo bilang Vice President, lalo pa't halos walang nakikitang campaign ad ang TV host-actor. Pero wala pang kumpirmasyon sa bagay na ito mula sa kampo ni Edu.
"Totoo ba? Nagsalita na ba siya?" nagugulahan ding tanong ni Vilma. "Kasi, I feel bad for him. Kasi, wish din niya to serve. Gusto niya, e. Kaya lang nga, parang nabigla. But then again, let's respect him kung anuman ang maging desisyon niya. Mabuti nga 'yan, honest. Kung hindi siya preparado at sa tingin niya may diperensiya as early as this, well, galangin natin kung anuman ang magiging desisyon niya."
NOT EASY. Pagdating naman sa kanyang sariling kandidatura, aminado si Vilma na hindi rin ito madali.
"Hindi madali, hindi madali...napagtutulungan na [ng mga kalaban]," sabi niya. "Actually, tatlo against us. Napagtutulungan. Yung gobernador sa isang partido, yung gobernador sa isa pang partido, and then they merged."






========================
MISLEADING ka!!!! sinungaling! Hindi ka dapat IBOTO!!!
bakit saan ba mas marami sa ating bansa mayayaman or mahihirap? dba ang mahihirap? dahil jan sa EVAT ni recto na yan ang mahirap mas lalong naghihirap. Ang mayayaman na mga negosyante mas lalong yumayaman. And besides, kahit mag cocontribute ako ng MALAKI mapapasakamay lang yan ng mga corrupt official.. sa halip ng pugsiin ang korupsyon EVAT ang naging solusyon ni recto na syang nagpalala sa kahirapan ng bayan! at dun sa tanong mo, Hindi ako mayaman just enough to live in a descent lifestyle that i want!
Saan ba napunta ang EVAT na pinataw mo sa taong bayan recto?!!!! wala dba?!! nasa kamay lang ng mga taong korap sa gobyerno!!!!! kaya dapat ngaun pa lang umatras kna sa laban mo kasi HINDI ka kayang masikmura ng taong bayan!!!!!!!!!
Dear mga voters.. please think not only twice but hundred times if these two couples deserve your adulation.
Mga Judas of modern times !
Hey kulapu21, pag-aralan mo muna ang E-VAT na iyan kontra sa isang CORRUPT na BANSA. Wala paring nagbabago dito sa PINAS kahit sampung E-VAT pa ang gawin ni RECTO. Lalo lamang naghihikahos ang BANSA at lalong lumalaki ang CORRUPTION. Ang dapat na pinaglaban noon ni RECTO ang pagsugpo ng CORRUPTION at hindi ang E-VAT na iyan. Sabi nga nila kung walang KURAP walang MAHIRAP! Hindi applicable ang E-VAT sa ating BANSA dahil lalo lamang dumarami ang KURAP. Kulapu ka talaga!
Hey guys.. I just said some repeat some people are not using their heads. Hindi ko nilalahat.. claro!
Topengga thanks for your vote of confidence.
Hope you heard the comments of Gibo during a Student Forum in UST.
Gibo asserted .. more or less .. a good person just don't turn his back to someone who had given him a chance to be in a position abled to serve a nation.
Thunderous applause followed that from the audience.
at yung mga kontra sa kay gov Vi at Sen. Ralph
nasan ba mga utak nyo nasa talampakan ba?...
itaas niyo baka matapakan yan lalo hindi kayo makapagisip nyan..
alam nyo ba kung bakit ang Pilipinas ay naka survive sa global finanacial crisis?
it is because of that EVAT na kinokontra nyo..
kung hindi sa EVAT na yan baka sa kankungan pulutin ang PILIPINAS..