news

PART 1: Ruffa Gutierrez walks out on The Buzz because of Kris Aquino
by Erwin Santiago & Elyas Isabelo Salanga posted on March 8, 2010  STATS: 266235 Views | 1005 Comments

 

On what is supposed to be her last two weeks on The Buzz, Ruffa Gutierrez (left) walked out on the show, following a comment from co-host Kris Aquino (right) about Ruffa's decision to leave ABS-CBN for TV5. Only minutes later, Ruffa's mother, Annabelle Rama, badmouthed Kris on another show.

Photo By: Noel Orsal

Marami ang nagulat nang biglang pumutok ang balitang nag-walkout si Ruffa Gutierrez sa showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz kahapon, March 7. Isa si Ruffa sa hosts ng programa, kasama sina Kris Aquino at Boy Abunda.

Sa "P.O.V." segment ng The Buzz kahapon ay biglang naging emosyonal si Ruffa nang biruin siya ni Kris ng: "Ruffa, aminin mo, ibang level ang saya dito." Ang tinutukoy umano ni Kris ay ang nakatakdang paglipat ni Ruffa sa TV5. Lilisanin na ni Ruffa ang ABS-CBN at ang The Buzz dalawang linggo mula ngayon.

Pagkatapos ng sinabi ni Kris ay sinagot naman siya ni Ruffa ng ganito: "Well, I know, you don't have to rub it in, Kris. Siyempre, I'm sad din, so sana huwag mo namang, you know, dagdagan."

Ngunit sa puntong ito ay kitang-kita ang pangingilid ng luha sa mga mata ni Ruffa, at halatang pinipigilan niya ang pag-iyak.

Bago mag-commercial gap ay nakitang tumayo si Ruffa sa kinauupuan niya habang nakaupo pa sina Kris at Boy.

Ilang sandali pagkatapos ng naturang eksena ay napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na tuluyan nang nag-walkout si Ruffa at hindi na tinapos ang show. Ayon sa naiulat sa PEP Alert kahapon, na impormasyong halaw sa kampo ni Ruffa, "Umiiyak na umalis ng The Buzz si Ruffa Gutierrez dahil sa mga pangbabara sa kanya ni Kris Aquino."

ANNABELLE STRIKES BACK. Hindi pa man natatapos ang The Buzz ay nakakuha naman ng exclusive phone-patch interview ang katapat nitong programa sa GMA-7, ang Showbiz Central, sa ina ni Ruffa na si Annabelle Rama.

Isang nagpupuyos sa galit na Tita Annabelle (ang tawag sa showbiz sa ina ni Ruffa) ang nakausap ni Pia Guanio sa kabilang linya.

Unang tanong ni Pia kay Annabelle ay kung nasaan na si Ruffa nang sandaling iyon.

"Pinapauwi ko na siya, Pia," sagot ng ina ni Ruffa. "Alam mo, ang reason ko diyan kung bakit pinull out ko diyan si Ruffa sa The Buzz, dahil hindi ko na ma-take na every Sunday ay binabara siya lagi ni Kris, okay? Kaya lagi kami nag-aaway ni Ruffa. Sabi ko, 'Bakit hindi ka lumalaban kay Kris? Sino ba siya?'

"Alam mo, Pia, hindi maganda ginagawa ni Kris kay Ruffa, e. Hindi pa nga nananalo si Noynoy [Aquino, kapatid ni Kris] as presidente, e, ang yabang-yabang na niya! What more kung nanalo pa si Noynoy? E, di kawawa lahat ng artista, lalong-lalo na 'yong mga maliliit na nag-uumpisa pa lang. Hindi magtatagal. Si Ruffa every Sunday binabara niya. Ano, naiinggit ba siya kay Ruffa?"

Tinanong ni Pia si Annabelle kung ano sa palagay niya ang dahilan kung bakit "binabara" ni Kris si Ruffa.

"Nainggit kay Ruffa siguro! Naiinggit siya kay Ruffa!" sagot ni Annabelle. "Kaya ako nananawagan sa taong-bayan, huwag n'yo iboboto si Noynoy kasi hindi pa nga nananalo si Noynoy, e, ang yabang-yabang na ni Kris. Akala mo siya ang may-ari ng showbiz!"

Totoo bang umiyak si Ruffa sa isang restaurant sa Tomas Morato?

"Umiyak si Ruffa. Kanina pa sa dressing room. Sabi ko, 'Umalis ka na diyan sa The Buzz,' sabi ko sa kanya. Iyan kasi, makulit, e! Gusto niya magtrabaho! Ruffa, naintindihan kita na nagtratrabaho sa The Buzz. Pero kung babastusin ka naman ni Kris, e, hindi naman tama 'yon! At hindi ka lumalaban! Bakit ba naman ganoon? Bakit mo pinabayaan na lait-laitin ka diyan?'"

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1005 Comments

  • 805  leedemi

    03/09/2010 | 05:06 AM
    I don't watch The Buzz that often, pero palagay ko Kris is very confident that she is the best host at lahat ng tao ay paniwala sa kanya. Siguro wala pang nakakapagsabi sa kanya ng negative comments, maybe this is now the time to check your self,Kris.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 804  r2kin2

    03/09/2010 | 05:05 AM
    dun sa issue na bakit napasali si noynoy sa gulo . eto lang masasasabi ko while walang kinalaman si noynoy dun, ganun talaga yon.. wag na kayongh magtaka. you both are public figures specially noynoy at running for office. kaya kung ako kay kris. mag leave of absence ka nalang. That is the noblest thing you can do now for your parents. tikom mo bibig mo hija. sumosobra kana kasi. you;re no longer amusing. tandaan ang bato hinagis pataas, babagsak din pababa.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 803  r2kin2

    03/09/2010 | 04:59 AM
    ruffa was very emotional at that moment, sympre last day na nya. gusto lang nya mag paalam ng maayos. kris, even she said its all but spirit of fun and untentional to hurt feelings, hindi mo maalis na sumama ang loob ng tao. Kris drove her into uncomfortable situation in front of national TV. Ruffa wants to exit gracefully. Dahil sa feeling untouchable na si Kris , hindi nya na preno ang bibig nya at sasabihin nya lahat ng gusto nya.

    ung sinabi ni annabel na quot; hindi pa nga presidente si noynoyquot; ang yabang yabang na ni Kris... parang syang may ari ng showbiz... - while ober statement yon... in a sense maaring mangyari. hindi mayabang si kris. ober confident at self-assuring lang sya. aalis daw sya bansa at magtratrabaho nalang sya sa TFC ABS-CBN din. Quite reassuring talaga na makukuha nya ang trabaho abroad. Saan ang humbleness dun. Quite re-assuring talaga sya.. power tripping.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 802  tfc4ever2

    03/09/2010 | 04:39 AM
    Ikaw bisaya hindi mo kami pwedeng diktahan kung sino ang iboboto namin. Kung ayaw mo syang iboto eh di bahala ka. Alam naman naming ang iboboto mo yung may pera kasi mukha kang pera. Kahit si Wilma Galvante kung ano ano rin ang sinabi mo pero nakikinabang ka pa rin sa kanila di ba. Pera lang ang katapat mo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 801  noypi2456

    03/09/2010 | 04:37 AM
    we were able to watch the POV portion of the Buzz last Sunday, 7th March. there was no sense for ruffa to have walked out. it was an overreaction on her part...lastly, please tell us what brand of celphone did the sender used to send the text message from ms kris' camp? im interested coz it has a lot of characters to be sent in just one instance.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 800  fanhan

    03/09/2010 | 04:25 AM
    at saka aminin man natin o hindi, si James lang ang mag tiya-tiyaga kay Kris. She expressed admiration for Derek years ago when he was just starting showbiz. Buti naman this guy is decent at hindi naman pinatulan.

    Lumuliit talaga ang tingin koy Kris habang tumatagal. Alam mo yun? She's very full of herself...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 799  happychick

    03/09/2010 | 04:22 AM
    nilait ba ni Kris si Ruffa?? ung ibang comments yan ang sinasabi...napanood ko ung incident at sa tingin ko walang panglalait, its simply saying masaya sila dun - si ruffa lng ang nag react, sya din ang nag walk out..si kris naka ngiti pa ng sinabi yan, ung iba parang di nman napanood eh may reaction na aga! oo nga pareho lng si ruffa at kris - tama naman si kris na mag ex halos lahat sa phils showbiz, pero si kris nagbago at kasal na sya ngaun...di ba nga ilang beses si kris nagsabi kay ruffa na mahalin nyang mom nya, kausapin na everytime na mag away sila. Kya kahit pano may nagawang maganda si kris kay ruffa - ewan lang kung ganyan influence ni cristy and mo kay ruffa!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 798  ABSlol2GMA

    03/09/2010 | 04:13 AM
    Uyyyy iyong ibang mga kapuso, friend ngayon kay Perabel dahil mas kalaban nila ang ABS at si Kris. Mga balimbing!LOL
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 797  fanhan

    03/09/2010 | 03:57 AM
    anabelle might have just overreacted. taklesa din naman. naka hanap din si kris ng katapat nya who is equally ba s t o s.

    sosyal nga si kris and intelligent but sadly, b a s tos talaga ang babaeng ito.

    the waking out incident was a trigger of something that's been happening on the buzz. syempre, maiiyak si ruffa dahil aalis na nga, may parinig pa itong si kris.

    hindi mo naman talaga mapipigilan pag iiyak ka na eh. so better walk out that mag mukha kang ta n ga.

    and i should say, yes, it's highly possible that kris is insecure. remember that charlene gonzales incident when she said PA STAR KA HA.. and then as educated as Charlene is, nag smile lang. at inulit pa talaga nyang sabihin PA STAR KA! in which Charlene asked KRIS DO YOU HAVE A PROBLEM WITH MY DRESS??! hhaha

    gosh! can someone pls tell her to GROW UP???
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 796  mariac2

    03/09/2010 | 03:50 AM
    kris is never ever gonna change...siya lang ang mayaman na napakayabang and sino naman na maniniwala na mabait ito eh in laws nga niya di niya mabati sa tv and si James na ang pinakastupid, owwver ang pasasalamat kay Cory na tuwang tuwa naman si Kris. what about his parents? oh well ...problem kay Ruffa alam niya na bully yan ang totoo si Kris, nagpaka diplomatic pa siya with self pity! So siya ang talo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 795  shellphone

    03/09/2010 | 03:40 AM
    Si bisaya sumingit na naman sa usapan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 794  yoj_nj

    03/09/2010 | 03:36 AM
    I think OA naman yung reaction ni Ruffa na mag walk-out! lalo naman yung reaction ni Annabelle Rama na pati yung pagtakbo ni Noynoy eh dinamay pa. I think I can agree dun sa opinion nung nag text kay Ms. Maglipon na gumagawa lang ng gimik yung kampo nila Ruffa para hindi sila magmukhang engrata! lalo na napakagaling ng Mom ni Ruffa na gumawa ng gimik. Wala naman akong nakitang masama sa sinabi ni Kris na quot;Aminin mo Ruffa, ibang level ang saya ditoquot;. Bilang magkakatrabaho ng ilang taon that is a normal comment. Very inteligent lang talaga si Kris and has a very smart comment on everything and hindi na problema ni Kris yun kung hindi siya ma-handle ni Ruffa. Saka there were a lot of times naman na kino-compliment ni Kris si Ruffa.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 793  gingersnap

    03/09/2010 | 03:32 AM
    noon ko pa napapansin yan sa the buzz. madalas talaga barahin ni kris si ruffa. nagsasalita pa si ruffa sumisingit na si kris ng ibang topic. parang feeling nya walang kwenta ang sasabihin ni ruffa. naturingan namang matalino pero bastos nga si kris. kahit kay boy ginagawa nya yan. she needs to know na hindi lang ang opinyon nya ang kailangan marinig ng mga tao and that sometimes she needs to shut her mouth and let other people be heard.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 792  pingot78

    03/09/2010 | 03:27 AM
    hmm ano na naman kaya sagot ni kistita? nako wala na mom mo magtaganggol sa mga kabastosan mo! tingnan natin pag 50 ka na ano ugali at itsura mo
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 791  beybong

    03/09/2010 | 03:12 AM
    Bastos talaga si kris!! inggit na inggit sa mga artistang mas maganda sa kanya!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 790  kikay0180

    03/09/2010 | 03:02 AM
    Ang kapal ng mukha mo KRIS AQUINO!!! Who do u think u are? Ano na ba ang naaccomplish mo sa buhay mo at sobra kang mangbara kay RUFFA? Napakainsecure mo!! Porket mas maganda at sexy c ruffa sayo, lalait-laitin mo na in front of da whole world. Marami ka rin namang baho sa katawan mo ha! one of them was joey marquez!! ngayon naman sarili mong asawa hindi makastay sa yo. it only shows there's something wrong with u!! i hope ikaw na lng ang umalis sa BUZZ instead of RUFFA
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 789  gracefer2009

    03/09/2010 | 03:01 AM
    wala talaga aral si BISAYA! si roffa naman mama's girl! MATANDA KANA ROFFA! D NAMAN KAYO SIKAT EH! DAPAT SI ANABEL NALANG ANG ENDORSER SI NOYNOY PARA WALA GULO HAHHAHA INSECURE KASI SI BISAYA KAY DINGDONG DAHIL MAS MAGALING AT SIKAT SI DINGDONG NGAYUN!

    ANABEL SHUT UR MOUTH!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 788  shai_nov27

    03/09/2010 | 02:38 AM
    question: can't find anything offensive sa comment ni kris na 'Ruffa aminin mo, ibagn level ang saya dito' ... not a big fan of Kris ... even sa American Idol there's always an exchange of remarks ... kaya nga talk show eh ... dapat to be an effective host kaya mong sanggahan ang lahat ng mga binabato sa iyo di ba ... so everytime na lang na ma offend c ruffa sa mga ka co-host niya mag walk out cya ... Cristy Fermin is also a tackless lady ... so Ruffa will be doing a lot of walk outs sa channel 5? Tama c Annabelle kung noon pa 'binabara' ni Kris c Ruffa bakit di lumaban c Ruffa ... what a coincidence na kung kailan lang malapit lumipat c Ruffa sa 5 tsaka lang cya nag react sa pambabara ni Kris ... poor timing ... tsaka please Raymond/Raymund politics has nothing to do with Kris comments about Ruffa moving to Channel 5 ...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 787  lissy_me

    03/09/2010 | 02:23 AM
    ruffa is in showbiz na for a long time. ang being a host of a showbiz news show, she should have the guts to accept whatever will be thrown at her. kasi pinagkikitaan nyo nga ang lives ng mga artista. tapos f sa yo, hndi mo makakaya mgwalk out ka. you should not host at all sa ganun klaseng show f hndi mo kaya. you are being hypocrite ruffa.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 786  lissy_me

    03/09/2010 | 02:19 AM
    hndi pala ako ang ng iisip na ginagamit lng ni annabel ang issue to make ruffa controversial kasi lilipat sya. it was really petty. if you are a professional, you should not walk out on a show. a show na png showbiz pa. pano f sya ang issue next time sa show nila, walk out din sya?

    lilipat din si jc de vera i think sa tv5. another talent of annabelle rama. sa tv5 na naman mghahasik ng lagim si annabelle. very unprofessional tlaga si annabelle pati si noynoy nadamay. downfall tlga nila nanay nila.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About