news

PART 1: Ruffa Gutierrez walks out on The Buzz because of Kris Aquino
by Erwin Santiago & Elyas Isabelo Salanga posted on March 8, 2010  STATS: 266049 Views | 1005 Comments

 

On what is supposed to be her last two weeks on The Buzz, Ruffa Gutierrez (left) walked out on the show, following a comment from co-host Kris Aquino (right) about Ruffa's decision to leave ABS-CBN for TV5. Only minutes later, Ruffa's mother, Annabelle Rama, badmouthed Kris on another show.

Photo By: Noel Orsal

Marami ang nagulat nang biglang pumutok ang balitang nag-walkout si Ruffa Gutierrez sa showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz kahapon, March 7. Isa si Ruffa sa hosts ng programa, kasama sina Kris Aquino at Boy Abunda.

Sa "P.O.V." segment ng The Buzz kahapon ay biglang naging emosyonal si Ruffa nang biruin siya ni Kris ng: "Ruffa, aminin mo, ibang level ang saya dito." Ang tinutukoy umano ni Kris ay ang nakatakdang paglipat ni Ruffa sa TV5. Lilisanin na ni Ruffa ang ABS-CBN at ang The Buzz dalawang linggo mula ngayon.

Pagkatapos ng sinabi ni Kris ay sinagot naman siya ni Ruffa ng ganito: "Well, I know, you don't have to rub it in, Kris. Siyempre, I'm sad din, so sana huwag mo namang, you know, dagdagan."

Ngunit sa puntong ito ay kitang-kita ang pangingilid ng luha sa mga mata ni Ruffa, at halatang pinipigilan niya ang pag-iyak.

Bago mag-commercial gap ay nakitang tumayo si Ruffa sa kinauupuan niya habang nakaupo pa sina Kris at Boy.

Ilang sandali pagkatapos ng naturang eksena ay napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na tuluyan nang nag-walkout si Ruffa at hindi na tinapos ang show. Ayon sa naiulat sa PEP Alert kahapon, na impormasyong halaw sa kampo ni Ruffa, "Umiiyak na umalis ng The Buzz si Ruffa Gutierrez dahil sa mga pangbabara sa kanya ni Kris Aquino."

ANNABELLE STRIKES BACK. Hindi pa man natatapos ang The Buzz ay nakakuha naman ng exclusive phone-patch interview ang katapat nitong programa sa GMA-7, ang Showbiz Central, sa ina ni Ruffa na si Annabelle Rama.

Isang nagpupuyos sa galit na Tita Annabelle (ang tawag sa showbiz sa ina ni Ruffa) ang nakausap ni Pia Guanio sa kabilang linya.

Unang tanong ni Pia kay Annabelle ay kung nasaan na si Ruffa nang sandaling iyon.

"Pinapauwi ko na siya, Pia," sagot ng ina ni Ruffa. "Alam mo, ang reason ko diyan kung bakit pinull out ko diyan si Ruffa sa The Buzz, dahil hindi ko na ma-take na every Sunday ay binabara siya lagi ni Kris, okay? Kaya lagi kami nag-aaway ni Ruffa. Sabi ko, 'Bakit hindi ka lumalaban kay Kris? Sino ba siya?'

"Alam mo, Pia, hindi maganda ginagawa ni Kris kay Ruffa, e. Hindi pa nga nananalo si Noynoy [Aquino, kapatid ni Kris] as presidente, e, ang yabang-yabang na niya! What more kung nanalo pa si Noynoy? E, di kawawa lahat ng artista, lalong-lalo na 'yong mga maliliit na nag-uumpisa pa lang. Hindi magtatagal. Si Ruffa every Sunday binabara niya. Ano, naiinggit ba siya kay Ruffa?"

Tinanong ni Pia si Annabelle kung ano sa palagay niya ang dahilan kung bakit "binabara" ni Kris si Ruffa.

"Nainggit kay Ruffa siguro! Naiinggit siya kay Ruffa!" sagot ni Annabelle. "Kaya ako nananawagan sa taong-bayan, huwag n'yo iboboto si Noynoy kasi hindi pa nga nananalo si Noynoy, e, ang yabang-yabang na ni Kris. Akala mo siya ang may-ari ng showbiz!"

Totoo bang umiyak si Ruffa sa isang restaurant sa Tomas Morato?

"Umiyak si Ruffa. Kanina pa sa dressing room. Sabi ko, 'Umalis ka na diyan sa The Buzz,' sabi ko sa kanya. Iyan kasi, makulit, e! Gusto niya magtrabaho! Ruffa, naintindihan kita na nagtratrabaho sa The Buzz. Pero kung babastusin ka naman ni Kris, e, hindi naman tama 'yon! At hindi ka lumalaban! Bakit ba naman ganoon? Bakit mo pinabayaan na lait-laitin ka diyan?'"

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1005 Comments

  • 785  czeska221

    03/09/2010 | 02:17 AM
    If i were Kris sorry lng xa kay Ruffa huwag lng kay Perabel na yan, grabe naman xa, parang mal-edukada kng makapagsalita. pati ang anak na baklito ganun din. kailangan ng isang palengkera din sa showbiz na ipantapat kay anEvil na yan, kahit kailan mukha nya parang pera.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 784  saintmulder10

    03/09/2010 | 02:13 AM
    I think AnEvil did this to cover up so people won't see the utang na loob factor with Ruffa's transfer to TV5. This is the same style she did with JC De Vera, pull him out of Panday Kids just because he was not interviewed in SOP. Is he the Panday Kids, to begin with?
    TV5, this is a wrong move for your station. The negative issues your TV station is getting would surely rub on you soon...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 783  d_force_2brw

    03/09/2010 | 02:04 AM
    mabuti nagising ka na din ruffa sa mga ginagawa sayo ni kris. alam namin as viewers at matagal na. b a s t o s talaga ang asal ni kris. ako maka-cory ako pero sana yung isang fav na anak maghunos dili baga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 782  gapoboy

    03/09/2010 | 02:03 AM
    it's all showbiz, since she is departing ABS-CBN she need a fresh topic to open up her new show in TV5. So why not create a firestorm using the so called media queen. This is good for rating and audience perception reality showbiz. Nothing new here, let's go to another scenario.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 781  Akosijune

    03/09/2010 | 01:57 AM
    mayflower11

    kaya pala ganyan comment mo kasi di ka nanood ng episode nung march 7. manood ka dalliiii ng di ka bias. naman.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 780  splatter2000

    03/09/2010 | 01:53 AM
    annabelle rama..you sucks!!! at baket ma-iinggit si Kris kay Ruffa, mas marami atang achievement si Kris kesa kay Ruffa! ang sbihin mo Annabelle Rama, mukha kang pera! alagaan mo nalang asawa mo no!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 779  lechonmanok

    03/09/2010 | 01:51 AM
    ang taray naman ni fafa raymond
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 778  pingot78

    03/09/2010 | 01:49 AM
    I noticed that a long long time ago...ako lang naaawa kay ruffa kasi napapahiya sha lagi
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 777  ABSlol2GMA

    03/09/2010 | 01:48 AM
    662
    mozart2010
    March 8, 2010
    22:20 PM o i thought di bitter mga kapampams pag may umaalis na talent??? kala ko may breeding kasi mga sosyal kayo at edukado?? how come panay maaanghang mga comments nyo kay RG coz she's seeking greener pasture?? quo vadis ba??
    =========
    Sa pag-alis ba niya sa ABS or sa pag-wo-walk-out niya? Huwag mong ilihis ang usapan. Mag-isip ka. Nakarinig kaba sa ABS or mga kapamilya about the transfer? This is about the walk-out at ang pagpapa-interview ni Perabel sa SC na idinamay pa si Noynoy. Did you watch that POV segment? use your mind para mag-isip. Is there a reason para mag-walk-out at that segment? If it's still yes for you, kapuso ka nga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 776  pinoyako24

    03/09/2010 | 01:48 AM
    pera lang ang katapat sa pamilya gutierrez!!! lalo na sa nanay nilang mukhang pera!!! pag di nadapuan ng kwarta ang palad nagwawala na!!! wala raw nakukuha si ruffa sa pageendorso kay noynoy kaya pinapaalis na ng mukhang pera niyang nanay...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 775  puckerlips143

    03/09/2010 | 01:48 AM
    I like ruffa and Richard but not their mom kakaloka si Annabelle as in dati matatawa ka sa kanya after nung nagkasakit lumala ang bru-h-a.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 774  pepato

    03/09/2010 | 01:47 AM
    731
    ABSlol2GMA
    March 9, 2010
    01:42 AM

    Ay naputol message mo. San na yung karugtong =D
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 773  puckerlips143

    03/09/2010 | 01:42 AM
    papanoorin ko lang ulit ang the buzz kung ang papalit Kay ruffa ay si greta I want to see Kung pano magbarahan ang dalawa I knw they both can't stand each other bonggacious yan at pag nagkataon para na rin nakaganti si ruffa sa emotional distress na nafefeel Nya twing the buzz.....I like noy but not kris she's bastos and arrogant a self centered bi-yatch.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 772  ABSlol2GMA

    03/09/2010 | 01:42 AM
    726
    pepato
    March 9, 2010
    01:32 AM Kaya naiyak si Ruffa kasi labag sa dibdib nya ang paglipat sa TV5. Pinalaki lang ng mahadera nyang nanay ang isyu at hinaluan pa ng pulitika para makasira lang sya ng iba at ng hindi ma-offend ang TV5 sa nangyariga pag-amin ni Ruffa.

    Sa lahat naman kasi ng show ng TV5 na lilipatan ni Ruffa yung show pa na kasama si Cristy Fermin ang pinili nya...EW!

    In fairness maganda naman sa TV5 yung show ni Lucy at Talentadong Pinoy.

    ======
    Ngayon nga sinasabi ni Perabel na sa simula pa raw ng show binabara na si Ruffa ni Kris? Bakit naghintay pa sila ng POV segment para mag-walk-out? Alam kasi nila na walang masamang sinabi si Kris sa pagwo-walk-out nila. Kaya ayun, before daw ng show at iyong past ang sinasabi ngayon na dahilan. Bottom line is gusto nilang mag-ingay sa paglipat ni Ruffa. Give it a few months at malalaman natin kung sino ang makakarma. Ano bang ipinagmamalaki ni Ruffa sa hosting? May pangalan si
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 771  pinoyako24

    03/09/2010 | 01:40 AM
    ano bang sinabi ni kris? ang sabi niya lang naman mas ibang level ang saya sa the buzz. parang ganun lang nagsimula na naman 'tong pamilya gutierrez na'to!!! nagpa interview na kaagad sa showbiz central si bisaya... para ano??? para mapagtakpan niyo yung pambabastos niyo sa abs-cbn kasi nakapirma na kayo sa kabilang station di na natatakot si ruffa na umalis sa the buzz kasi may kapalit naman na siyang show!!! ang babaw niyo pamilya gutierrez!!! mahiya nga kayo sa mga pagmumukha niyo!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 770  mayflower11

    03/09/2010 | 01:37 AM
    The truth is may na-hurt ang feelings ng maraming beses, at may isang walang pakielam sa feelings ng isang tao. Sobrang nakakahiya ang ugali,kita pa naman sa buong mundo kung paano niya ipahiya ang kasama, she may have the influence kaya wala makapagsabi na wala na cya ethics in TV. Now, we can see what envy and insecurity can do. Too many times I have watched the show and I dont need to review that last episode bec. I and the whole world had witnessed the bratty remarks and opinions she gave. To my surprise no one has say something, even the third host, maybe he's scared to hurt the bratty feelings at the expense of the other host. We know who's being hurt, I pray for her to get more jobs bec. she is very talented actress.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 769  pepato

    03/09/2010 | 01:35 AM
    725
    tik_tik
    March 9, 2010
    01:32 AM

    Korak! Kaso kahit pa gumawa sila ng ganyang gimik wala pa ring interes ang tao sa show na may Cristy Fermin at Mo Twister...DUH!

    LOL!!! =D
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 768  maine_east21

    03/09/2010 | 01:33 AM
    parehas ko naman ayaw si kris and ruffa.. pati si boy abunda ayaw ko din eek.. kapuso ako kaya magpatayan na kayo and i couldnt care less.. ayaw ko kay kris kasi iba sya magsalita.. talagang lagi syang nangbabara ng kausap.. ayaw ko naman kay ruffa is ung kaartehan nya.. ay bahala na kayo..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 767  pepato

    03/09/2010 | 01:32 AM
    Kaya naiyak si Ruffa kasi labag sa dibdib nya ang paglipat sa TV5. Pinalaki lang ng mahadera nyang nanay ang isyu at hinaluan pa ng pulitika para makasira lang sya ng iba at ng hindi ma-offend ang TV5 sa nangyariga pag-amin ni Ruffa.

    Sa lahat naman kasi ng show ng TV5 na lilipatan ni Ruffa yung show pa na kasama si Cristy Fermin ang pinili nya...EW!

    In fairness maganda naman sa TV5 yung show ni Lucy at Talentadong Pinoy.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 766  tik_tik

    03/09/2010 | 01:32 AM
    kawawang kris naging biktima ni anabelle rama para lang pasikatin ang bagong programang ni ruffa sa tv5. ang gandang pagkakataon ang nangyari at talagang itinaon nang maginang ruffa at anabelle na kung mag okray si kris ay gagawin nila ang pag walk out ni ruffa. nakahanda na lahat ang kanilang sasabihin sa media, planado na lahat. sino ba si ruffa? hindi naman siya sikat madalang ang pelikula at ang alam lang naman ay mag pasosyal. si anabelle magaling gumawa ng gimmick kahit walang k ang anak ginagawan niya ng gimik para lang mapagusapan. kahit ganyan si kris mas totoong tao siya taklesa kasi kaya napapansin at sasabihin pa ni anabelle na matagal na raw ginagawa ni kris kay ruffa ang pambabara kaya nakakita sila ng tamang pagkakataon para mapagusapan ang bagong programa ni ruffa sa tv5.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About