news

PART 1: Ruffa Gutierrez walks out on The Buzz because of Kris Aquino
by Erwin Santiago & Elyas Isabelo Salanga posted on March 8, 2010  STATS: 266134 Views | 1005 Comments

 

On what is supposed to be her last two weeks on The Buzz, Ruffa Gutierrez (left) walked out on the show, following a comment from co-host Kris Aquino (right) about Ruffa's decision to leave ABS-CBN for TV5. Only minutes later, Ruffa's mother, Annabelle Rama, badmouthed Kris on another show.

Photo By: Noel Orsal

Marami ang nagulat nang biglang pumutok ang balitang nag-walkout si Ruffa Gutierrez sa showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz kahapon, March 7. Isa si Ruffa sa hosts ng programa, kasama sina Kris Aquino at Boy Abunda.

Sa "P.O.V." segment ng The Buzz kahapon ay biglang naging emosyonal si Ruffa nang biruin siya ni Kris ng: "Ruffa, aminin mo, ibang level ang saya dito." Ang tinutukoy umano ni Kris ay ang nakatakdang paglipat ni Ruffa sa TV5. Lilisanin na ni Ruffa ang ABS-CBN at ang The Buzz dalawang linggo mula ngayon.

Pagkatapos ng sinabi ni Kris ay sinagot naman siya ni Ruffa ng ganito: "Well, I know, you don't have to rub it in, Kris. Siyempre, I'm sad din, so sana huwag mo namang, you know, dagdagan."

Ngunit sa puntong ito ay kitang-kita ang pangingilid ng luha sa mga mata ni Ruffa, at halatang pinipigilan niya ang pag-iyak.

Bago mag-commercial gap ay nakitang tumayo si Ruffa sa kinauupuan niya habang nakaupo pa sina Kris at Boy.

Ilang sandali pagkatapos ng naturang eksena ay napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na tuluyan nang nag-walkout si Ruffa at hindi na tinapos ang show. Ayon sa naiulat sa PEP Alert kahapon, na impormasyong halaw sa kampo ni Ruffa, "Umiiyak na umalis ng The Buzz si Ruffa Gutierrez dahil sa mga pangbabara sa kanya ni Kris Aquino."

ANNABELLE STRIKES BACK. Hindi pa man natatapos ang The Buzz ay nakakuha naman ng exclusive phone-patch interview ang katapat nitong programa sa GMA-7, ang Showbiz Central, sa ina ni Ruffa na si Annabelle Rama.

Isang nagpupuyos sa galit na Tita Annabelle (ang tawag sa showbiz sa ina ni Ruffa) ang nakausap ni Pia Guanio sa kabilang linya.

Unang tanong ni Pia kay Annabelle ay kung nasaan na si Ruffa nang sandaling iyon.

"Pinapauwi ko na siya, Pia," sagot ng ina ni Ruffa. "Alam mo, ang reason ko diyan kung bakit pinull out ko diyan si Ruffa sa The Buzz, dahil hindi ko na ma-take na every Sunday ay binabara siya lagi ni Kris, okay? Kaya lagi kami nag-aaway ni Ruffa. Sabi ko, 'Bakit hindi ka lumalaban kay Kris? Sino ba siya?'

"Alam mo, Pia, hindi maganda ginagawa ni Kris kay Ruffa, e. Hindi pa nga nananalo si Noynoy [Aquino, kapatid ni Kris] as presidente, e, ang yabang-yabang na niya! What more kung nanalo pa si Noynoy? E, di kawawa lahat ng artista, lalong-lalo na 'yong mga maliliit na nag-uumpisa pa lang. Hindi magtatagal. Si Ruffa every Sunday binabara niya. Ano, naiinggit ba siya kay Ruffa?"

Tinanong ni Pia si Annabelle kung ano sa palagay niya ang dahilan kung bakit "binabara" ni Kris si Ruffa.

"Nainggit kay Ruffa siguro! Naiinggit siya kay Ruffa!" sagot ni Annabelle. "Kaya ako nananawagan sa taong-bayan, huwag n'yo iboboto si Noynoy kasi hindi pa nga nananalo si Noynoy, e, ang yabang-yabang na ni Kris. Akala mo siya ang may-ari ng showbiz!"

Totoo bang umiyak si Ruffa sa isang restaurant sa Tomas Morato?

"Umiyak si Ruffa. Kanina pa sa dressing room. Sabi ko, 'Umalis ka na diyan sa The Buzz,' sabi ko sa kanya. Iyan kasi, makulit, e! Gusto niya magtrabaho! Ruffa, naintindihan kita na nagtratrabaho sa The Buzz. Pero kung babastusin ka naman ni Kris, e, hindi naman tama 'yon! At hindi ka lumalaban! Bakit ba naman ganoon? Bakit mo pinabayaan na lait-laitin ka diyan?'"

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1005 Comments

  • 745  HZamora118

    03/09/2010 | 12:13 AM
    Ruffa is such a cry baby! Dapat matagal na yang tinanggal sa TheBuzz dahil wala na syang sinabi kundi quot;Oh my goshquot; and quot;Grabequot;.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 744  beautifulLIFE

    03/09/2010 | 12:05 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 743  kooracha

    03/09/2010 | 12:03 AM
    Kahit hate na hate ko ang pagiging walang breeding ni Anabelle, gusto ko na sana si Ruffa noon. Pero sa ginawa nila kay Kris at idinamay pa si Noynoy, adwang adwa na ako sa kanila.

    Nakakaumay at nakakasuka na talaga ang gimmick ng mag-inang ito. Ewan ko kung may naniniwala at nakikinig pa kay Anabelle.. walang credibility ang pamilyang yan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 742  ABSlol2GMA

    03/09/2010 | 12:01 AM
    Cont.- Dapat i-ban ng ABS ang mga Gutierrezes sa ABS para hindi na maghasik ng lagim. Nagiging cheap tuloy ang showbiz dahil sa kanila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 741  ABSlol2GMA

    03/09/2010 | 12:00 AM
    If you watch that episode, there was nothing wrong sa tanong ni Kris. I admit na madalas hindi makasingit si Ruffa pag nagsasalita si Boy at lalu na kay Kris pero that is not the moment para magwalk-out sila. Napaka-unprofessional ng ginawa nilang mag-ina. At lalong napaka mal edukada ng ginawa ng nanay sa pag diretso niya sa SC. Pati si Noynoy isinali. Naisip kaya ni Perabel na presidente ang nanay at hero ang turing sa tatay ni Kris? Ano iyong kayabangan na sinasabi niya? Tumingin kaya siya sa salamin at makikita niya ang kayabangan na sinasabi niya. Bottom line is ayaw ni Ruffa na umalis sa The Buzz at nasunod si Perabel dahil malaki ang perang involve. Or Hindi kaya dahil ang pinag-uusapan at that POV ay si John Lloyd with Shaina? Selos? Whatever the reason, hindi justifiable ang ginawa ng mag-inang ito. Ginamit nila ang ABS at si Kris para itago ang dahilan na pera lang ang katapat nila. Walang dapat ipag-sorry si Kris sa mag-ina. Sila ang dapat mag-sorry sa childish act nila. Dapat i-ban ng ABS ang mga
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 740  mycomment

    03/08/2010 | 11:59 PM
    1. hbang binabasa ko ung article, na-imagine ko n gano kawalang latoy ang interview ni pia kay annabelle rama. d tlga mgaling n host c pia.

    2. wla akong nkitang msma s cnabi c kris kay ruffa s the buzz. bka may prob lang tlga c ruffa at wla s mood kya ayun.

    3. i will vote for manny villar. pro wlang sense ang pgdawit ni annabelle rama s kandidatura ni noy.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 739  beautifulLIFE

    03/08/2010 | 11:55 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 738  route57

    03/08/2010 | 11:46 PM
    hindi matapatan ng cheap dos ung tagline ng GMA-7 na quot;walang kinikilingan, walang pinoprotektahan,walang kasinungalingan, serbisyo totoo lamangquot; kasi wala silang ganun s compound nila... puro gimik at gimik, at saka gimik... melason?? gimik, sobrang obvious, daming naloloko.. irrelevant s national issues...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 737  esperancilla

    03/08/2010 | 11:43 PM
    Whatever happens between Kris and Ruffa, kay Kris pa rin kami. In my opinion, Ruffa's being too sensitive and passive started from home where she has been intimidated by her mom's naggings and whinings on a lot of petty issues.

    There's nothing wrong with Kris's comments. By this time, Ruffa should have known Kris better. Kris talks a lot but with sense, truth, and sincerity and she knows how to say sorry if she hurts someone's feeling. Ruffa needs to grow up. We know, she's going through a lot but she and her family are just blaming Kris.

    KRIS AQUINO-YAP, we love you!

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 736  route57

    03/08/2010 | 11:39 PM
    we all know that kris aquino has a lot of insecurities... sobrang halata na ung mga lumalabas s bibig nya, ay punong puno ng inggit, psychologically speaking... oo, nasa kanya n yaman, name, etc..., pero sa kabila nito, dami pa hinahanap nyang babaeng yan... kayo ang mag-isip...pwede ba... ganyan talaga environment sa abszbn, sobrang showbiz at mapulitika... ka-cheapan, oo, sikat artista nyo, pero, look naman s credibility, dun n ko s walang pinoprotektahan... cheap dos, pwede ba, puro artista panlaban, mas mahalaga ang news and public affairs.. cheap dos...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 735  puckerlips143

    03/08/2010 | 11:31 PM
    excuse u Hindi lahat ng kapamilya like si kris no kayo lang mga kapus ang over din sa reaction at comment sa issue because of annabelle..Kung marami ayaw kay ruffa marami rin me ayaw Kay kris d lang makapalag lalo na sa staff hirap mawalan ng trabaho kya may I kiss the butt na lang sila Kay kris kc kahinasn ni kris ang purihin sya infront sa cam or sa ibang Tao for sure good ka agad sa kanya..,,,a typical bipolar and a self centered w-h-o-r-e.......,,,wag na idamay si not sa lahat ng kandidato sa pagkapresidente si noy lang ang pwede lahat awww.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 734  honeybadger

    03/08/2010 | 11:29 PM
    please don't refer to RAYMUND as baboy or balyena. it's a disgrace to the pig and the whale and kahit sa ano pang animal. mas mabuti pa ang animals they only get what they can consume.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 733  8_path

    03/08/2010 | 11:28 PM
    Hay naku! itigil niyo na ang pag comment dito... Lalo na't wala namang kuwenta ang pinagsasabi niyo... hindi kayo na layo kay annabelle.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 732  iluvmangofromphils

    03/08/2010 | 11:27 PM
    Hay Naku, c Anabel parang tingin nya eh nakaka-angat na sya ng yaman kung yaman ang pagbabasehan kay Kris, hindi naman pangbabara kay rufa yong ginawa ni kris ah, normally pinapa amin lang ni Kris c rufa sa katotohanan, pano kasi ang galing magsinungaling ng mag-ina na yan, eh c kris kahit ano sinasabi nya eh, kahit nga nong nagka-STD sya hindi sya nahiya sabihin yon sa publiko, Ang nagmamalinis kasi na rufa kaya na hurt kasi hindi sya nakakatago ng lihim pag kaharap c Kris kasi prangka c Kris eh, MANGAGAMIT C ANABEL AT RUFA, galing pumili ng taong gagamitin no? Sira-ulo na yata c Anabel, dapat sa kanya nasa Mental Hospital, hahaha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 731  route57

    03/08/2010 | 11:24 PM
    Read mozart2010's and shinelikedmoon's comments... THEY ACTUALLY MAKE SENSE... ung iba, pwede ba, ang bhaduy nhyo,ha... peace, this is a free country...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 730  Singbilis123

    03/08/2010 | 11:23 PM
    Hi Ruffa.. napanood ko yung pag wawalk out mo kahapon sa THE BUZZ... ok lang yun at least alam ni Kris na offend ka nya.. Pero..kung iisipin mo.. MALI pala.. parang immature!!

    Speaking of imature.. yang nanay mo naman di ba magbabago yan!!!??? Pag iyan na stroke.. maraming matatawa!!!

    Pag sabihan mo naman yung kapatid mong bakla!!! Sana di na sya umieepal kase di naman away yun.. tampo tampo factor lang naman yun!!! Tsaka kung away nga yun... parang sinabi nya na BAKLA talaga yang BABOY mong kapatid!!! Kakahiya.. may kakambal syang BADAFFFF!!!!

    Sabi ni Raymond BAKLA sa Tweeter nya.. yung mga Host daw ng Central may respeto sa isat isa!!! KAYA PALA SI MO PUPPET AT SI ESCORT RUFFA MAE LAGING NAGSISIRAAN ON AIR!!!! BAKLA KASE KAYA DI NAG IISIP E!!! CHUPAERO!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 729  parisperezhilton

    03/08/2010 | 11:23 PM
    WOW, ang mga Gutirrezes family lang pala ang makapag-UNITE sa mga kapuso at kapamilya.

    Thank goodness, I dont belong to that family....one of the most depised sa Pilipinas. LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 728  arianettes

    03/08/2010 | 11:23 PM
    GIMIK... GIMIK..... GIMIK!!!! GIMIKERAS STRIKE AGAIN. ANG KAKAPAL NG MGA MUKHA!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 727  yesyesyo

    03/08/2010 | 11:17 PM
    nothing really offensive sa comment ni kris. napakababaw ni ruffa. im sure may deeper reason talaga bakit malungkot na sya before that scene.

    sinama ba sya sa cast ng kokey remake? kasi sa una nandun sya. baka na hurt.

    whatever, im with kris on this one.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 726  kamael25

    03/08/2010 | 11:16 PM
    HAIL QUEEN OF ALL MEDIA!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About