On what is supposed to be her last two weeks on The Buzz, Ruffa Gutierrez (left) walked out on the show, following a comment from co-host Kris Aquino (right) about Ruffa's decision to leave ABS-CBN for TV5. Only minutes later, Ruffa's mother, Annabelle Rama, badmouthed Kris on another show.

Photo: Noel Orsal

Tinanong ni Pia si Annabelle kung ano yung pinag-uusapan nina Kris at Ruffa sa The Buzz bago mag-walkout si Ruffa.

"Alam mo, Pia, wala naman din pakialam si Kris kung aalis si Ruffa. I'm sure matutuwa naman talaga siguro siya. Pero ako, nagpaalam lang ako kay Cory [Vidanes, ABS-CBN TV head], kay Charo [Santos-Concio, ABS-CBN president], at saka kay Linggit Tan [Entertainment Production Head] na i-pull out ko si Ruffa. I did not tell them what's the reason. Pero ngayon, sa ginawa niya kay Ruffa, I have to tell the taong-bayan: Kaya ko pinull out si Ruffa sa The Buzz, unang-una, pambabara ni Kris sa kanya, hindi ko na ma-take.

"Ako, nanay ako, Pia. Ako, nagdudurugo ang puso ko pag si Ruffa umiiyak na sa bahay. Pag-uwi ni Ruffa sa bahay, umiiyak na lang sa akin. Ang sabi, 'Ma, binabara na naman ako ni Kris.' Siya nga inaaway ko. Sabi ko, 'Bakit hindi ka lumalaban, Ruffa? Bakit hindi ka lumalaban sa Kris Aquino na 'yan? Sino ba siya?' Hindi pa nga nananalo kapatid niya, e, yabang-yabang na niya. What more kung manalo si Noynoy, e, di lalo lahat ng showbiz api-apihin niya? Hindi naman tama 'yan, Pia!

"Biro mo, kinukuha niya [Kris] si Ruffa na kumanta kay Noynoy walang bayad, e, umoo na ako! Wala din akong komisyon, e, umoo ako! Dapat makisama siya kay Ruffa, e, wala na nga bayad pagkampanya ni Ruffa, a! E, aapi-apihin pa niya!" tuluy-tuloy na sabi ni Annabelle.

Si Annabelle ba mismo ang nagsabi kay Ruffa na umalis sa set ng The Buzz?

"Ako nagsabi sa kanya na umalis na diyan! Gusto kasi ni Ruffa magtrabaho. 'Hindi! Umalis ka ngayon din diyan! Aapihin ka na naman ni Kris Aquino! Huwag na!'"

Sa huli ay nagbigay ng mensahe si Annabelle para kay Ruffa.

"Alam ko na adik sa trabaho. Alam ko 'yan. Pag trabaho mo naman, e, ginagano'n-gano'n ka nga mga kasama mo, e, hindi na tama ang ganyan. Tama ang pinaalis kita diyan. Buti nakinig ka sa nanay mo. At least, umalis ka na. Sa kabilang istasyon [TV5], may peace of mind. Walang naiinggit sa kanya doon. Walang babara-bara sa kanya doon. Kaya, okay na 'yon na hindi siya babalik sa The Buzz."

Sa pagkakaalam ng PEP ay hanggang March 21 pa sana si Ruffa sa The Buzz. Pero dahil sa nangyari ay mukhang kahapon na ang huling appearance niya sa naturang show.

Isa sa mga programang gagawin ni Ruffa sa TV5 ay ang showbiz-oriented talk show na Paparazzi, kasama sina Cristy Fermin at DJ Mo Twister. Ang timeslot nito ay makakatapat ng The Buzz ng ABS-CBN at Showbiz Central ng GMA-7.

Napag-alaman din ng PEP na mainit ngayon ang mga mata ng ABS-CBN sa TV5, at walang balak ang higanteng network (ABS-CBN) na bigyan ng anumang show o ipag-guest man lang ang sinumang artista nitong magkakaroon ng show sa bagong network (TV5), kahit  non-exclusive contracts ang inaalok ng huli sa mga artista.

EXCHANGE OF TEXT MESSAGES. Ilang oras pa rin lang ang nakakaraan mula nang nangyari ang insidente sa The Buzz at Showbiz Central, nagliparan na ang mga text messages mula umano sa magkabilang kampo.

Mula umano sa kampo ni Ruffa Gutierrez, ito ang text message na natanggap ni PEP editor-in-chief Jo-Ann Maglipon: "Bastos talaga si kris aquino hindi na kinaya ni ruffa nagwalk out na siya ngayon. Sobrang abusado d pa nanalo presidente kapatid niya super yabang niya. Bruha talaga pangit at mababa naman rating [ng] kung tayo magkakalayo at snn. Nakakasuka na siya. Thanks."

Hindi malinaw kung alam ni Ruffa, o may permiso kay Ruffa, ang pagpapadala ng text message na ito.

Mula umano sa kampo ni Kris Aquino, ito ang natanggap ni Ms. Maglipon: "Nakakita ng rason si Ruffa Gutierrez para pagtakpan ang ginawa niyang pagwawalang-hiya sa ABS-CBN! Gumigimik sila ng ina niyang si Annabelle Rama at Kris' and ABS-CBN's expense! Di pa man tapos ang contract niya sa ABS-CBN, nakatakda na ang pagpirma niya sa Channel 5. Isang malaking kabastusan ang ginawa niya sa ABS-CBN! Lumipat siya kay Villar dahil walang maibigay sa kanyang pera ang kampo ni Noynoy! Wala man lang decency na i-inform si Kris kung itinuring niya itong kaibigan. Pera pera lang ang lahat ng ito! Wag mo nang gamitin ang ABS-CBN sa gimik mo, Ruffa! Tumanaw ka lang ng utang na loob sa station na bumuhay sa career mo! At huwag mo nang gamitin ang network para magpaawa. Kilala namin ang karakas ng pamilya mo! Lalo na si Annabelle Rama! Huwag na kayong magmalinis! Hindi bobo ang Pilipino!"